Part 6: Agent One

8.3K 219 14
                                    


Ngayon ko na lang ulit naramdaman to'ng feeling na 'to. Ang ma-inlove. Oo, mahal ko na si Ally. At ang nakaka-inis dun, palagi siyang gumagawa ng way para inisin ako.

Katulad ng dahil mayaman siya, pina-lipat niya ng course at building si Aleia para magkasama sila. Kung alam niyo lang kung gaano ko gustong maka-patay tuwing nakikita silang sweet.

At eto pa, di ako tumitigil sa pagse-seduce sa kanya. Pero tuwing kaharap niya ako, bakla siya. Yung tipong kulang na lang mag hubad ako sa harapan niya para mapansin niya.

Ang hirap niyang mahalin, ang hirap niyang kunin. In the first place kasi dapat di kana umasa Dylan. Sabi ng konsensya ko'ng walang magawa sa buhay.

"Ateng! What do you think, pretty ba si Aleia baby?" Tanong niya habang nagpe-face powder. Duh? Ako pa talaga tinanong niya? Di ba siya nakaka-halata na simula ng dumating ya'ng Aleia na yan puro kamalasan na lang ang parating dumarating sa buhay ko?

"Ally, kaya mo naman mag-drive ng kotse mo noh? Alam mo naman yung daan pauwe. Di ka naman siguro tanga para maka-limutan mo." Medyo mahinahon ko'ng sabi. Hinagis ko yung susi sa kanya at lumabas na ng kotse.

"Ateng! San ka go-gora? Sama mo akiss!" Pahabol pa niya. Di ko na siya nilingon at baka sa sobrang inis ko, maisabit ko siya ng patiwarik.

Isang araw na lang naman Dylan, Isa na lang.. Mission impossible na talaga, give up na. Nag-lakad na ako papunta sa bar kung saan pag mamay-ari ng Flower Agency.

Naisip ko nanaman si Mr. Gomez, si Mr. Gomez na nag hihingalo at nanghihingi ng tulong, si Mr. Gomez na nahihirapan pero patuloy na lumalaban para kay Ally.

Gabi na din, at wala na rin tao sa dinadaanan ko. Isang batalyon ng lalaki ang naka-salubong ko sa daan, umiiwas ako pero naakit nanaman sila sa akin.

Para akong magnet at sila naman ang bakal, pero anong klaseng bakal si Ally at di ko siya ma-attract? Tinigil ko na ang pag iisip at pumasok na sa loob ng bar. Dire-diretso na ako sa counter at um-order ng champaigne.

"Miss, do you want me to join you?" Isang lalaki ang tumabi sa akin, may hitsura siya, tinungo ko ang ulo ko dahil gusto ko'ng mawala ang mga problema ko.

"Paalisin mo naman yung problema ko, pwede mo ba'ng gawin yun?" Tanong ko sa kanya sabay tunga ng bote ng champaigne. Di ako sanay uminom, pero sabi ng mga agent dito nakaka-wala daw 'to ng problema.

"Oh sure pretty." Sabay ngiti ng malawak, panatag naman ang loob ko'ng di ako magagalaw nito dahil nasa property ako ng Agency kaya hindi ako pwedeng magalaw. And I still remember that I am the highest paid Agent.

Kaso mukhang mapapalitan na yun, nakaka-inis dahil ang laos ko na. Bakit ba kasi ang weak ko? Bakit ba kasi na-inlove ako sa bakla? Aware naman ako.

"Hoy! Ikew! Shabihin mo nga shaken, maganda ba ako?" Naramdaman ko na ang pagka-hilo, kaya hindi ko na maaninag yung mukha ng lalaking kaharap ko.

"Tara, sasabihin ko sa'yo." Hinawakan niya yung kamay ko at nag-lakad kami papunta sa isang kwarto. Ni-lock niya ito at lumapit siya sakin.

"Bakit dito mo pa kailangang sabihin, huh?" I used my very seductive voice. Hinawakan niya yung bewang ko at inilapit sa katawan niya.

Hinalikan niya ako, at yung kamay niya ay gumagapang na sa parte ng katawan ko. Hinawakan ko yung kamay niya at inilayo, tinulak ko siya pero lumapit ulit siya para sunggaban ako.

"Let me go!" Sigaw ko, hinawakan niya ako ng mahigpit at nasasaktan na ako. "HELP!"

"You're mine." Di na ako maka-galaw at tanging pag iyak na lang ang nagawa ko. Dinala niya ako sa isang couch at pinahiga. Di ako makapalag at kahit anong gawin ko mas malakas pa din siya sakin.

*Pak*

Nagulat ako at bumukas yung pinto, thank god.. Flower Agency saved me...




"WAAAAAH!" I shrieked. Di ko alam kung nasan ako, at malupit pa kumot lang ang bumabalot sa katawan ko.

Tinaas ko ulit yung kumot at di pa rin ako makapaniwala na di na ako virgin. "You're awake." Isang lalaki ang lumabas sa banyo na naka-boxers lang.

"Allison? Tell me, walang nangyari diba? Diba--"

"Meron." Sabi niya saka umalis sa harapan ko. Gusto ko'ng umiyak, gusto ko'ng mag wala.

Nag bihis muna ako bago pumunta sa kwarto ko at nag impake, ngayon na ako aalis. Pagka-tapos ko'ng mag impake, bumaba na ako para puntahan si Mr. Gomez sa kwarto niya.

"Mr. Gomez.."

"You.. Did a.. Very *cough* god.. *cough* job.. Kahit na nahirapan ka, tinuloy mo pa din.. Maraming salamat.." Nag hihikahos niyang sabi. Kinamayan ako ni Mr. Gomez at may inabot siya sakin na cheke. "Pwede.. ka.. nang umuwi.."

Lumabas na ako ng kwarto ni Mr. Gomez, nakita ko naman si Ally na parang balewala lang sa kanya yung thought na na-virginan niya ako.

Pumunta na ako sa sakayan ng taxi at sumakay ng may humintong taxi sa harapan ko. "Westwood po." Sabi ko sa driver, habang palayo kami ng palayo sa bahay nila Ally, parang pinupunit yung puso ko at naiiyak talaga ako.

Pinigilan ko lang yung emosyon ko hanggang sa makarating kami sa westwood. Nag bayad ako bago bumaba, hinila ko na yung maleta ko at nag lakad na papunta sa loob.

"Agent One! Na miss ka namin!" One of the agent said. Ngumiti lang ako ng pilit. Gusto ko na kasing umiyak, pero sinalubong ako ng isang batalyong babae kaya di ako makarating agad sa kwarto ko.

"Dylan, tara may ku-kwento ako sa--"

"Ms. Rose, pagod po ako. Akyat po muna ako sa taas." I interrupt, ngumiti ako ng pilit at pumunta na sa kwarto ko, pag ka-pasok na pagka-pasok ko sinara ko ito at hindi na napigilan ng mga luha ko'ng mag ragasa.

Teka nga, bakit ba ako umiiyak? Dahil ba dun sa di na ako virgin o dun sa thing na yung kumuha ng bataan ko wala man lang pake?

"Dylan--"

"Please, leave me alone!" Sigaw ko at umiyak ng umiyak, hindi na sila kumatok after nung sigawan ko sila.

Ang sakit kasi nung mahal mo pero hindi ka mahal. Kahit man lang pansinin niya ako, effort na din yun para sakin. Pero sino ba naman ako para pansinin niya? Hired agent. Tama, agent lang naman ako.

Mission 1: Seducing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon