16 of 16

702 76 3
                                    

Church


We spent our 2 days roaming around Cebu and its famous landmarks. We visited some beaches in Cebu. Pati iyong mga Shrine pinuntahan din namin. Nakakapagod maglakad actually, pero masaya rin at the same time.

May oras nga na naglalakad kami tapos bigla kaming magtatawanan kaya pinagtititigan kami ng mga tao.

At sa ikatlo naming araw rito, napagdesisyunan namin na magpunta sa mga simbahan dito. Sakto pa namang linggo kaya nagsimba na rin kami.

Nang matapos ang misa, naghiwa-hiwalay muna kami dahil may kaniya-kaniya kaming gustong puntahan.

"Guys, do'n lang ako ah," paalam ko sa kanila habang tinuturo ang lugar kung saan magsisindi ng kandila at tumango naman ang iba.

Nang makapasok sa loob, nakita kong may iba't ibang kulay ng kandila na pagpipilian. Binasa ko ang kahulugan ng bawat kulay.

White- Purity, Peace, Truth and Hope

Red- Action, Courage, Strength

Orange- Joy, Stimulation, Energy, Success

Pink- Self-love, Friendship, Harmony

Yellow- Clarity, Creativity, Manifestation

Green- Money, Success, Fertility

Habang nag-iisip kung anong kandila ang pipiliin ko, may naramdaman akong bulto na tumabi sa akin. Binalewala ko ‘yon sa isiping baka taga- rito na nagsisimba o kaya naman ay turista. Pero bahagya akong nagulat nang magsalita siya.

"I think you should choose the pink one. It suits you,” sabi ng lalaki. Napakapamilyar ng boses niya pero imposible namang narito ang taong ‘yon. Hindi ko rin siya pinansin dahil iniisip ko na may kausap siya at hindi ako ‘yon.

"Self love. Each person needs it. Kasi kung wala kang pagmamahal sa sarili mo, ‘pag dumating ang araw na nagmahal ka, baka lubos kang masaktan dahil lahat ng pagmamahal mo ay ibinigay mo sa kaniya, to the point na wala ka ng natirang pagmamahal sa sarili mo. It could hurt. A lot. Friendship. Well, I can see you already have that but still, para mas tumatag ang pagkakaibigan niyo. And harmony. Para lagi kang masaya. Para sa tuwing malungkot ka, you will always look at the optimistic side para ‘di ka tuluyang malungkot," pagsasalita ulit ng taong katabi ko. Pasimple akong lumingon sa paligid habang nakayuko at napansin kong kami lang pala ang nakatayo rito sa may kandila. So ako pala yung kinakausap nya? Hala!

Bumaling ako sa taong nagsasalita para sa mag-sorry kasi ‘di ko sya pinapansin pero the moment na mapatingin ako sa kaniya, napatulala na lang ako.

Schock was written all over my face as I look at the person standing beside me. I even blink enumerable time at kinusot ko rin ang mga mata ko para makasiguro na hindi nga ako nnamamalikmata. Hindi pa ‘ko nakuntento at kinurot ko ang pisngi niya.

“Ow!” natatawa siya habang hinihimas ang pisnging kinurot ko.

“What the hell are you doing here?!” gulat na gulat kong sabi. Tinakpan niya naman ang kamay ko at gumawa ng silence sign gamit ang isang kamay.

“We're in a church. You don’t day that here.” Kumunot ang noo ko sa pinagsasasabi niya hanggang sa magsink-in sa ‘kin ang kahulugan no'n. I just said hell! Shit!

Oh my god, nagmura ako. Pero ‘di ko naman sinabi out loud so, hindi counted iyon?

Naiiritang tinanggal ko ang kamay niyang nasa bibig ko. “Ano ba kasing ginagawa mo rito? Alam mo, ang creepy mo na ha. Hindi ako magtataka kung bigla ka na lang susulpot sa Pristine Heights pero hanggang dito ba naman sa Cebu? Umamin ka nga sa ‘kin, Rhett. May gusto ka ba sa ‘kin? Stalker ba kita ha? Kasi sinasabi ko sa ‘yo, wala akong panahon sa pakikipagjowa—”

“Ano bang pinagsasasabi mo?” He looked at me incredulously. “I'm here because Blair forced me to come with them. Wala rin naman akong magawa dahil sumama sina Dad. I don’t want to be left alone in the house.”

Medyo kumalma ako sa sinabi niya. “So hindi kita stalker?”

“Never in my life will I become a stalker. At saka, bakit pa kita kailangang i-stalk? Sa daldal mo pa lang, paniguradong malalaman ko na pati talambuhay ng Lolo mo.”

Awtomatikong tumikwas ang kanang kilay ko. “Excuse me? Ako? Madaldal?” I even pointed myself to emphasize my reaction.

“Bakit, hindi ba?”

“I am just sharing my thoughts and opinions. We do live in a democratic country, right? Malaya akong ihayag ang kahit na anong gusto ko,” taas noo kong sabi.

Tumango siya. “Yeah. Pero minsan, sumosobra na.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. He smirked. Ako naman ay humalukipkip at handa na siyang murahin at sigawan nang maalala kong nasa simbahan nga pala kami.

‘Di bale, ipagtitirik ko siya ng kandila at ipagdarasal na sana, mabawasan na ang talim ng dila nitong gagong ‘to nang umikli rin ang sungay.

“Kung makapagsalita ka naman, akala mo ang ikli ng sinabi mo kanina. May paself love-self love ka pang nalalaman. Hoy, FYI, nag-uumapaw sa pagmamahal ko ang sarili ko kaya ‘di mo na kailangang ipaalala sa ‘kin ‘yan, ano!”

“Oh, tapos?”

“Aba't talagang—”

“CJ! I've been looking everywhere for you,” hinihingal na sambit ni Austin habang tumatakbo papalapit sa ‘kin. I met him halfway saka hinawakan siya sa braso at pinatalikod.

“Tara na, Austin. Nagugutom na ‘ko,” nagmamadali kong sabi saka hinila siya palayo. Mahirap na. Baka mag-away na nman ang dalawa kapag nakita ni Austin si Rhett. Wala pa namang matinong usapan ‘tong dalawa.

He halted and looked at me questioningly. “Huh? Eh ‘di ba, dumaan tayo ng fastfood bago nagpunta rito? Gutom ka na naman?”

“Oo. Tara na,” hinila ko ang kamay niya pero ‘di siya gumalaw.

“Gutom ka ulit? Really? You sound like Harvey.”

“Oo nga! Ang kulit nito. Tara—”

“Crystal.” Anak ng! Lumabas pa talaga ang loko. Gago talaga kahit kailan. Gusto yatang makipag-away sa harap ng simbahan —este gilid pala. Nasa gilid kami ng simbahan.

Naestatwa si Austin sa kinatatayuan niya at nang makabawi, dahan-dahan siyang umikot at pinagtago ako sa likod niya, like he always does when Rhett is around.

“Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba kami?” tanong ni Austin kay Rhett.

Natawa si Rhett sa tanong niya bago lumagpas ang tingin sa ‘kin na nakasilip lang sa balikat si Austin.

“Magkaibigan talaga kayo, ano? Pareho kayo ng tanong,” he answered playfully.

“May binabalak ka, ‘no?” Napatuwid ako ng tayo at hinawakan si Austin sa braso saka hinarap.

“Hey, that's enough. Don't judge him like that,” saway ko.

“CJ, people like him, are expected to do the worst. Trust me because I've known him.”

“You have known him. Past tense. Meaning, dati pa. Paano kung nagbago? ‘Di mo siya bibigyan ng pagkakataon kasi alam mo kung sino siya dati? Ako nga, may kakilala. Mabait, parang anghel. But all of a sudden, bigla siyang nagbago. Nag-iba ang ugali niya. I don’t wanna believe it, pero sinasampal na ako ng katotohanan na iba na siya sa taong nakilala ko noon. Kaya ang ginawa ko, tinanggao ko na lang. I did not insisted for her to go back to her old self kasi ginusto niya ‘yung pagbabago niya. Kasi ako lang din ang mapapahiya kung ipipilit ko ang dating siya. People change, Austin. Sometimes for the worst but mostly, for the better,” sabi ko saka bumaling kay Rhett na mapungay ang matang nakatingin sa ‘kin.

I knew I hit something nang matahimik si Austin sa gilid ko. Magpapaalam na sana ako kay Rhett nang makaalis na kami when I heard a very familiar pitchy voice that I hate very much. Kaagad na tumaas ang altapresyon ko.

Calm down, Crystal. Act cool. Hindi alam nina Rhett at Austin na magkaaway kayo ng lintik na Ayah na ‘yan.

“Rhett! Hinahanap ka na ni Tito. Next stop na raw tayo—oh!” she acted surprised but it obviously looks fake. Nanliit ang mga mata ko. “Crystal, nandito ka pala? Hello!” I wanted to grimace when she greeted me joyfully.

Grabe! Napakarecycable talaga! 100% plastic!

I forced a smile and waved at her a bit. “Hello.”

“Nakakaistorbo ba ako sa inyong dalawa?” Misteryoso siyang ngumiti. Napabaling naman ako sa paligid.

“Tatlo kami, hindi dalawa. Just in case you didn't see Austin.” Pinatong ko ang braso ko sa balikat ni Austin habang nanatiling nakangiti sa kaniya.

“Oh, right. Hi there!” Hinarap nito si Rhett at kinausap. Ako naman ay pasimpleng bumulong kay Austin.

“Pigilan mo ‘ko, Austin. Bago pa ako magkasala at hambalusin ko ‘yang babaeng ‘yan patungong entrance ng simbahan at ilublob sa holy water,” I whispered while gritting my teeth. Sakto namang natapos ang pag-uusap ng magpinsan at humarap ang mga ito sa amin.

“Blair and I have to go, I'll just see you in Pristine, Crystal.”

I smiled genuinely and waved my hand. “Sige. Bye.”

Naunang maglakad si Rhett at panandaliang tumayo muna si Ayah sa harapan namin. Unti-unting nawawala ang ngiti sa labi niya at tumalim ang mga mata niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Oh, anong tinitingin-tingin mo riyan? Alis.”

“This is not your territory to order me around, Crystal.”

“Oh bakit? Teritoryo mo ba ‘to? Hindi rin ‘di ba?” pang-aasar ko. Umusok ang ilong niya at mas lalong tumalim ang mga mata. She flipped her hair before turning around while stomping her feet like a bratty kid.

Mukhang may patarayan contest yata sila ni Gwen. Lumalaban din ang isang ‘to sa pagkamaldita eh.

“Who’s that?” naguguluhang tanong ni Austin.

“Trash.” I smirked.

GraciousVictory

Don't forget to vote, comment on this chapter if you have some questions, and of course, follow my acc, @GraciousVictory. Thank you!😘

One of the Boys (Pristine Series#1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon