I was staring at Sister Andrada for a long time, parang nalaglag pa nga ata ang panga ko sa sinabi niya. Seryoso kaya siya? My goodness, Ina-arrange niya ba kami?
"Hija?" She called, "May problema ba?"
"A-ah, wala naman po Sister." Wala po'ng pumapasok sa utak ko.
"Ang hinihingi ko lang naman eh, samahan mo itong si Allison. Hindi ko na din kasi kayang bantayan itong apo ko, takot pa naman ito sa Ipis."
"Lola!" Allison whined, natawa naman ang ibang Madreng kasama namin.
"Hindi ko po maipapangako, pero bilang isang magandang agent po. Sige po, sasamahan ko po si Allison." I said and Sister Andrada hugged me and I hugged her back. I miss Lola Aurora so much.
Pagkatapos namin mag drama sa bahay ng mga madre, umalis na ako para sana umuwi na ng may tumawag ulit sa pangalan ko. Parang bentang benta ata ang pangalan ko? Cute ko kasi e.
"Ano yun Allison?" I raised my left eyebrow once I reached his gaze.
"Kakasabi pa lang ni Lola na wag mo ko'ng iiwan e." He told me once again, alam mo yun paulit ulit nakaka-immune. Itali kita dito sa panty ko e.
"Ay kailangan anino mo ako, ganun?" I asked. At naglakad ulit siya papalapit sakin, automatic naman na napalayo yung katawan ko.
"Now that you know the truth, sana naman bigyan mo ako ng second chance dyan sa puso mo." Ay ang taray ni Allison Ruru Gomez, lalaking lalaki boses.
"Kung sipain kaya kita back and forth? Wala man lang explain explain?" I sarcastically asked and he laugh. Iba na yung tawa niya ngayon, yung parang tawa na talaga ng tunay na lalaki dati kasi ang landi niya tumawa dinaig pa ang babaeng nagpapa-impress sa isang lalaki. "Bakla ka ba talaga?" I couldn't help but to ask.
"Like what I've said earlier, hindi. I'm just pretending. Pero.. may pagka-bakla ako dati nung hindi pa ni Lola ino-offer yung paghahanap sayo." He shyly said and I nearly laugh hard. Nakakatawa kaya talaga. Kasi, jusme, bakit niya pa kailangan magpanggap kung bakla naman talaga siya? Harujusko.
"Bakit kailangan mo pa magpangap? Bakit hindi mo na lang sinabi sakin?" I asked. Di kasi talaga ma-calculate ng utak ko.
"Sasama ka ba sakin kung sasabihin ko'ng kailangan kita sa buhay ko? Nang kailangan ko ng makakasama sa panghabang buhay? Sasama ka ba sakin kung sasabihin ko sayong gusto kitang mapangasawa? Hindi naman diba, kaya kahit mukha akong tanga na magba-bakla baklaan tiniis ko yun para makasama ka. Para kahit papaano madevelop yung feelings mo para sakin." He lean closer to my face and I feel his hands on mine. Bakit feeling ko nasasaktan siya?
"Bakla ka pa din."
"Hindi--"
"Kakasabi mo lang--" I feel his lips conquering my mouth. I was about to push him back pero naunahan niya ako at hinila niya ako papalapit sa kanya to deepen our kiss. I kiss him back and I don't know why the hell I do that. I kiss a girl and I like it.
"I love you, Dylan." He whispered in my mouth. I don't know what to answer kaya bigla akong napaatras at buti na lang tumunog na yung kampana ng simbahan na agad niya din namang napansin.
"Tara, mag simba tayo. Mag pasalamat tayo dahil isa ka ng ganap na lalaki." I joked and he laugh. Hinawakan ko yung kamay niya at hinila papasok ng simbahan.
Hindi ko alam---hindi ko alam kung anong feelings ko para sa kanya, hindi ako sigurado kung mahal ko din siya. Ang sigurado lang ay gusto ko siyang nasa tabi ko, gusto ko siyang nayayakap, nahahalikan. I'm happy when I'm with him. Iba yung electric shock pag siya yung kasama ko.
The mass ended at eight-thirty pm. Alas-sais na din kasi kami nag simba, nag nilandi muna kasi kami sa labas ng simbahan. Masyadong na-miss ang isa't isa. At dahil kasama ko siya, compound muna ang pinaka-mamahal ko'ng sasakyan. Lumabas na kami at mukhang naantok na si Ally.
"Natutulog ka pa ba?" I asked and he shook his head in response before smilling widely at me. "At bakit? Saan ka nag pu-punta?"
"Iniisip kita. Diba nag away tayo nung isang araw at hindi ka umuwi sa bahay." He said dropping an arm around my shoulders. Mas matangkad siya sakin kaya ang ganda tignan samin. Yung iba ko kasing nakikita nakatingkayad yung lalaki para lang maakbayan yung mga girlfriends nila.
"Ang cute ko kasi." I said and he laugh. "Saan tayo kakain? Sa bahay o sa nearby resto?"
"Sa bahay na lang Babe, feeling ko masarap yung lulutuin mo dahil legal na tayo ngayon." I look at him and he just stole a kiss from me. I was about to retort when he kissed me again. Qoutang qouta na siya. Humaygad.
Pinag buksan niya ako ng pinto when we reached his car. At dahil 'legal' kuno na kami, siya ang mag da-drive. I put my hand on my lap when suddenly he grab it and intertwined with his.
"Ang clingy mo ngayon. Wag ka na ulit papasok sa simbahan at nadadagdagan ang kalandian mo sa katawan." I said and he just smile before he maneuvered his car.
"Can't help it, sexy ang girlfriend." He said before he chuckled. Mapa-bading o lalaki malandi pa din e. Pero teka lang..
"Hoy Allison! May nangyari ba sa'tin?" Sabi ko pero tumawa lang siya. Abnormal talaga 'to, sakalin ko kaya 'to? Wag, mababawasan ang pogi sa mundong 'to! Mag hulus-dili ka Dylan!
"Edi napatay ako ni Lola kung ginawa ko yun sayo. Hahahaha. Pero, seriously? Naniwala ka talaga?" Aba't talaga naman. Tinignan niya ako ng sandali bago itunuon ang atensyon niya sa pag mamaneho.
"Aba, malamang. Gago ka talaga Allison ang sarap mo'ng ihagis sa planetang mars." I rolled my eyes heavenwards, tinanggal ko na din yung kamay ko sa kamay niya. Pero naramdaman ko yung kamay niya sa pisngi ko at iniharap sa kanya.
"Gusto mo'ng may mangyari satin?" He questioned and I feel myself blush. At bakit may blush blush pa'ng nalalaman, Dylan? Gusto ko nga ba? Kasi diba dapat matuwa pa ako dahil sariwa pa ako? Bakit ako nagagalit? Err.
"You're crazy!" I pushed his face, mamaya hindi lang virginity ang mawala sakin pag nabangga kami.
"Nakaka-buntis ba ang bakla? Parang hindi naman."
"Ikaw makakabuntis kasi hindi ka naman bakla. Anong hindi? Yung baklang make-up artist ko nga nung graduation ko nakabuntis ngayon e." I retorted. Naguguluhan pa din ako sa mga baklang tatay, kasi diba? Babae na daw sila, pero bakit sila nambuntis? Hay nakaka-istress, buti na lang itong si Allison ko, hindi na bakla.
"Hindi naman lahat ng make up artist, bakla. Yung iba, pinag aaralan lang kung bakit at kung para saan yung pag me-make up ng girls." He announced and I burst out laughing, sinong niloko ng baklang 'to? Ay footah, nakakaloka. "Why are you laughing? I'm just telling the truth."
"Ang dating sakin ang defensive mo masyado, di kaya bakla ka talaga? Halaaa. Magkakaroon yung mga anak ko ng tatay na bakla." I laugh again, I can't imagine, hindi ko ma-imagine kung paano maging tatay ang isang bakla. Kung paano nila protektahan yung pamilya niya.
"Magkakaroon yung mga anak ko ng tatay na bakla, so you mean.. Ako yung magiging tatay nila?" The car stopped and I stopped laughing too. He stare for me for a while. "Is this the sign that you're not leaving me, forever?"
BINABASA MO ANG
Mission 1: Seducing The Gay
Ficção GeralDylan Aurora Brooklyn, isa sa pinaka-magaling na agent ng Flower Agency. Magaling at napaka-sikat na agent, kilala din siya dahil sa pagiging man-seducer. Tingin niya pa lang nakakaakit na, walang lalaki ang nakaka-ligtas sa mapangakit niyang mga ng...