53 of 53

472 25 61
                                    

France

“I understand.” Tumangu-tango si Papa. “I already prepared for this, actually. I have a plan.”

“Babalik ka po sa pagiging sea man?” tanong ko. We are planning what we should do kung sakaling isasauli nga namin sa Montevirgen ang Granja.

Papa shook his head. “I’m planning to start a new business. Babalik tayo roon sa townhouse. Well, kami ng Mama mo babalik doon.”

“And me?”

“You’ll stay in France. You have two choices. Doon ka magtatapos ng pag-aaral, o tatapusin mo ang pag-aaral mo bago ka pumunta ro’n since scholar ka naman.”

Nalaglag ang panga ko. “Pwede rin namang huwag na lang pumunta ng France.”

Nagbabanta ang tingin sa ‘kin ni Papa. “In France, your future is secured. Wala ka ng poproblemahin, you’ll stay with your Aunt and Uncle at may nakahanda na ring posisyon sa ‘yo sa clothing line ng Tita mo. Of course it’s a corporate job. Sakto sa kurso mo.”

Umiling ako. “No. Papa! Kalilibing lang ni Austin! You expect me to leave?”

“I’m not saying now. But soon. Basta ayaw kong makita mong unti-unting nawawala ang lahat sa atin. I don’t want to see you cry anymore, Anak.”

“A-Ayokong umalis,” naiiyak kong ani.

“Well, it depends kung kukunin nila ang Granja. Kung hindi, then you can stay.” Papa smiled mysteriously. Ngumuso naman ako para pigilan ang sumusupil na ngiti.

“What are you planning?”

“I just want my only princess happy.” He shrugged.

“Should I talk to him? Hindi ba nakakahiya? Ever since that day, hindi niya na ako pinansin. If you’re here, halatang sasabihin mo na baka busy lang siya or whatsoever pero iba talaga ang tingin ko.” I sighed. “Bakit ka ba kasi sumalangit? Alam mo namang bali-baliko ang mga paniniwala ko ‘di ba?”

Umihip ang isang malakas at malamig na hangin. Tumitig ako sa lapida ni Austin. I traced his name that was engraved in the stone.

“It’s been a week yet, I’m still so sad, Austin. Miss na miss na kita. I was really hoping that what happened was a dream pero ‘di ako pinagbigyan ng tadhana. Bakit ka ba kasi bumitaw? Alam mo namang ikaw lang ang nakakaintindi sa pag-uugali ko at ikaw lang ang napagsasabihan ko ng kahit ano. You said I can call you anytime I want kapag umalis ka na, paano ko magagawa ‘yon gayong wala naman yatang sinal diyan sa langit?” Tumikhim ako. “Nakuha nga natin ang hustisya, wala ka naman dito.”

Tumingala ako sa langit para pigilan ang pagtulo ng luha. Austin never liked it every time I cry. Lagi niya akong sinasaway at pinagagalitan pero may mga panahong hinahayaan niya lang ako. Pero nahahawa siya sa kalungkutan ko.

“I don’t think I’ll ever find a friend like you, Aust. Hindi ko ‘to nasabi sa ‘yo pero ikaw ang pinaka-best friend na mayroon ako. Ang dami na nating pinagdaanan. Remember when you made me stay away from Rhett kasi galit ka sa kaniya? Noong nanligaw ka sa ‘kin pero binasted lang kita? Noong umalis si Romiyu patungong Japan para sa Mama niya? Noong sunod-sunod ang naging heart break naming magkakaibigan at kayo lang ni Mav ang ‘di makarelate? Our little adventures when we were searching for the suspects who broke in our house. Iyong bakasyon sa Cebu. Naalala mo ba ‘yon? Puro malulungkot iyong mga naalala ko maliban sa Cebu. But still, they are all special to me. Kasi roon ko napatunayan na may mga totoo akong kaibigan. Lalo ka na.”

One of the Boys (Pristine Series#1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon