ALMOST 2ND PART (THE HIDDEN TRUTH)

743 10 2
                                    

Isang lalim na buntunghininga ang pinakawalan ko dalawang araw na ang nakakaraan ng mangyari ang kasal nya, kasal na minsan nyang pinangako sa akin pero sa iba nya tinupad. Ang saklap no? Ang saklap lang isipin na ang isang Lisa Manoban nakayang iwan ng ganun na lang. Nakaya nya kong iwan at ipagpalit sa kabila ng lahat. Muli kong tinanaw ang dagat, napakalawak kasing lawak ng pagmamahal ko sa kanya. Maliban sa mama nya, kay Jisoo at sa mga magulang ko wala nang nakaka-alam ng totoong dahilan kung bakit kami umabot sa ganito, mas pinili kong manahimik at magsawalang kibo kapag may nagtatanong. Pero ngayon nakahanda na ko, nakahanda na kong sabihin ang totoong rason.

~

"Love.." tawag ko kay Jennie pag pasok ko sa condo naming dalawa, simula ng mag propose ako sa kanya napag desisyonan na naming mag sama sa isang bahay. Sa loob ng mahigit dalawang buwan ako lahat ang nag aayos ng kasal namin gusto nya munang ma-enjoy ang buhay nya bago sya matali sakin, gusto nyang mag focus sa trabaho nya at dahil mahal ko sya inintindi ko na lang pero hindi ko inaasahang aabot sa ganito. Pagkahubad ko ng jacket ko agad akong pumunta sa kwarto namin para tingnan kong andoon sya pero walang tao wala sya sa buong bahay, hindi pa ko kumakain ng hapunan umasa kasi akong may dadatnan ako dito sa bahay. Nagpasya akong hintayin sya sa sala pasado alas dose na din hindi pa sya umuuwi, hindi muna ako nagpalit ng damit gusto ko munang magpahinga sa sobrang pagod. Maya maya pa unti unting bumukas ang pinto at niluwa nito ang babaeng kanina ko pa hinihintay tila nagulat ito ng makita akong naka upo sa sofa.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kanya ng mahinahon kahit gustong gusto ko na syang sigawan dahil sa galit hindi ko kaya, agad itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi amoy alak sya.

"Nag overtime kasi ako Love, dami naming ginagawa sa office" sagot nya sa akin, sinungaling sigaw ng utak ko pero hindi na lang ako kumibo.

"Kumain ka na ba?" malambing kong tanong sa kanya bago ko sya akapin at halikan sa noo

"Oo kumain na kami sa office tulog na tayo Love" aya nya sa akin bago naunang umakyat papunta sa kwarto namin, naiwan ako sa sala

"Ako ba Jennie hindi mo ba ako tatanungin kong kumain na ako?" mahina kong bulong sa hangin sabay patak ng mga luha ko, ilang minuto pa ako nag stay sa sala at pinakalma ang sarili ko bago ako sumunod sa kanya sa kwarto. Nadatnan ko sya na mahimbing nang natutulog nakatalikod sya sa akin lagi akong nagtatanong kung anong problema pero wala syang sinasabi. Umupo ako sa kama at hinaplos ang buhok nya, pumatak na naman ang luha ko, sobrang bigat sa pakiramdam.

"Nagkukulang na ba ako ng oras sayo Love? Hindi mo na ba ako mahal? Sabihin mo naman kung anong problema para maayos natin" umiiyak kong pakiusap sa kanya kahit alam kong hindi nya ko sasagutin.

"4 na buwan na lang Jennie ikakasal na tayo sana maayos natin kung ano ang problema" tumabi na ako sa kanya at inakap sya hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling iwan nya ko.

Halos araw-araw pare-parehong senaryo aalis sya ng maaga at uuwi sya ng mag uumaga. Nararamdaman kong lumalayo na sya sa akin walang panama yung lamig ng panahon sa panlalamig nya. Mag a-ala una na ng madaling araw ng makarating ako sa condo inasahan kong may sasalubong sa akin pagbukas ko ng pinto pero mali pala ang hinala ko, wala pa sya. Napahinga ako ng malalim wala na akong nagawa pa hindi na ko nag abala pang kumain nawalan na ko ng gana. Minabuti kong mahiga na lamang at sa kwarto sya hintayin hindi na ko nag abala pang buksan ang ilaw. Mahigit isang oras din ng maramdaman kong bumukas ang pinto mahinang mga hakbang ang ginawa nya papunta sa akin.

"Love.. Love" mahinang tapik nya sa balikat ko hindi ako sumagot nanatili lang akong tahimik. Tumunog ang cellphone nya at agad nya itong sinagot lumayo sya ng konti sa pwesto ko. Sa mga oras na yun ramdam ko kung gaano sya kasaya habang kausap ang taong tumawag sa kanya. Unti-unting namuo sa utak ko ang mga tanong, mga tanong na hindi ko alam kung kaya ko bang ibato sa kanya. Tahimik lang akong umiiyak habang magkausap sila.

Mabilis na lumipas ang mga araw mahigit isang buwan na lang at malapit na kaming ikasal, nakahanda na ang lahat yung venue sa tabi ng dagat, yung mga susuotin ng mga abay, yung mga singsing, mga pagkain at yung susuotin namin. Halos pasado alas nuebe ng naka uwi ako, nagtaka ako ng nakabukas ang ilaw sa sala agad kong binuksan ang pinto at nagulat ako ng naabutan ko si Jennie sa sala na nakaupo sa sofa agad itong lumapit sa akin at inakap ako.

"Kumain ka na ba Love?" malambing nyang tanong sa akin, umiling lang ako at marahang ngumiti. Hinila nya ko papuntang kusina at sabay kaming kumain, masayang nag kwentuhan tila ba bago sa pakiramdam ko ang lahat ng to sa loob ng mga nagdaang buwan ito ang unang pagkakataon na nagkasama kami ulit sa harap ng hapag kainan. Natapos kaming kumain ako na ang nagligpit at naghugas ng mga pinggan habang sya nauna na sa kwarto para maligo hindi din naman nagtagal natapos din ako sa paghuhugas. Sumunod na ko sa kwarto namin at naupo sa kama habang hinihintay syang matapos. Naalala ko yung invitation card na nilagay ko sa loob ng bag ni Jennie agad kong kinuha ang bag nya at agad hinanap ang pakay ko pero hindi ko pa man din nakikita ang hinahanap ko may isang maliit na puting bagay ang kumuha ng atensyon ko nanginginig kong kinuha ang bagay na yun. Tila tumigil ang ikot ng mundo ko, dahan dahang umagos ang mga luha ko madaming tanong gaya ng bakit? paano? kailan pa?. Nanghihina akong umupo at napatulala sa kawalan, bakit ako? bakit ganito?. Sa ganong tagpo nya ako naabutan nanglaki ang mga mata nya sa gulat ng makita nya ang bagay na hawak ko.

"Jennie, sino?" mahina kong tanong sa kanya, hindi sya nakapagsalita nagsisimula na din syang umiyak.

"Jennie, sino sya?" pag uulit kong tanong nang mahinahon as much as possible ayaw ko syang sigawan.

"Sorry" ang tangi nyang naisagot, hindi na ko nakapag pigil ng galit tila hindi nya ko sasagutn.

"Sino ang ama ng batang dinadala mo?" galit kong sigaw sa kanya lalong lumakas ang pag hikbi nya, ang sakit makitang umiiyak ang taong mahal mo gusto ko syang lapitan at yakapin.

"Sya ba Jennie?" sabay pakita ng litrato ng ex boyfriend nya.

"Paanong.." hindi ko na sya pinatapos ngumiti ako ng mapakla.

"Hanggang kalian mo to balak itago sakin? Hanggang kailan mo ko pagmumukhaing tanga?" libo libong karayum ang tila tumutusok sa dibdib ko.

"Lisa patawarin mo ko hindi ko alam kung paano sasabihin sayo" akmang lalapit sya pero lumayo ako.

"Mahal mo ba sya?" hindi sya nakasagot , ngumiti ako ng mapait that's it, silence means yes I guess. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw hanggang sa wala na akong tinig na ilalabas pero mas pinili kong kimkimin ang lahat.

Dahan dahan akong nag lakad sa pwesto nya at hinawakan sya sa balikat, puno ng pagsisisi ang mga mata nya pero ni katiting na pagmamahal wala na akong maramdaman sa mga titg nya. Anong nangyari sa atin? Bakit naging ganito? May pagkukulang ba ako? Masyado ba akong naging focus sa pag aayos ng kasal natin para maghanap ka ng oras sa iba? Pero huli na eh nangyari na may bonus pa.

"Wag kang mag-alala tutupadin ko pa din yung pangarap mong kasal" kahit masakit sa loob ko ngumiti ako sa kanya. Inakap ko sya ng mahigpit bago ako lumabas, gusto kong lumayo. Lumayo sa kanya, lumayo sa lahat at lumayo sa sakit. Natagpuan ko ang sarili ko sa bisig ni Mama, yakap ako ni Mama ng mahigpit habang binubuhos ko sa kanya ang pighating nararamdaman ko.

~

Tunog ng cellphone ko ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan dinama ko ang mga pisngi ko basa hindi ko namalayan umiiyak na pala ako agad kong pinahid ang mga luha ko at sinagot ang tawag.

"Anak nasaan ka na? Nandito na kami ng Papa mo sa airport" si Mama pala. Tiningnan ko ang hawak kong ticket papuntang Thailand para mag umpisa muli at ibangon ang sarili ko.

"On the way na ko Ma" sagot ko sa kanya kahit ang totoo andito pa ko sa tabi ng dagat.

"Hihintayn ka namin dito" sabay patay ng tawag.

Agad akong tumayo at kinapa ang singsing sa bulsa ko tinitigan ko ito, ito ang singsing na binigay ko sa kanya sa ika-anim na anibersaryo namin tanda ng pagmamahal ko sa kanya pero ngayon wala na tong kwenta. Tinapon ko ito sa dagat kasabay ng pag usal ko ng dalangin na sana maging masaya sya sa piling ng taong pinili nya. 

Paalam at salamat.

ALMOST (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon