CHAPTER 6

9 0 0
                                    

_CLASSROOM_

"Uy dalaga na siya! haha" pang aasar ni Cheska sabay kurot sa tagiliran ko

"tigilan mo nga ko" inis na sabi ko sa kanya

"Kyle Zedrick na ayaw pa ba? haha" pang aasar pa niya

"Hoy Francisco namumuro kana sakin! Ninakaw na nga niya ang first kiss ko e tapos aasarin mo pa ako" asar na sabi ko sa kanya

"Oa mo naman, ikaw na hinalikan ng gwapong nilalang ikaw pa galit.. Nako kung ako yun tuwang tuwa na ko" sabi ni Cheska

"Ang pangit pangit kaya nung Kyle Zedrick na yun! Kung si T.O.P pa ng BigBang yun baka natuwa pa ko" nag de daydream na sabi ko

"At bakit ka naman hahalikan ni T.O.P? Ni hindi ka nga kilala nun e, hahaha" pang aasar ni Cheska

Sinamaan ko lang siya ng tingin

"haha oo na titigil na" sumusukong sabi ni Cheska

"Tsk!" yun nalang ang nasabi ko dahil dumating na ang aming professor

"Good morning class" bati sa amin ng aming professor

"good morning Mrs. Castillo" sabay sabay na bati namin sa kanya

"Ok lets proceed to our topic for today, The blah blah blah is the blah blah blah of the blah blah blah, so the blah blah blah was called blah blah blah" Nagtuturo lang ng nagtuturo si Mrs. Castillo pero ako? wala nakatingin lang sa labas dahil wala ako sa mood ngayon, wala nga din akong naiintindihan eh. hays gusto ko ng matapos tong araw na to, gusto kong matulog ng matulog

-___-

"Miss Montemayor, please pay your attention or else i will send you to detention room" galit na sabi ni Mrs. Castillo

"Ayy pangit na baboy!" nagulat ako dahil bigla nalang akong tinawag ni Mrs. Castillo

Nagtawanan ang mga classmate ko dahil sa narinig nila, eh kasi naman ginulat niya ko eh yan tuloy nakapag salita tuloy ako ng hindi kanais nais
-___-

"go to the detention room now!" galit na sabi ni Mrs. Castillo

Lumabas na ako ng room namin at naglalakad ako ngaun papuntang detention room. Bawat madaanan kong maliliit na bato ay sinisipa ko dahil sa sobrang inis ko

"hey!" isang boses ng lalaki ang aking narinig pero hindi ko ito pinansin, malay ko bang ako talaga tinatawag nun baka nanaman nantitrip lang

"hey! stop!" sigaw nung lalaki, lalo kong binilisan ang aking paglakad

"hey stupid bitch, are you deaf? i said stopppp!!"  

*poink*

"A-aray!" bigla akong napatigil sa paglalakad dahil sa batong tumama sa ulo ko

"titigil ka din naman pala eh, gusto mo pa nasasaktan" biglang may nagsalitang lalaki mula sa likuran ko

"walanghiya ka!"  

*pak* sinampal ko lang naman ang loko lokong nambato sa ulo ko

"IKAW?!" sabay na sabi naming dalawa inis na tanong ko sa kanya

"Ikaw dapat ang tinatanong ko kung anung problema mo!" galit na sagot niya

"excuse me? ikaw ang nauna, binato mo lang naman ako sa ulo, bakit ba ayaw mo akong tigilan ha? siguro may gusto ka sakin no? Tsk stalker!" maarteng sabi ko sa kanya

My Name is His Name?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon