"Lisa" mahinang tapik sa akin ng asawa ko, yes mga bakla kinasal na kami ni Jennie pasensya kong hindi ko na kayo naimbitahan minadali na lang kasi namin yung kasal natakot kasi sya baka daw magbago ang isip ko at takbuhan sya. Agad kong minulat ang mga mata ko at lumingon sa kinalalagyan ng relo namin pasado ala-una na ng madaling araw, ano naman kayang pagkain ang ipapahanap nya sakin? Dahan dahan kong binaling ang tingin ko kay Jennie.
"Yes Love" antok na antok kong tugon sa kanya.
"Love gusto ko ng mangga at peanut butter" tila takam na takam nyang sabi. Agad akong bumangon para magtungo sa kusina namin at maghanap ng pagkain na gusto nya pero laking panglulumo ko ng wala akong nakitang mangga, peanut butter lang. Agad akong tumakbo at lumabas ng bahay nagdala na din ako ng flashlight nagtungo ako sa puno ng manggang nasa tabi ng bahay namin. Tinaas ko ang pajama ko hanggang tuhod at naghubad ng tsinelas, inipit sa aking mga labi ang flashlight at dahan dahang umakyat sa puno para umabot ng bunga. Hirap na hirap kong inakyat ang isang sanga buti na lang at wala pang tao na gising sa ganitong oras baka mapagkamalan pa akong akyat bahay. Dahan dahan kong tinulay ang sanga hanggang sa maabot ko ang isang bungkos na bunga ng mangga, napahinga ako ng malalim at napa ngiti. Hindi paman ako nakaka alis sa sanga ng may marinig akong tunog pinagsawalang bahala ko yun at dahan dahan ulit tumulay pabalik sa pinanggalingan ko kanina ngunit hindi pa ako nakakahakbang ng tatlo sunod sunod na tunog na ang aking narinig. Nanlaki ang aking mga mata ng biglang bumigay ang sanga na aking tinatapakan, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa lupa dahan dahan akong tumayo at paika ikang naglakad papasok sa bahay namin habang naka ngiwi dala ang mga mangga ni Jennie. Nagtungo muna ako sa kusina para hugasan ang mga mangga at kunin ang peanut butter, pagdating ko sa kwarto gusto kong umiyak mahimbing na na natutulog si Jennie, pagkatapos kong magpakahirap sa pagkuha ng mangga na gusto nya tutulugan nya lang ako. Halos araw araw ganito ang dinaranas ko, pitong buwan nang buntis si Jennie pagkatapos naming ikasal sumailalim sya sa IVF procedure para magkaroon kami ng pangalawang anak. Ipinatong ko ang mga mangga at peanut butter sa lamesang nasa tabi ng kama namin at nahiga sa tabi ni Jennie. Tinitigan ko ang maganda nyang mukha hindi ko akalain na mangyayari pa ang mga bagay na to, hinalikan ko ang noo nya at inakap sya ng mahigpit pero hindi pa man ako nakakapikit bigla nya kong tinulak dahilan para mahulog ako sa kama buti na lang medyo mababa kaya hindi masyadong masakit.
"Bakit?" paiyak kong tanong sa kanya, gusto ko nang magpahinga at matulog ulit. God give me more patience please mahinang bulong ko sa isip ko.
"Sa sala ka matulog" pagalit nyang sabi.
"Bakit na naman Love?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ang baho mo Lisa naligo ka ba kanina bago ka nahiga?" tanong nya habang nakatitig sakin ng matalim, inamoy ko ang sarli ko mabango naman ako ah naligo naman ako bago nahiga.
"Yah Love ang bango ko kaya ginamit ko pa yung chanel mong pabango kahit amoyin mo pa" akmang ilalapit ko ang sarili ko sa kanya nang tinaasan nya ko ng kilay.
"Basta sa sala ka matulog" sabay hagis sa mukha ko ng unan at kumot, wala na din akong nagawa pinulot ko ang unan at kumot at nagtungo sa sala. Pinagkasya ko ang sarli ko sa sofa at pumikit na sa wakas makakatulog na din ako. Mag-uumaga na ng may naramdaman akong mabigat na nakapatong sa akin, minulat ko ang aking mga mata at napangiti ng makita kong nasa ibabaw ko si Jennie at naka-ngiting nakatitig sa akin tila iniintay akong magising.
"Kanina ka pa ba gising Love?" tanong ko sa kanya, marahan itong tumango.
"Bakit hindi mo ko ginising?" tanong ko ulit sa kanya, hindi sya sumagot sinubsob nya lang ang mukha nya sa dibdib ko maya maya pa naramdaman ko na nababasa ang damit ko dahan dahan kong inangat ang ulo nya at nakita kong umiiyak sya, agad akong naalarma. Unti unti kaming tumayo at pina upo sya sa mga hita ko.
"May masakit ba sayo Love? Anong nararamdaman mo? May gusto ka bang kainin? May nagawa ba akong mali?" sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Love sorry kung napapagod ka na kakaintindi sakin. Sorry kung pinapahirapan kita wag mo kong iiwan Lisa hindi ko na kakayanin" patuloy sa pag ago ang mga luha nya sa pisngi. Nawala ang pangamba ko dahan dahan kong pinunasan ang mga pisngi nya at hinalikan ang mga ito.
"What makes you think na I will leave you Love? Ikaw ang buhay ko, kayo ni LJ at ng batang isisilang mo. Kayo ang tahanan ko at hindi ko na hahayaang mangyari ulit ang naranasan natin dati" malambing kong sabi sa kanya.
"Mahal na mahal kita Lisa" natigil na sya sa pag iyak at inakap ako ng mahigpit.
"Mahal na mahal din kita sobra, kayo nina LJ" tugon ko habang hinahagod ang likod nya.
"Mrs. Manoban, push harder" pag i-ingganyo ng doctor sa asawa ko, isang malakas na pag-iri ang pinakawalan ni Jennie sobrang pawis na pawis na sya at hirap na hirap. Ngayon na manganganak si Jennie at nandito ako sa tabi nya habang si LJ nasa pangagalaga ni Jisoo at ni Chaeng akalain mo yun naging silang dalawa. Napasigaw din ako ng humigpit ang pagkakahawak nya sa mga kamay ko na tila gusto nyang baliin ang mga daliri ko.
"Lisaaaa.. lastttt na baby na to.." sabi nya habang umiiri. Napuno ng sigaw naming dalawa ang buong delivery room. Maya maya pa nailabas ng mga doctor ang bata, lalaki ang anak namin ngunit wala kaming naririnig na iyak, tila hindi ito humihinga. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko hindi pwede, hindi ito maaari unti unting umagos ang mga luha ko.
"Lisa ang baby natin" nanghihinang sambit ni Jennie at tuluyan na syang nawalan ng malay. Inalog alog na ng doctor ang anak namin, pinalo na din nila ito pero wala pa ring reaksyon ang katawan nya. Agad akong nilingon ng doctor at dahan dahang umiling, hindi, hindi p-pwede. Lakas loob akong naglakad papunta sa kinatatayuan nila at marahang kinuha ang anak ko, hindi mo kami pwedeng iwan ng ganito. Inihiga ko ang katawan ng anak ko sa tabi ni Jennie at nag mouth to mouth process para mabigyan sya ng hangin kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha hindi ako tumigil at wala akong balak tumigil.
"Anak nandito na si Mama" habang marahang pina-pump ang dibdib ng anak ko.
"Anak wag kang susuko gagawin ni Mama ang lahat, wag mo kaming iwan please" pagmamakaawa kong sabi sa kanya habang umiiyak, pati mga nurse at doctor umiiyak na din dahil sa sitwasyon namin.
"Please baby, fight for Mommy, fight for LJ and fight for me. I love you baby, please" unti unti nang nadudurog ang puso ko, kahit anong gawin ko wala pa ding nangyayari. Kinarga ko ang anak ko at dahan dahang umupo sa sahig.
"Lord alam kong madami akong kasalanan sa inyo pero sana wag nyong hahayaang mawala sa amin ang anak ko please buhayin nyo po ang anak ko" pagmamakaawa kong dasal habang yakap yakap ng mahigpit ang katawan ng anak ko wala na kong pakialam kung puno pa sya ng dugo labis labis na pagdurusa ang nararamdaman ko. Maya maya naramdaman ko ang mahinang pag galaw kasabay nang malaks na pag-iyak, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong gumagalaw ang anak ko at umiiyak, buhay sya, sobra sobra ang pasasalamat ko sa nasa taas binigay muli sa amin ang anak ko.
"John Matthew, the gift of god" tangging nasambit ko sabay halik sa noo ng anak ko.
~The End~
BINABASA MO ANG
ALMOST (JenLisa)
FanfictionJenLisa Short Story A story which you can read the ending to the beginning.