Nandito kami sa park ni Ally, sa tingin ko date 'to. Charot! Ang landi mo Dylan! Gagawin na kasi namin yung unang part ng project namin.
"Hey!" Napalingon ako kasi, iba yung boses niya ngayon di tulad dati na sobrang babae. "I'm Allison Ruru Gomez, and you are?"
Di pa rin mag process sa utak ko ang mga pinagsasabi niya. Nag go with the flow na lang ako. "I'm Dylan Aurora Brooklyn. It's nice to meet you."
Nag-shake hands kami. "Cut!" Sigaw ng may hawak na camera sa harap namin. Kala ko naman naakit ko na siya. "Nice shot guys!"
"Hay, kalerki. Di ako sanay sa ganung pagsasalita. Nandidiri ako, ewww!" Umarte pa siya ng nasusuka. Napa-face palm naman ako. "Hoy, bakla! Ipa-cd burn mo yan ha!"
"Oh sure, pretty." Kinindatan niya pa si Ally, bago umalis. Oh.my.
"Yummy, yummy talaga ni Earl!" Kinilig pa ang bakla. "Tara girl, ipasyal natin yung beauty natin."
Habang nag lalakad kami, nakita namin si Dexter. Kasama niya yung girlfriend niyang chaka. Gusto ko'ng umiwas na makita sila, pero hindi ko magawa dahil kay Ally.
"Ay, naloka ako sa buhok ni ate. Tara nga dun!" At ngayon hinihila niya ako papunta sa direksyon papunta kanila Dexter.
"Dylan? Ally? Andito pala kayo." Mag re-react na sana ako sa ka-tangahan ng Ex ko ng maunahan ako ni Ally.
"Hindi hindi! Picture lang kami. Pogi mo sana, bobo ka lang." Medyo palalaki niyang sabi.
"What are you doing here? Bakit kayo lang?" Umiinit na talaga budhi ko sa lalaking 'to ha, yung mga tanungan pa'ng grade 1 e.
"Nag bo-boating. Kita mo'ng park to e, malamang namamasyal, onting common sense naman. Atsaka kailangan ba buong sambayanan isama namin para halatang namamasyal kami? Please don't ask stupid questions." Iirapan niya sana si Dex, pero napigilan niya. Si Dexter naman, speechless.
"No offense, but.. Are you a gay?" Tanong niya kay Ally, nagulat naman kunwari si Ally.
"Dude. May bakla ba'ng ganito ka-pogi? Atsaka ang ganda ng girlfriend ko, sa tingin mo ba papatulan ako nito kung bakla ako?" Tumawa naman si Dexter, inakbayan naman ako ni Ally at hinalikan. Hindi siya smack, torrid nga e. Huminto na siya ng nakita niyang laglag na yung panga ni Dex. "See?"
In 17 years of existence ngayon lang ako nahalikan. Oo, first kiss ko yun at sa bakla pa napunta. Gusto ko mag walk out at magalit, pero hindi ko magawa dahil alam ko'ng di rin niya ginusto yung nangyari. Di niya ginusto? Eh bakit ginawa niya?
"Sorry guys. We need to go." Umalis na kami at pumunta sa kotse. Agad agad naman siyang bumitaw ng wala na kami sa paningin nila Dex. "Ally, aalis muna ako. Mag-co-commute na lang siguro ako."
Paalis na sana ako ng hawakan niya ako. "I'm sorry." Saka ako binitawan, ngumiti lang ako at nag lakad na dire-diretso.
Pupunta muna siguro ako sa Agency, kailangan ko'ng mag palamig ng ulo. Waaah! Just can't believe it! He kissed me?
"Dylan?" Nagulat ako sa nagsalita, nasa taxi na kasi ako. "Ako 'to! Si Rexie."
Naalala ko naman siya bigla, siya yung baklang nag-make up sakin ng graduation nung HS pa lang ako. Nakapag tataka kasi Taxi Driver na siya?
"Hey! Bakit ka nandito?" Tumingin naman ulit siya sa salamin.
"San kaba pupunta? Tara mag coffee muna tayo, treat ko."
"Sa may close friend ko sana." Pagsisinungaling ko, bawal kasi nila malaman na agent ako.
Pumayag na din ako, atsaka alam niya lahat ng tungkol sa bakla kaya pwede ko siyang pag tanungan. Bumaba kami sa Chelsea's Café.
"So, kamusta kana girl? Na-miss kita!" Kumuha siya ng stick at hinalo yung kape niya.
"Okay lang. Ikaw? Bakit ka nag taxi-driver? Tinalikudan mo na ba ang pagiging dyosa?" Pinalo niya naman ako ng mahina.
"Hay, ayun. Naka-buntis ako ng prosti, at manganganak na siya. Syempre kailangan mag hanap buhay." Nalungkot naman bigla yung mukha niya. Tinapik ko naman yung kanang kamay niya at ngumiti naman siya. "Wag na nga natin isipin yun, ikaw? May boyfriend kana ba?"
"Wala pa eh. Di pa niya ako nahahanap. Rexie, may tanong ako."
"Ano yun?" Uminom muna ako ng kape bago mag salita.
"May bakla ba'ng nanghahalik? I mean. Sinadya niyang halikan yung babae." Napa isip naman siya sa sinabi ko. Sinong hindi? Nakakapag taka naman talaga.
"Hmm. Pwedeng hindi siya bakla, He's just pretending to be a gay para maka-chansing or what." Napatingin naman ako sa kanya ng seryoso ganun din siya sakin. "Don't tell me, hinalikan kana ng bakla?"
Tinungo ko na lang yung ulo ko para sabihing oo. So, manyak pala si Ally? Hindi. Hindi, Umepektib lang siguro yung pag seduce ko sa kanya kaya siguro hinalikan niya ako.
"Ay, ingat ka girl at baka hindi lang kiss ang gawin niyan sa'yo." Ngumiti naman siya sakin.
"Eh pano kung bakla talaga siya? At hindi niya talaga yun sinasadya?" I asked. Still, di pa din ako convinced nung paliwanag niya. I need more explainations why Ally kissed me.
"Pwede ri'ng hindi niya talaga sinasadya yun, iayon mo sa sitawasiyon." Sabagay, tama siya. Nag papanggap kami ni Ally, kaya siguro nagawa niya yun.
Umuwi na din ako pagkatapos ko'ng makipag-kwentuhan kay Rexie. Siya na din ang nag hatid sakin, pagka-baba ko ng taxi agad ko naman nakita si Ally sa labas at naka upo sa tapat ng gate nila.
"Ally? Ano pa'ng ginagawa mo dito sa labas? Mag ga-gabi na ah." Tumayo naman siya at hinawakan yung braso ko.
"Hinihintay kita. Baka mapahamak ka pa'ng bakla ka, konsensya ko pa." Akala ko naman concern talaga siya dahil may something na. Don't Expect, Dylan. Masakit yun sa bangs, ay wala pala akong bangs.
"Tara pasok na tayo, hinahanap na ba ako ni Mr. Gomez?" Tanong ko habang naglalakad papasok ng gate, umiling naman siya.
"Hindi, kasi alam niyang kasama kita. At hindi kita papabayaan." Napahinto ako sa paglalakad. Anong ibig niyang sabihin?
BINABASA MO ANG
Mission 1: Seducing The Gay
General FictionDylan Aurora Brooklyn, isa sa pinaka-magaling na agent ng Flower Agency. Magaling at napaka-sikat na agent, kilala din siya dahil sa pagiging man-seducer. Tingin niya pa lang nakakaakit na, walang lalaki ang nakaka-ligtas sa mapangakit niyang mga ng...