CHAPTER 9

17 1 0
                                    


(Jaspher's Pov)

Kapag naiisip ko na ikakasal na si Liah naiiyak ako, lalo na sa kapatid ko pa siya ikakasal. Yun yung masakit dun eh, di ko matanggap na sa dinami dami ng tao dito sa mundo eh si kuya pa ang mapapangasawa niya, napakaliit talaga ng mundo para sa aming tatlo. Magkapangalan rin sila, sana ako nalang yung nasa posisyon ni kuya e, or sana hindi nalang si Liah yung mapapangasawa niya kundi Ako. Nandito lang ako ngayon sa table at umiinom ng beer habang pinapanood ang pinakamamahal ko na masayang nakikipaglaro sa kapatid kong si Kelsey, sila mommy at tita Natalliah naman ay nag iihaw ng barbeque, si daddy at tito Kyler naman nagkukwentuhan. Si kuya Zedrick naman busing busy sa paglalaro ng Clash of Clan, mukha naman walang paki si kuya kay Liah e, subukan lang talagang saktan ni kuya si Liah kundi ako makakalaban niya. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa din ang nararamdaman ko kay Liah o kakalimutan ko nalang tong nararamdaman ko sa kanya, pero sinisigaw talaga ng puso ko ang pangalan niya kaya nahihirapan ako, si Liah kasi yung tipo na tao na madaling mahalin at mahirap kalimutan. But as of now itutuloy ko pa din ang nararamdaman ko kay Liah, malay niyo naman ako talaga ang nakatadhana para sa kanya.

(Talliah Kyle's Pov)

"Grabe nakakapagod" sabi ko pagkasalampak ko sa kama dito sa kwarto namin ni Zedrick
Sobrang laki ng kama at ang lambot lambot pa, ang sarap matulog, dapat ganito kalaki ang kama ko eh kasi malikot ako matulog.
Nauna na ako dito sa kwarto, si Zedrick? Ewan ko kung nasan yung lalaking yun, hinatid lang ako dito ni Jaspher kanina e, nagtataka nga ako dahil sobrang tahimik niya ngaun. Baka next time ko na kausapin si Jaspher kasi mukhang may problema siya ngaun at ayokong makigulo sa kanya.
Nagtatalo kami ni Zedrick kanina kung sinong matutulog sa kama at sa couch. Sa totoo lang bwisit na bwisit na ko kay Zedrick dahil napaka damot niya, akala ko papayag siya na sa kama ako at sa couch siya pero di pumayag ang loko at nakipag bato bato fix pa. Natalo ako sa appear fix dahil ang daya niya, kesyo may pako pa siyang nalalaman ,tapos may kamehameha wave pa siyang sinasabe basta nakaka imbyerna yung ugali niya. Pero dahil di siya uubra sa muscle ko ako ang masusunod, matutulog na ako para pag dating niya wala na siyang magagawa kundi sa couch na lang matulog, I'm pretty sure na ako ang magwawagi ngaung gabi . (Evil grin) then Pumikit na ako ZzZzZzZz

(Kyle Zedrick's Pov)

Kakatapos ko lang maggawa ng Autocad at naglalakad ako ngaun papunta sa kwarto namin ni Liit, ewan ko ba kay Jaspher kung bakit Liah pa tinatawag niya dun eh pwede namang Liit nalang mas bagay pa sa kanya.
Nakita ko agad na mahimbing na natutulog si Liit sa kama pero hindi naman ako papayag na sa kama siya matutulog at ako sa couch kaya binuhat ko siya at inilipat sa couch, langya ang liit liit niya pero napaka bigat. Naalala ko tuloy yung kanina nung nagtatalo kami kung sinong matutulog sa kama at couch.

(Flash Back)

"Hoy kumag! Ayoko kang katabi sa pagtulog kaya wether you like it or not sa kama ako at ikaw sa couch, got that?" Mataray niyang sabi sa akin

"Why would I? This is our Hotel so bakit ikaw ang masusunod? Saka sino ba may sabi na gusto kita makatabi? Kung hindi nga lang naka lock yung mga rooms dito dun na ko matutulog kesa mag tiyaga kasama ka" sabi ko

"Ah basta sa kama ako matutulog! At wala kanang magagawa don!" She stated

"No way! Mag bato bato fix nalang tayo, kapag nanalo ka papayag ako na sa kama ka pero kapag nanalo ko good luck nalang sayo haha" sabi ko

"Sige ba! Magaling ako dyan" sang ayon niya

"Okay let's start" sabi ko

My Name is His Name?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon