Bakit kaya madalas ang love story puro happy ang ending? Yung samin kaya ni Ally, happy din? Teka may love ba sa story namin?
Madalas akong pumupunta dito sa bookstore nung mga panahong hindi pa ako agent. Mahilig kasi akong mag basa ng libro, kaya si daddy pinagawan ako ng library sa bahay namin. Pero kasi ngayon parang hindi na ako maka-pag basa gawa ng andami ko ng iniisip.
"Hi, sexy.." Tumingin ako sa lalaking nasa gilid ko at parang nakaka-manyak ang tingin.
"Alam ko'ng sexy ako, wag mo ng ipagkalat." Ibinalik ko ang tingin ko sa tinitignan ko'ng libro, pero hindi pa din siya umaalis sa tabi ko.
"Dati ang taba taba mo pa nung grade school pa lang tayo, pero ngayon.. Wow, dinaig mo pa ang bote ng coke!" Napa-tingin ako ng masama sa kanya.
"Will you--Lyle?" Naalala ko siya dahil sa ngiti niya. Masaya ko siyang niyakap at ganun din siya. "Loko ka talaga, Lyle!"
Lyle was my grade school best friend, magka-vibes kami kasi palagi kaming nag bibigayan ng pagkain tuwing recess. Mataba kaming parehas dati, pero ngayon napaka-macho na niya. Bakat na bakat sa suot niya yung mga muscles at abs niya.
"Ang sungit mo, Aurora!" Kinurot kurot niya pa yung pisngi ko. Gosh, I miss this man so much.
Nagka-hiwalay lang kami gawa ng dun siya nag aral sa States at iniwan niya ako dito. Di ko akalain na babalik pa siya dahil sobrang tagal na talaga, at hindi ko inaasahang dito pa kami magkikita.
"Kailan ka pa umuwi? Kainis ka naman, hindi ka man lang nag sabi." Hinila ko siya sa isang upuan na malapit samin.
"I want to surprise you, pero parang ako ata ang na-surprise." Alam niya kaya? Walang nakaka-alam tungkol sa ginagawa ko, at ayaw ko'ng malaman niya dahil baka magalit siya.
"Ano yun?" Kinakabahan ko'ng tanong.
"May boyfriend kana pala. Nakakainis ka! Kala ko ba ako lang ang bo-boyfrienin mo?" He pouted. Gosh, nag evolve na talaga to'ng tabachuchoy ko'ng bff.
"Ikaw nga di mo sinabi na 6 years ka'ng mawawala. Hinintay kita!" Tumawa siya at hinila ako para yakapin.
"Haay, kung hindi lang talaga ako pinilit ni Mommy." Niyakap niya pa ako ng mas mahigpit. "Ngayon na nandito na ako ulit, ako na ulit ang mag aalaga sa'yo, hindi na kita iiwan Aurora."
Si Lyle lang ang tumatawag sakin ng Aurora, dahil ang pangit daw ng Dylan. Kaya Lyle ang tawag ko sa kanya dahil di ko ma-pronounce ng mabuti ang Kyle nung grade 1 pa lang kami.
"Dylan.." Isang galit na boses ang napukaw ng aming atensyon. Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin at tumingin dun sa nag salita.
"Ally, andito ka pala. Meet my best friend Lyle Anderson, Lyle meet Allison Gomez." Makikipag-shake hands sana si Lyle pero hindi tinanggap ni Ally. Problema nito? Ayaw niya ba sa pogi ko'ng best friend?
"Nice to meet you bro." Masayang bati ni Lyle kay Ally na parang salubong ang kilay.
"Dylan, we're going home." Naka-tingin siya ng masama sakin, habang ako poker face.
"Wait.. Aurora? What is the meaning of this?" Naguguluhang tanong ni Lyle.
"Mahabang kwento Lyle. Magkita na lang tayo next time, byee!" Sigaw ko bago ako hilahin ni Ally palabas ng bookstore. Di ko alam problema ng bakla na 'to at bigla na lang sumungit. "Ano ba'ng problema mo, Allison?"
"Di mo alam problema ko?" Binitawan niya ako at nag crossed arms. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ano?"
"Nag seselos ako! Yung pakiramdam na gusto ko'ng sapakin yung best friend mo dahil nakita ko kayong mag kayakap." Nakita ko yung pagka-gigil niya dahil naka-close fist na siya. "Ako yung boyfriend mo! Ako lang dapat yung niyayakap mo!"
Kahit papaano natutuwa din ako sa inaasta niya kasi alam ko'ng nagiging lalaki na siya at gumagana na ang pang aakit ko sa kanya. Tumawa lang ako ng mahina at napa-kagat labi habang tinitignan siyang naiinis sa akin.
"Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?" Inis niyang sabi. Magsasalita pa sana ako ng biglang umulan ng malakas, tumakbo ako ng mabilis para sumilong pero siya andun lang at naka-tayo.
"Hoy!? Ano ba'ng ginagawa mo dyan? Gusto mo ba'ng magka-sakit?" Galit ko'ng tawag sa kanya pero hindi niya ako pinansin. "Hoy! Sumilong kana nga! Lagot ako sa tatay mo pag nag kasakit ka!"
Nag lakad ako ng padabog papalapit sakanya at nang makarating ako sa kanya hinila ko siya.
"Tara na nga!" Naiinis na ako kasi kahit anong hila ko hindi ko siya mahila papalapit sa isang masisilungan. "Bahala ka nga sa buhay mo'ng bakla ka!" Binitawan ko siya pero siya naman ang kumapit sa kamay ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya, magkaharap na kami at seryosong magka-titigan.
"Sinong bakla?" Seryoso niyang tanong, napa-smirk naman ako.
"Ikaw, sino pa ba?" Inirapan ko siya pero mas nilapit niya pa yung katawan niya. "A-ano ba'ng ginagawa mo?"
"Sinong bakla?"
"Ikaw nga! Bakit lalaki kana!? Porket nag selos kana, lalaki kana? If I know, nire-rape mo na yung best friend ko diyan sa utak mo!" Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at parang namumula yung mga mata niya.
"Ayaw na ayaw mo'ng pinag-seselos ka, pero ako tinitiis ko lahat ng sama ng loob ko dahil ayaw ko'ng magalit ka sakin. Pero sana naman maisip mo na nasasaktan din ako." Iniwas niya yung mukha niya at umalis at iniwan akong naka-tunganga dun habang iniisip yung lahat ng sinabi niya.
Hindi kami sabay umuwi, dahil nagalit ata siya. Pag uwi ko agad akong naligo dahil baka magka-sakit ako. Hindi din naman ako nag tagal sa banyo kasi nilalamig na ako. Nag bihis na ako at nakita ko naman si Ally na nanunuod ng TV.
Naka-jacket at cycling lang ako, balak ko kasing akitin si Ally, baka sa ganung paraan mapatawad niya na ako. Tumabi ako sa kanya, at nanuod din ng TV.
"Ang lamig nuh?" Sabi ko habang niyayakap ang sarili ko. "Sana may makayakap ako." Hindi pa din siya nag sasalita. Dumikit ako sa kanya hanggang sa inches na lang ang pagitan namin.
"Ally, yakapin mo nga ako." I use my seductive voice at napa-tayo naman siya.
"Mag su-suot ka ng ganyan hindi mo mapanindigan," Pumasok siya sa loob at bumalik din na may dalang kumot. Hinagis niya naman yun sakin. "Yan mag kumot ka!"
Mission Failed. Kainis na Ally yan, ayaw pa sa katawan ko'ng sexy at yummy. Humanda siya, hindi ako titigil hangga't hindi siya ma-fall sa aking ka-seksihan.
BINABASA MO ANG
Mission 1: Seducing The Gay
General FictionDylan Aurora Brooklyn, isa sa pinaka-magaling na agent ng Flower Agency. Magaling at napaka-sikat na agent, kilala din siya dahil sa pagiging man-seducer. Tingin niya pa lang nakakaakit na, walang lalaki ang nakaka-ligtas sa mapangakit niyang mga ng...