Finally we met

14 0 0
                                    

*Kringg*Kringg*

*Kringg*Kringg*

*Kringg*Kringg*

*Kringg*Kringg*

*Kringg*Kringg*

Sabay sabay na tunog ng aking mga alarm clock. Ayt! Kainis naman tong mga alarm clock na to! Inaantok pa ako e . Pinatay ko na ang aking 5 alarm clock. Ang haba pala ng tulog ko mula kahapon hanggang ngaun pero inaantok pa din ako -__-

Pumunta na ako ng cr. ng kwarto ko para maligo dahil may pasok kami ngayon. Si Cheska? Ewan ko dun kung may balak pumasok mukhang tulog pa eh.

Tapos na akong maligo kaya naman isinuot ko na ang aking fitted uniform na pang Tourism then nag lagay lang ako ng light make up. Lumabas na ako ng aking kwarto at pumunta na ako sa kitchen para mag breakfast.

"Because you know i'm all about that bass, 'bout that bass no treble! i'm all about that bass, 'bout that bass no treble!"

Kay gandang tinig ang aking naririnig mula sa kusina, marahil kumakanta na naman ang magandang diwata XD

Akala ko wala siyang balak pumasok eh, may balak naman pala haha

  _KITCHEN_

"im all about that bass, 'bout that bass no treble!" kanta ni Cheska

Wow nag luluto ang loka at may pagkanta pa with matching pakendeng kendeng pa! Mukhang good mood tong Beki na to ah? Anu kayang meron? Baka naman may sapi na to? Hala nakakakilabot naman.

"Mukhang good mood ang magandang diwata ah?" tanong ko kay Cheska na nakatalikod habang nagluluto

"Ay babaeng mas maganda pa saken!" gulat na sabi ni Cheska

"Wag ka ngang nang gugulat dyan!" dagdag pa niya

"Haha sarap mo pala gulatin? Nagsasabi ka ng totoo pag nagugulat ka hahaha" natatawang sabi ko kay Cheska

"haha ang Assuming mo talaga" pang aasar niya

"Bakit may iba kapa bang nakikita ditong maganda bukod sakin?" pambabara ko sa kanya

"Oo itong kawali… Ang ganda ganda nitong kawali oh!" sarkastikong sabi niya

"So mas maganda pa pala yang kawali sayo? haha" pang aasar ko sa kanya. Bumabawi lang ako dahil inasar niya ko kahapon

"Tss' dyan kana nga!" inis na sabi niya sa akin at pinatay na ang kalan at umupo na siya sa dinning table para kumain.

"Hahaha, ikaw kase eh! Inasar mo ako kahapon yan tuloy haha" natutuwang sabi ko sa kanya

"Gutom lang yan girl, kumain kana lang" sabi ni Cheska

"haha baka nga" sabi ko at umupo na ako sa dinning table

"nga pala may pupuntahan ka ba mamaya?" tanong ko sa kanya

"uhmm, wala bakit?" tanong din niya

"Samahan mo ako sa plaza, mag s-skate ako…" pinutol ni Cheska ang sasabihin ko, napansin kong parang kuminang ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko

"gusto ko yan girl!" excited niyang sabi

"mukhang excited ka ata?" makahulugang tanong ko sa kanya

My Name is His Name?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon