"Mission: Seducing The Gay"
Copyright © Baudelelarian, 2014
All rights reserved.
Author's note:
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Copyright © Baudelelarian, 2014
Pinatawag ako ni Ms. Rose sa office niya. For sure may client nanaman kami at sa akin nanaman ibibigay yung misyon na yun.
Kumatok ako at pinag buksan naman agad ako ng secretary ni Miss. May nakita akong lalaking naka-wheel chair sa tapat ng lamesa ni Ms. Rose, agad naman akong nginitian nito.
"Agent One, meet Mr. Hendrickson Gomez, our newest client. Mr. Gomez, siya po ang tutulong sa inyo." Umupo ako sa upuan katapat ng upuan ni Mr. Gomez. Nakipag shake hands naman ako kay Mr. Gomez.
"It's nice to meet you sir." Masaya ko'ng sabi. Kinuha ko naman yung folder na binigay ni Ms. Rose sa akin, andito kasi yung mga files tungkol sa client.
Binasa ko muna syempre, nalaglag naman yung panga ko sa nakita ko. Owner of Bigtime Malls all over the world, Funplay amusement park, Gold Hotel and Casino, and Fresco Restaurant. Napalunok naman ako ng laway. Wow, ang yaman niya.
"Babayaran kita ng doble. Please, do your best para mabago mo ang anak ko. He's my only son, siya ang tagapag-mana ng lahat ng yan." Nagmamakaawang sabi niya. Napatingin naman ako kay Ms. Rose, sumenyas siya ng dun kami mag usap sa gilid. Tumayo kami at pumunta dun sa gilid.
"Ms. Rose, paki-explain. Ayaw mag sink in sa utak ko e." Bulong ko sa kanya, nilapit niya naman yung ulo ko sa ulo niya.
"He's son is a gay."
"What?!" Napalakas ata yung sigaw ko pero pinipigilan ko pa din wag mag histerical. Jusme! Bading? Anong kalokohan 'to?
"Dylan, makinig ka. Kailangan mo to'ng gawin para sa agency, malaking kawalan yan si Mr. Gomez pag nagkataon, please Dylan." Pag mamakaawa ni Ms. Rose.
Kung hindi nga lang talaga nalulugi ang agency ngayon hindi talaga ako papayag e. Kasi, bakla? Never pa akong nagka-misyon ng ganun. Madalas ko'ng mahawakan na kaso, anak nila gangster, mandurugas, kupal, manyak at kung ano ano pa. Bumalik na kami sa upuan at nakipag usap na ulit kay Mr. Gomez.
"Sige po, pumapayag na po ako." Natuwa naman ang matanda at nag kinang naman ang mata ni Ms. Rose.
"So the deal was settled." Nag shake hands sila ni Mr. Gomez.
Kayanin kaya nito ang powers ko? Oh tuluyang bumigay ang beauty ko? Kainis naman! Meron na naman tuloy akong misyon.
Mission: Seducing The Gay.
BINABASA MO ANG
Mission 1: Seducing The Gay
General FictionDylan Aurora Brooklyn, isa sa pinaka-magaling na agent ng Flower Agency. Magaling at napaka-sikat na agent, kilala din siya dahil sa pagiging man-seducer. Tingin niya pa lang nakakaakit na, walang lalaki ang nakaka-ligtas sa mapangakit niyang mga ng...