ALMOST (THE SAD ENDING)

2.4K 24 6
                                    

Malakas na hampas ng alon, malamig na simoy ng hangin, sa ganitong lugar nya gusto ikasal. Saksi ang mga taong mahahalaga sa buhay nya, kasama ang taong papangakuan nya ng pang hambuhay. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa dami dami ng mga pinag daanan naming dalawa dito din pala kami hahantong. Ngayon ang araw na pinakahihintay namin. Tumingin ako sa buong paligid naka ayos na ang lahat sya na lang ang kulang, ilang araw din kaming hindi nagkita. Hindi pa naman mag uumpisa naisipan kong umupo muna sa buhangin tapos na din naman akong ayusan, napatingin ako sa dagat at unti-unting inalala ang mga nangyari bago namin narating ang araw na to.

~

"Jennie" sambit ko. Unti-unti syang lumingon sa akin ng may pagtataka.

"Bakit Lisa?" tanong nya habang nakasalubong ang kilay

"Pwe..pwede bang uhmm.." hindi ko alam kung pano sasabihin sa kanya, nahihiya ako. Pakiramdam ko wala na akong mukha na maihaharap sa kanya kapag tinuloy ko to napatungo ako sa sobrang kaba. Nagulat ako ng hinawakan nya ang baba ko at iniharap sa kanya ang mukha ko. Sobrang lapit, lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Wag kang matakot ako lang to, sabihin mo na yung gusto mong sabihin" nilabas nya na ang pamatay nyang ngiti, ang ngiting bumihag sa buo kong pagkatao, ang ngiting bumubuo ng araw ko. Bahala na wala na tong atrasan.

"Jennie Ruby Jane Kim, uhmm.. p..pwede bang man..manligaw?" nakapikit kong tanong, sa mga oras na to nauubusan na ako ng hininga. Ilang minuto din akong nakapikit pero wala pa din akong natatanggap na reaksyon kaya pinilit kong buksan ang mga mata ko. Nakatitig lang sya sa akin ng walang emosyon. Natakot ako, nangangambang baka iwasan nya ako. Dito na siguro magtatapos ang pagkakaibigan namin?

"Gusto mo ko? Kailan pa?" tanong nya sa akin ng may halong galit

Napalunok ako, magkahalong kaba at takot.

"Uh.. ma..matagal na, matagal na kitang gusto. College pa lang tayo gusto na kita" pag-amin ko sa harapan nya.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig, ito na huli na ako.

"Okay lang kung hindi ang sagot mo pero sana bigyan mo ko ng pagkakataon na ipakita sayo na mahalaga ka sa akin" naiiyak na ko, bumuntong hininga lamang si Jennie saka sya nagsalita.

"Lisa, wag mo na akong ligawan" unti unti ng tumulo ang mga luha ko. Wala na talo na, hanggang kaibigan lang nag tingin nya sa akin. Nabigla ako ng bigla syang tumawa, hinawakan nya ang mga kamay ko.

"Lisa, wag ka ng manligaw. Pwede bang maging akin ka na?" walang sagot sagot inakap ko agad sya habang lumulukso dahil sa tuwa.

~

Nagbalik ako sa ulirat ng may tumapik sa balikat ko, si Jisoo pala. Isa sa mga kaibigan ni Jennie, alam nya ang kwento naming dalawa. Nginitian nya ko at saka tumabi sa pag kaka-upo.

"Congrats" sabi nya habang naka titig sa dagat "Hindi ko alam na kaya mong tuparin ang pangarap nya" napangiti ako, wala naman akong hindi kayang gawin para sa kanya. Para sa nag-iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko.

"Kilala mo ko Jisoo, wala akong hindi kayang gawin mapasaya lang sya"

"Alam ko, kinakabahan ka ba?" tumango lang ako at huminga ng malalim maya maya nagpaalam na sya. Biglang pumasok sa isip ko nung araw na tinanong ko si Jennie kung saan nya gustong ikasal.

~

"Adi, saan mo gusto ikasal?" tanong ko sayo habang nakahiga tayo sa kama mo at magkaakap.

"Sa tabi mo Adi" seryoso nyang sagot habang nakatitig sa mga mata ko, 5 taon na ang nakakalipas pero ganun pa din ang nararamdaman para sa kanya, lalong lumalalim. Pinili kong sumimangot pero sa loob ko gusto kong himatayin sa sobrang kilig.

ALMOST (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon