ALMOST 3rd Part (The Reason)

639 12 3
                                    

Nakatitig ako sa asawa ko habang mahimbing syang natutulog napabuntunghininga ako at napagpasyahang lumabas para maglakad lakad. Dalawang araw na ang nakakalipas pagkatapos kong ikasal hanggang ngayon nandito pa din kami sa resort kung saan ginanap ang pinangarap kong kasal. Masaya naman ako pero may bahagi sa akin na parang kulang, pakiramdam ko hindi ako buo. Tinanaw ko ang dagat napaka lawak kasing lawak ng pagmamahal nya, pagmamahal ni Lisa na sinayang ko lang. Mula ng matapos ang kasal hindi na sya nagpakita, isang babae ang napansin ko habang nakatalikod itong naka upo malayo sa pwesto ko nakatitig lang ito sa kulay asul na dagat. Hindi ako pwedeng magkamali likod palang kilala ko na. Unti- unting bumalik sa aking isipan ang lahat ng mga nangyari, mga pangyayaring nagpabago sa takbo ng buhay ko at buhay ni Lisa.

~

"Miss Kim" tawag sa akin ng boss namin agad akong lumingon sa kanya at ngumiti.

"Ikaw na lang ang makipagkita sa client natin this afternoon, ilatag mo lahat ng napag planuhan natin sa harap nya at siguraduhin mong pipirmahan nya ang kontrata I will trust this one in your hand miss Kim" naka ngiting sabi ng boss ko

"Yes po boss let's aim for our success. Ohh and boss I'm soon to be Mrs. Manoban, so better na mag practice na kayong tawagin akong Jennie Manoban" proud kong saad sabay pakita ng kamay ko na may suot na singsing.

Agad namang itong ngumiti sabay tapik sa balikat ko

"So Lisa already propose to our Jennie Kim, god our ace will be getting married soon" tawa tawa nitong saad. He knows my Lisa, Lisa's father was his bestfriend.

Mag a-alas dos ng hapon ng dumating ako sa restaurant. Agad akong sinalubong ng isa sa mga staff nila pagpasok ko.

"Hi Mam, may reservation po ba sila?" ngiting tanong nito sa akin

"Yes, under the name of Mr. Alfredo Lee" ganting sagot ko habang naka ngiti. Tiningnan nya ang hawak nyang listahan maya maya pa naka ngiti itong humarap sa akin at inaya ako sa isa sa mga vip room nila. Pagka upo ko agad akong nag message kay Lisa ipina-alam ko na nandito na ko sa meeting place at hinihintay na lang ang kliyente agad naman syang nag reply ng "ingat, you can do it Love" at "i love you" parang kailan lang mag bestfriend lang kami hindi ko akalain na maglelevel up ang relationship namin. Hindi ko alam kung anong nagawa kong maganda sa mga nagdaang panahon para bigyan ako ng diyos ng katulad ni Lisa sobrang mapagmahal, kaya nyang gawin ang lahat makita lang akong masaya I can't wait na maging mrs. Manoban. Kinikilig kong pinagmasdan ang singsing na nasa daliri ko nung araw na inalok nya ko ng kasal sobrang saya ng puso ko. Nabasag ang pag mumuni muni ko ng dahan dahang bumukas ang pinto andito na siguro yung kliyente namin, naka ngiti akong lumingon sa kanya pero agad ding nawala ang ngiti sa mga labi ko ng mapagtanto ko kung sino ang taong nasa harap ko.

"Ka..Kai?" nauutal kong sambit. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko ngayon ang taong nagwasak ng puso ko sa kauna unahang pagkakataon after 10 years ngayon lang ulit kami nagkita. Tila tumigil ang oras, bumalik lahat ng sakit lahat ng mga tanong na hindi nasagot bigla bigla na lang syang nawala at nag laho ng parang bula.

"Jennie" naka ngiti nitong sambit mababakas ang pag kasabik sa tono ng boses nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng bigyan nya ko ng pamatay nyang ngiti, mga ngiting umaabot sa singkit nyang mga mata, mga ngiting minahal ko.

"I miss you" naluluha nyang sambit, nabalot kami ng katahimikan hindi ko alam ang isasagot ko. Naiilang ako kaya binasag ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Mr. Kai, it's nice to meet you. Please have a seat so we can proceed" pormal kong saad sabay ngiti ng alanganin. Naupo na kaming dalawa habang pinapaliwanag ko sa kanya ang mga plano namin para sa kompanya nya tinititigan nya ko at sinusuri habang naka ngiti ngunit nawala din ang mga ngiting yun ng madako ang mga tingin nya sa kamay ko.

ALMOST (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon