CHAPTER 14

7 0 1
                                    

"Ano mga girl sasama tayong lahat sa tour ah! Wag lang ang hindi" masiglang sabi ni Margo

"aba syempre naman! Papahuli ba naman beauty ko? Hahaha" sagot naman ni Cheska

Oo tama ang narinig nyo, may tour kami bukas sa Hong Kong kaya naman excited na excited itong mga to hahaha syempre pati ako haha lakas kaya makabata kapag nasa Disney Land ka. Bale 3 days kami doon kaya siguradong mag eenjoy kami.

"Talliah, don't tell me magpapapilit ka na naman samin ha? Wag kang pabebe dyan kukurutin ka na namin sa singit eh" sabi ni Joyce

Hahaha napaka tabil talaga ng bunganga nito ni Joyce kahit kailan eh, talagang sa lahat ng parte ng katawan na pwedeng kurutin eh singit pa talaga ang gusto.

"Sino bang may sabing hindi ako sasama? Syempre call ako dyan" nakangiting sabi ko

"Well, well, well! So kasama ka palang malandi ka?" Maarteng sabi ni Madeline at kasama ang mga alipores niya

"Well, well, well caramel! Mukhang may gusto ulit mabuhusan ng juice and this time mukhang kape naman ang gusto niyang sumaboy sa kanya ngaun" nakangising sabi ko at hinigpitan ang hawak kong cup ng kape na iniinom ko kanina pa

"Hoy malande! Hinding hindi mo makukuha sakin si Zedrick! Hindi ka niya talaga mahal! You're just a fucking slut to fuck!" Gigil na sabi ni Madeline, bwisit na babae to walang kahihiyan pinagtitinginan na tuloy kami ng mga schoolmates namin dito sa cafeteria

Akmang tatayo na ang mga kaibigan ko para sugudin si Madeline ng pigilan ko sila at bumulong ng kaya ko na. Tumayo ako at hinarap si Madeline

"Edi iyong iyo na si Zedrick hahaha... balita ko nakakamatay daw ang inggit at pagiging desperada? So CONDOLENCE nalang sayo in advance ah good bye! Let's go guys may inggitera kasi dito e" Inis na sabi ko at kinuha na ang bag ko para umalis pero bigla niyang hinila ang wavy kong buhok. Shet ang mahal pa naman ng shampoo na gamit ko para maintain ang pagiging kulot ng buhok ko tapos sasabunutan lang niya ako, no way di ako papayag no! Kaya naman kahit medyo masakit pa ang braso ko dahil sa sugat ko nung na holdap ako ay ginantihan ko siya.

Inawat naman kami agad ng ng mga kaibigan ko at mga alipores niya kaya napaghiwalay agad kami

"Alam mo dapat lang talaga sayo yang sugat na yan! Buti nga sayo na holdap ka hahaha"

Tinignan ko siya na parang nagtataka dahil kami kami lang ng mga kaibigan ko ang nakakaalam na nasugatan ako ng nang holdap sakin

"Nagtataka ka no? Hahaha ako lang naman ang nag utos na holdapin ka at sugatan ka, oh actually nasa mukha pa nga dapat yang sugat na nasa braso mo eh, kaya lang tatanga tanga yung nautusan ko eh pero okay na yon nakaganti naman ako sa pag agaw mo sakin kay Zedrick" nakangising sabi ni Madeline

"You're totally insane!" Galit na sabi ko at itinulak siya ng malakas na siyang dahilan para mapasalampak siya sa sahig

Baliw na talaga itong babae na to! Sarap kalbuhin eh. Thank God at hindi ako sa mukha nagalusan dahil masisira career ko nito model pa naman ako hays

"Z-zedrick? babe? Walanghiyang Talliah yun bigla nalang ako itinulak, g-gusto ko lang naman mag sorry sa kanya pero itinulak niya nalang ako bigla"  umiiyak na sabi ni Madeline habang nakayakap na nagsusumbong kay Zedrick na kakadating palang

Aba't hindi lang pala maldita tong si Madeline haha best actress din pala ampota. Bakit di nalang siya mag artista kikita pa siya para naman mapakinabangan niya yung kaartehan niya.

My Name is His Name?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon