39 of 39

346 58 21
                                    

Heart Attack

“Papa, I can explain—”

“Hindi ba't kabilin-bilinan sa ‘yo ng Lolo mo na huwag kang lalapit sa mga Montevirgen? Why are you talking to one?!” singhal ni Papa sa ‘kin nang makapasok ako sa opisina niya.

“Mabait naman po siya—”

“Kahit na!” Hinampas niya ang mesa dahilan para mapaigtad ako. “I understand, you mean well but please, not now Crystal. Layuan mo ang lalaking iyon. Gusto mo bang magalit ang Lolo mo sa ‘yo? Simpleng instruction, hindi mo masunod-sunod!”

“I thought you want peace—”

“I do! And we already have it. Kung lalapit ka pang muli sa lalaking ‘yon, kung kakausapin mo pa siya, I won't let you study in Brilliants International School. Doon ka lang sa Marvelous, mag-isa at hindi na kita papayagan pang magpunta sa mga kaibigan mo.” Napanganga ako sa sinabi niya.

“Pa! Nakipag-usap lang ako sa tao!”

“Hindi ako tanga, Crystal!” sigaw niya na alam kong rinig hanggang labas. “Didn’t I tld you to stick with Austin? Ano na lang angsasabihin ni Justin kapag nakita niya ang anak ko, na nililigawan ng anak niya na nakikipag-usap sa ibang lalaki at halatang siyang-siya pa siya?”

Mapakla akong natawa. “If you want to improve our relationship with the Entienzas, don't use me, Papa. At hindi, hindi na ako nililigawan ni Austin. Magkaibigan lang kami.”

“Ilang araw lang ang nakararaan, lumabas kayo ‘di ba?”

“Hindi ko siya gusto,” mariin kong sabi.

“Hindi mo gusto o may iba kang gusto?”

Pareho! I wanted to shout that pero alam kong may lilipad ng bagay kapag binanggit ko pa.

Papa laughed mockingly. “So what Chirlyn said before was true. I thought it was a joke.” Tumalim ang tingin niya sa ‘kin. “You promised! Sabi mo hindi ka lalapit sa kanila.”

“I can't help it! I tried, but I can't,” humina ang boses ko.

“If you use your mind, you can.”

“Rhett genuinely cares for me, Papa.”

“And we don’t? Crystal, this is for your well-being. And for the family's as well. Ito ang pinaka-praktikal—”

“Hindi lahat ng praktikal ay makabubuti sa ‘kin, Pa. This is my happiness and freedom we are talking about. I'm seventeen, I already know the difference between right and wrong. I'm old enough to make my own decisions!” nafru-frustrate kong sigaw.

Napahilamos si Papa sa sariling mukha. “Anak naman, iba na lang. Si Austin na lang—”

“Hindi ko nga siya gusto,” pagmamatigas ko.

Napabuga siya ng marahas na hininga. “Bakit ang lalaking ‘yon pa?”

“Bakit hindi siya?”

Pansamantalang tumalikod si Papa sa ‘kin. Nang humarap ay naroon na naman ang matalim niyang titig.

“You'll stay away from that boy or else, hindi kita pag-aaralin sa BISC. Hindi ko na rin hahayaang dalawin mo ang mga kaibigan mo. Pick,” seryoso niyang sabi.

Lihim akong napalunok at pinag-isipan ng mabuti ang isasagot.

Kaya ko ba? Ang hindi mag-aral sa BISC, kaya ko iyong tiisin. Pero ang hindi madalaw ang mga kaibigan ko…

Pero may social media naman. At baka kapag may party sa Pristine, magkikita-kita rin kami. But they're my friends.

Sinong pipiliin ko? Si Rhett o ang mga kaibigan ko?

Huminga ako ng malalim at taas noong sinalubong ang titig ni Papa.

“I pick the second one.” Nanlaki ang mga mata ni Papa sa sinabi ko. Halatang hindi niya inaasahan ‘yon. Ako rin. I always argue with Papa but I still listen to him at the end.

“Sa tuwing may iniuutos ako sa ‘yo, lagi mo akong sinusunod even if it takes a long argument. But now—” Tiningnan niya ako na parang nasisiraan na ako ng bait. “All this, for a boy? I never expected this from you. You disappointed me, Crystal.”

Naramdaman ko ang paninigas ng bawat kalamnan ko sa sinabi ni Papa. Iyon ang mga salitang pinakakinatatakutan ko. At alam kong alam ni Papa ‘yon.

Pilit kong hinamig ang sarili at pinilit na hindi manghina. “If there is one thing that I learned from Rhett, iyon ay ang manindigan sa mga gusto at pinaniniwalaan ko.” Tumayo ako ng tuwid. “Kaya po kung wala na tayong pag-uusapan pa, I'll excuse myself.” I turned around and went straight to the door.

“You’ll regret your decision,” sabi iyon ni Papa pero hindi sa isang galit na tono. He seems…amused.

Tumaas ang sulok ng labi ko saka tinanaw siya mula sa balikat. “I won't.”

Nagkulong ako sa kwarto buong gabi. Hindi ako bumaba para kumain. I may look tough as I converse with Papa earlier, pero ngayon ay hinang-hina ako. Parang ngayon lang nagsink-in sa ‘kin ang sagutan namin kanina.

He said he's disappointed at me. Oh God, did I made a wrong decision?

Pero ano namang mali sa ginawa ko? Hindi naman puwedeng buong buhay ko ay diktahan niya ako sa mga desisyon ko sa buhay. I don't regret what I said kanina pero, natatakot akong tuluyan ng magalit sa ‘kin si Papa.

Hayst! Ang gulo-gulo ko. And because of what I did, hindi ko na makakasama pang muli ang mga kaibigan ko. Kailangan ko silang tawagan para naman makapagpaliwanag. And as for Rhett, I don’t think he should know what happened. Paniguradong sisisihin nito ang sarili niya kapag nalaman niyang hindi na ako pag-aaralin sa BISC at hindi na ako pwedeng lumabas kasama ang mga kaibihan ko.

“Gabi na, hindi ka pa kumakain.” Hindi ko namalayang nakapasok na pala si Mama ng kwarto ko.

“Ma…”

“Sinabi sa ‘kin ng Papa mo ang naging sagutan niyo kanina. Hindi niya nagustuhan ang pagsalungat mo sa gusto niya,” aniya habang tinabihan ako sa pag-upo.

“Ma, if you’re here to change my mind, sorry but I won't. Maaari ngang nag-iisip ako kung tama ba ang pinili ko pero hindi po ako nagsisisi. Sadyang nag-aaway lang talaga ang utak at puso ko.”

“I know what you feel, Anak. Maraming beses na akong napunta sa sitwasyong iyan. It's actually hard, picking between your happiness or your well-being. Hindi sa lahat ng oras, ang puso ko ang pinipili ko. May mga pagkakataong kailangan kong bitawan ang isang bagay para sa ikabubuti ng lahat. And in your case, depende ‘yan sa ‘yo, Anak. Basta kung ano mang pinili mo, wala nang atrasan. We'll never know if it's the right decision until we see the outcome. Kaya ‘wag ka munang mag-overthink, okay?” Tipid siyang ngumiti saka hinaplos ang buhok ko.

“Yeah. Ubos oras lang ang pag-iisip.” Tumangu-tango ako.

Mama nodded in agreement. “Though that was a very big decision you did there. All that for Rhett, huh?” May panunudyo sa tono niya.

“Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, Mama. At sisiguruhin kong masusulit ko ang bawat segundong kasama ko siya.” It sounded cheesy but I don't feel an ounce of cringe.

“Well then, he's very lucky.”

“No, Ma. I am lucky. Never niya akong.pinilit sa isang bagay na hindi ko gusto. He's very persistent, yes but he never forced me to anything. Pinapangaralan niya ako sa tuwing napapansin niyang nakasasakit ang mga nasasabi ko. He cares for me and he's a gentleman. Gwapo na nga, mayaman na, mabait pa.”

“I want to meet him. I want to meet the guy who captured my daughter's heart.”

Napangiti ako sa sinabi ni Mama. “Soon, Ma. I'm sure he'll be very happy kapag sinabi ko iyon sa kaniya.”

“Ihahatid ka ni Nic sa school,” iyon ang pambungad ni Papa sa akin nang makaupo ako sa hapag. As usual, it's just the four of us sitting in the dining. Tulog pa si Lolo.

“No. Sasabay ako kay Rhett.” Naramdaman kong natigilan si Chirlyn saka namimilog ang matang napabaling sa ‘kin. Si Mama naman ay nagpatuloy na lang sa pagkain samantalang si Papa ay mukhang hindi nagulat sa sinabi ko.

“Tumutupad ako sa usapan natin, Papa. I haven't met with my friends for the past two days. At pagdating naman sa school na pag-aaralan ko next year, hindi na ako nage-expect na ipapasok niyo ako sa Brilliants. My grades are still consistent and soaring high as the usual and I don’t go outside without your or Mama's permission. Ang ilan po sa mga nabanggit ko ay hindi niyo naman iniutos pero ginagawa ko pa rin. As sign that I'm okay and I can do it. So please, huwag niyo po akong pagbawalan sa pagsabay kay Rhett sa pagpasok sa school. It's not like I’ll ditch a class o ‘di naman kaya'y hindi papasok sa eskwela. Kung wala kayong tiwala sa akin, pwede niyo naman pong tanungin ang school guard o ang adviser namin.”

Papa tsked. “Ang dami mong sinabi.” Pasimole siyang tumingin kay Mama. “Fine. Just make sure you go home on time. Alam kong wala kayong pasok ng hapon. Yoj can watch the event on your school as long as you go home before five o'clock.”

“Sure,” I said nonchalantly and continued eating.

“Nahuhuli na yata ako sa balita. Kayo na ni Rhett?” pabulong na tanong sa ‘kin ni Chirlyn habang kasabay ko siyang naglalakad palabas ng bahay.

“Oo.” Tumango ako nang hindi siya nililingon.

“Shit! Seryoso? At alam nila Tito?” interesante niyang tanong ulit.

“I told Mama dahil nahuli niya akong bumababa sa sasakyan ni Rhett. While Papa, nakita niya kaming magkausap at naisip ko na wala na ring saysay kung idedeny ko pa kaya naman inamin ko na.”

“Parang napipilitan lang si Tito na pumayag kanina…”

“Mama talked to him, I can feel it. Pero ayos lang. At least, hinayaan niya akong ihatid-sundo ni Rhett. Sana lang magtuloy-tuloy na.” Nagpakawala ako ng hininga.

“Paano si Lolo? Hindi kaya magalit siya sa ‘yo?”

Humigpit ang hawak ko sa bag. “Kung magalit man siya, eh ‘di hihingi ako ng tawad dahil nasaktan ko ang damdamin niya. Pero hindi ko iiwan si Rhett. Dapat labas na kami sa kung ano mang issue niya sa pamilya ni Rhett. Wala naman kaming ginagawang masama.”

“Ang tagal mo naman, baka hinahanap ka na ni Ma'am! Daig mo pa babae kung magbihis!” sigaw ko kay Rhett mula sa labas ng cr ng mga boys. Pinagbibihis na kasi sila para sa talent portion. At ang maarte, gustong sa comfort room pa talaga magpalit eh puwede namang sa backstage na lang.

Sabagay, maraming tao sa backstage. Lalo na ang babae. Baka may makalbo pa ako kapag nahuli kong nakatitig kay Rhett.

“Heto na po,” he drawled at narinig ko ang yabag niya papalapit sa pintuan kaya naman umatras ako.

Tumaas ang dalawang kilay ko habang pinagmamasdan ang porma niya para sa talent portion ng pageant.

Nakasuot siya ng beige na long sleeve at itim na t-shirt sa loob. Nakatuck-in ng buo ang tshirt samantalang ang longsleeve naman ay sa harap lang. May chain na nakasabit sa kanang bahagi ng kaniyang itim na pantalon. And he's wearing a black and white sneakers. His hair is in its usual messy style and the only different is he's wearing a piercing today. It's just a simple black stud pero ang laki ng epekto sa buo niyang hitsura. He looked like a boy next door.

Kaagad na naghuramentado ang puso ko nang lapitan niya ako habang may naglalarong ngiti sa mga labi. Then, his index finger touched my skin.

“I can see it in your eyes. I'm handsome, yeah?”

I nodded in daze. Pero saglit lang iyon lalo na nang tumawa siya dahil sa pamumula ko. Inalis ko ang kamay niya sa baba ko saka nauna nang naglakad sa kaniya.

“Tara na, baka mapagalitan pa tayo. Ang kupad-kupad mo kasi.”

He chuckled. “Yes, Hon.” At mas lalong namula ang pisngi ko.

Fvck shit! Fvck shit talaga!

Pumwesto ako sa harapan habang si Rhett naman ay dumiretso sa likod, where all the contestants are. I blend in with the crowd as I watch every student perform their own talent. At habang palapit nang palapit ang pangalan ni Rhett na tawagin, mas lalo akong kinakabahan at the same time, nae-excite.

He said that his performance was dedicated to me. Sinong hindi maeexcite at kikiligin?

“And now, for Grade Ten section Rizal, Rhett Montevirgen.”

Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid ko but I didn't care. My only focus is on Rhett who's now holding a guitar and sitting on a stool with a microphone in his front.

Nagtama ang mga mata namin at pareho kaming ngumiti.

“This song is dedicated to a very special girl that I love.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang labi kong halos mapunit na sa kakangiti.

The same time he strummed the guitar is the same time my phone rang. Balak kong i-cancel iyon nang makitang si Papa ang tumatawag kaso naisip kong baka importante.

Tumalikod ako at tinakpan ang tainga dahil sa tilian.

“Hello, Pa?”

“Crystal, umuwi ka na. Magbihis ka at kumuha ka ng mga damit ko at ng Lolo mo. Put it in a bag,” tila nagmamadaling wika ni Papa.

Kumunot ang noo ko. “What? Bakit, anong mayro'n?”

“Your Lolo had a heart attack. Nasa hospital kami ngayon.” He gave me the address habang ako ay nasapo ang bibig sa pagkabigla. “Wala ka namang ginagawa riyan, umuwi ka na. Kailangan ka ng Lolo mo.” Iyon lang at tinapos na ni Papa ang tawag.

Lolo had a heart attack. Why?

Lumingon ako sa likod ko kung saan kumakanta pa rin si Rhett. Hindi ko masyadong dinig ang kinakanta niya dahil sa lakas ng mga tumitili sa paligid ko pero kitang-kita kong damang-dama niya iyon.

“Sorry,” I mouthed kahit na hindi niya naman kita dahil nakapikit siya.

Mabilis akong tumakbo palayo at pumara ng taxi pauwi ng bahay.




✨GraciousVictory✨

Don't forget to vote, comment on this chapter if you have some questions, and of course, follow my acc, @GraciousVictory. Thank you!😘

One of the Boys (Pristine Series#1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon