7 of 7

1K 96 19
                                    

Rival

Gwen and I used to be friends before. Noong elementary, we were inseparable. But something happened. Something that made me lose my trust on her and to every person that I used to trust. Doon ko napagtanto na hindi lahat ng tao ay dapat pagkatiwalaan. Na dapat nag-iingat ka sa mga taong kakaibiganin mo. Ever since that day, I had trust issues to almost everyone. The only people that I do not doubt are my parents and my cousin. Siyempre, pati na rin si Tito Aron.

I had trouble trusting other people who are trying to get in my life. It would usually take me months or even years bago ko sila tuluyang papasukin sa buhay ko. Ganoon kalaki ang epekto ng ginawa ni Gwen sa ‘kin. I trusted her so much and I believed in her so much, yet she betrayed me.

Dire-diretso ang lakad ko patungong gym at wala na akong pakialam kung hindi na maipinta ang mukha ko.

Nakakainis naman kasi ehh. Bakit ba lagi nyang sinisira ang araw ko? Naiintindihan kong competitive kami pareho pero sa academics lang yun! Bakit nya kailangang kutyain ang pananamit ko? Pinagsigawan ko bang sobrang laswa ng damit nya?

Naupo ako sa huling upuan sa likod kung saan wala masyadong tao. Nakahalukipkip ako habang nakatungo. Ayaw pa rin matunaw ng galit ko. Wala naman akong mapagsabihan dahil wala akong kaibigan dito sa school. Oo wala as in wala talaga. Oo nga't maraming pumapansin sa 'kin pero ‘di ko naman sila ka-close. Binabati lang nila ako kasi kilala ako sa school namin.

SSG Vice President ako. Dko nga alam kung bakit ako nanalo. Kung gusto nila ako maging Vice President or ayaw lang talaga nila na manalo si Gwen laban sa ‘kin kasi alam na nila ang ugali nu'n. Hindi ko nga alam kung bakit naging ganoon ang ugali niya, pero wala na akong pakialam. Oo maraming haters si Gwen pero ‘di sila nagsasalita kasi alam nila na kapag napunta na sa guidance, babaliktarin lang sila ni Gwen. Itong mga councilor kasi, siya ang pinapanigan. ‘Di ko alam kung dahil sa magaling siyang umarte o dahil sa kilala siya sa school or whatsoever. Part din ako ng Journalism Team. Puro academics ang focus ko at favorite ko ang Math. At tulad ng sabi ng elementary teacher ko, ang magaling sa Math ay magaling din sa chess and vice versa. I think it's true though. Ganu’n ako eh.

Anyways, sa mga nagtataka kung bakit wala akong kaibigan, siguro kasi minsan mabilis akong magalit tas wala masyadong lumalapit sa ‘kin. ‘Di naman kasi ako friendly. Since pre-school ganoon ako. Pero mas mabuti nang wala akong kaibigan ‘di ba. Kaysa meron nga, mga plastik naman. Tulad ng mga kaibigan ni Gwen. Mga kaibigan ‘pag nakaharap sa kaniya pero kapag nakatalikod naman, nako nako. Sila ang nangunguna sa paninira sa kanya. Siguro karma niya na rin iyon. ‘Di naman sila maiwan ni Gwen kahit alam nya ang tungkol doon. Bakit? Because of connections and wealth. Kailangan niya ang mga ito para sa hinahangad niyang kasikatan kaya pinipilit niya ang sarili niya sa mga ito.

Napatingin ako sa grupong naglalakad papasok ng gymnasium. Hindi sila mukhang mayaman, dalawa sa kanila naka-salamin at may bitbit na libro. Pero kahit hindi sila ganoon kagaganda, kagwagwapo. Kahit nilalait sila, wala silang pakialam. Nakangiti pa rin sila habang nagkukwentuhan. Ganiyan ang tunay na pagkakaibigan. Binabalewala ang imperfections mo. Pero sa mundo ngayon, kakaunti na lang ang ganiyan. Lahat kase binabase sa itsura, kakayahan, at family background.

Ilang sandali pa ang lumipas nang dumami na ang mga estudyante sa gym. Pumasok na rin sila Gwen at mga alipores nya. Tinarayan pa nga ako eh. Siyempre tinarayan ko rin siya. As if naman magpapatalo ako.

"May I have your attention please? Students makinig muna kayo,” tawag pansin sa amin ng teacher sa harapan.

Napatingin naman ang mga estudyante at nagsimula na ring tumahimik ang paligid.

"Before we start our practice for next week's Recognition Ceremony, I will announce first the top 10 students of the school year in each grade level. Let's start with the Grade 7. Top 10 is..." sabi ng teacher sabay announce ng top 10 sa Grade 7.

Nagpatuloy pa ang announcement hanggang sa Grade 9 na ang susunod. Nabanggit na ang top 10-5 at oras na para sa natitirang apat na spot.

"And for the top 4, Ayah Lorenzo." Tuwang-tuwa si Ayah, at tumayo para kumaway at makilala siya ng ibang estudyante.

Binaggit pa ang top three hanggang sa pinakahinihintay na ng lahat ng Grade 9 students ang sasabihin....Ang top 2&1 spot.

"And for the top 2, Gwen Vergara."

"I knew it! Sabi na nga ba si Crystal ulit ang top 1 eh! Congrats Crystal!" baling sa'kin ng katabi ko na hindi ko alam ang pangalan.

"Hehe thank you,” pagpapasalamat ko sabay ngiti.

"And of course, alam niyo na kung sino ang top 1, everyone let's give her a round of applause. Chrystalline Jennica Dizon," nakangiting anunsyo ng teacher. Nagpalakpakan naman ang lahat.

Tumayo ako at kumaway ng kaunti sa mga kapwa ko estudyante. Grabe! Practice pa lang ‘to applauded na kaagad ako. Napabaling ako sa direksiyon kung saan nakaupo sina Gwen. Kung nakamamatay lang ang tingin, siguro nasa ICU na ako ngayon.

At para mabadtrip sya lalo, I gave her an evil smile dahilan para mag walk out sya. Ang yabang-yabang, pikon naman pala.

Matapos ang announcement, in-arrange na kami ng mga teachers in order at nagpractice na kami kung paano papasok at aakyat ng platform. Nang matapos ang practice at nagsimula ng mag-uwian ang mga estudyante, dumaan muna ako ng classroom namin. Wala lang trip ko lang. Tiningnan ko na din ang rankings na nakapost sa may bulletin board na malapit sa room ko. Habang nakangiti kong tinitignan ang pangalan ko, nilapitan ako nina Gwen at syempre tinarayan na naman nya ako.

"Don't be happy too much Crystal. Just like before--"

"Just like before ano? Naka-tsamba na naman ako? Lagi naman Gwen eh. Lagi akong nakatsamba kapag ikaw ‘yung natatalo."

At dahil do’n, mas lalong tumalim ang mga mata niya sa ‘kin.

"Hindi ako natalo. And besides, there's still next year... Baka do'n matalo na kita. Hindi ka naman mahirap talunin eh. Nagkataon lang na marami akong ginagawa kaya di ko napagtuunan ng pansin ang studies ko. You’re easy to beat kapag nag-aral na ako. Why? Because you are a... LOSER"

Peke akong natawa sa sinabi nya. "Loser? Pa'no mo nasabi? Ako ba yung top 2 ngayon? Ewan ko sa ‘yo, Gwen. Say whatever you want to say but you can’t change the fact that I... am the Top 1 and you are just Top 2," sabi ko at mabilis na naglakad patungong gate ng school.


GraciousVictory

Don't forget to vote, comment on this chapter if you have some questions, and of course, follow my acc, @GraciousVictory. Thank you!😘

One of the Boys (Pristine Series#1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon