_Living room_
"Girl anu nga pala nangyare sayo kanina?" interesadong tanong ni Cheska habang nanonood kami ng T.v sa living room.
"Alam mo ang tsismosa mo, Pero sige kukwento ko na." sabi ko kay Cheska
(FLASHBACK)
"Good Morning po Ma'am" bati ko sa Principal
"have a sit" utos nito
"Alam mo bang bawal mag sulat sa kahit saang bahagi ng University na to?" Simula nito
"P-po?? a-alam ko po un Ma'am" nauutal na sabi ko
"Alam mo naman pala eh, Bakit mo sinulatan yung pader ng English Faculty?" tanong nito sa akin
"Ma'am hindi ko po alam ang sinasabi niyo" tanggi ko dito
"Huwag ka ng mag maangmaangan pa, dahil nakalagay ang pangalan mo sa dingding ng English Faculty.Tatawagan namin ang mga magulang mo para malaman ang kalokohang ginawa mo" medyo tumataas na ang boses nito
"Pero po Ma'am…" mag sasalita na sana ako ngunit pinutol niya ang sasabihin ko
"No buts, now you may go to the English Faculty and clean it" Utos ng Principal
"Sige po Ma'am" yun nalang ang nasabi ko at lumabas na ako ng Principal's Office
Lumabas na ako ng Principal's Office at nag lakad patungo sa English Faculty. Kainis ang sama na nga ng pakiramdam ko tapos paglilinisin lang ako e wala naman akong kasalanan.
Humanda saken kung sino man ang may pakana nun. At ang pinaka nakakainis mawawalan ako ng allowance! SNW na!
Nandito na ako ngayon sa tapat ng English Faculty. My ghad sino kayang loko loko ang nag nag drawing nito? Monster na may sungay tapos may pangalan sa side na This is Mrs. Piggy, tapos, tapos..… sajglkfgmdgmlj!!!! bakit nakasulat ang pangalan ko dito?? Created by: Kyle
Nako wag ko lang malalaman kung sinong may gawa nito kundi mapapatay ko!
Sinimulan ko ng kudkurin ng basang panyo ang dingding na may drawing. Makalipas ang 15 mins wala padin nagbabago, pinag titinginan na ako ng ibang studyante pero di ko nalang sila pinansin. Pagod na pagod na ko kaya nag pahinga muna ako. tinignan ko ang aking mga daliri sa kamay.
"hay, nabura pala ang Nail polish ko" bulong ko sa sarili ko at napa buntong hininga nalang ako dahil sa pagod
Kinuha ko sa bag ko ang nail polish remover at ang bulak at sinimulang burahin ang mga kulay sa aking mga daliri.
Teka kung nabubura ng Nail polish remover ang mga kulay sa kamay ko, siguro pede ko rin gamitin to para mabura ang drawing sa dingding. Hays Stupid Kyle bakit ngayon mo lang naisip yun! -__-
Nag lagay ako ng nail polish remover sa bulak at binura ko ang drawing sa dingding, pentle pen yung ginamit na pang drawing kaya naman mabilis lang itong nabura ng nail polish remover.
"Wooh' sa wakas natapos na" sabi ko sa aking sarili
(END OF THE FLASHBACK)
"pfft… HaHaHa! HaHaHa! HaHaHa!" tawa ng tawa si Cheska
"Tsk anung nakakatawa dun sa kinuwento ko? pumangit na nga araw ko dahil dun tapos tatawanan mo pa ko, ang sama mo naman" nag dadramang sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
My Name is His Name?
Romans"She: Arranged Marriage to the most Arrogant, Abnoxious, Nasty, Jerk, Boastful, Meanie, Braggart, Short tempered and Hot headed man in this world? Oh my ... it's dooms day!" "He : This is so ridiculous! why would i marry the most Nagger, Lunatic, An...