ALMOST 4th Part (New Beginnings with You)

710 16 0
                                    

"Lili Jane Kim come here" pagalit kong tawag  sa pangalan ng anak ko she is now 4 years old. Agad naman itong lumabas sa pinagtataguan nya sa likod ng sofa at tumakbo sa kinaroroonan ko habang naka hubad, alam nya na kapag tinawag ko na sya sa buo nyang pangalan.

"Mommy don't be mad at me" sabay yakap at halik nito sa mukha ko habang umiiyak. Napangiti ako tinitigan ko ang mukha nya kuhang kuha nya ang hitsura ng mukha ko. 2 years ago nakipaghiwalay ako kay Kai at nakipag divorce. Habang tumatagal ang pagsasama namin unti unti syang nagbabago, laging lango sa alak, nagbibisyo at higit sa lahat pinagbubuhatan nya ko ng kamay ginagawa nya kong punching bag kapag natatalo sya sa sugal pinagsasamantalahan nya ko ng paulit ulit kapag uuwi sya ng lasing at hihingi ng tawad kapag nawala na ang pagkalasing nya. Sobra sobra ang pagsisisi ko hindi dahil sa nakipaghiwalay ako kay Kai kundi dahil pinili kong iwan si Lisa para sa kanya, unti unti na-realize ko na si Lisa pala talaga ang mahal ko at nabulag lang ako ng pagkasabik ko kay Kai pero huli na ang lahat wala na akong balita kay Lisa 5 taon na ang lumipas baka masaya na sya ngayon, for almost 3 years I was raising my child alone ni walang kahit singko na inaabot si Kai napahinga ako ng malalim mahirap magpalaki ng anak mag-isa. Huling balita ko sa kanya may sarili na daw ulit syang pamilya at wala na kaming pakialam ng anak ko sa kanya hindi na din naman nya kinikilalang anak ang bata.

"Shhh.. tahan na hindi na galit si mommy baby" malambing kong saad sa anak ko habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga pisngi. Binihisan ko na sya para ihatid sa bahay ni Jisoo wala kasing magbabantay sa kanya ngayon wala si Mama habang ako naman papasok sa opisina. Nang nasa sasakyan na kami panay ang bilin ko sa anak ko.

"LJ baby wag kang pasaway kay Tita Ninang ha" huling bilin ko sa anak ko bago kami bumaba ng kotse ng makarating kami sa harap ng bahay nya.

"Opo mommy pwomiseeee" masiglang sabi nya habang naka taas ang kanang kamay. Napa ngiti ako sa kalokohan ng anak ko inakay ko na sya at kumatok sa bahay ni Jisoo agad din naman itong bumukas.

"Tita Ninang" masayang sabi ni LJ ng bungad sa kanya si Jisoo, agad na kinarga ni Jisoo ang anak ko at pinulog ng halik ang buong mukha nito.

"Jisoo Unnie pasensya na sa abala wala lang talagang titingin sa kanya ngayon" paghingi ko ng paumanhin kay Jisoo sabay abot ng bag na naglalaman ng mga gamit ng anak ko.

"Jen diba sabi ko sayo kapag kailangan mo ang tulong ko magsabi ka lang tsaka wag kang mag-alala hindi kayo abala sakin lalo na tong bulilit na to" pinanggigilan ni Jisoo ang pisngi ni LJ agad din akong nagpaalam sa kanila malalate na ko sa opisina.

Pagdating ko sa opisina usap usapan ang pagreresign ng CEO namin at ang pagdating ng papalit ngayong araw pinagsawalang kibo ko na lang ang bagay na yun at dali daling nagtungo sa opisina ko para umpisahan na ang pagt-trabaho. Maya maya pa nagpatawag ang nasa taas para sa isang meeting ipapakilala na daw ang bagong CEO. Ilang minuto din kaming naghintay sa loob ng conference room bago dumating ang bagong CEO agad nagsitayuan ang lahat at dahil medyo maliit ako at malas na sa likurang upuan ako napa-pwesto hindi ko nakita yung hitsura ng CEO namin. Agad nagsipalakpakan ang lahat at naupo sa kanya kanya nilang pwesto habang ako naiwang nakatayo, natigilan ako ng makita ang taong bagong pasok sa conference room.

"Miss Kim take your seat" sabi nito ng naka ngiti, mga ngiting na-miss kong makita. Gusto ko syang takbuhin at akapin ng mahigpit pero wala akong karapatang gawin yun, dahan dahan akong naupo habang nakatitig lang sa maganda nyang mukha.

"Well guys I'm Lalisa Manoban, youre new CEO. I hope na maging maayos ang kompanya sa pagtutulungan natin" nakangiti nitong sabi sa lahat habang isa isa kaming tinitingnan. Madami nang nagbago sa kanya, mature na syang tingnan ang dati nyang mahabang buhok ngayon umiksi na mas tumangkad din sya ng konti mas lalo syang gumanda. Biglang napadako ang tingin nya sa akin at tinitigan ako, tila huminto ang oras wala akong nakikita kundi sya lang. Pero nawala ang ngiti ko ng may babaeng pumasok sa conference room at nagtungo sa pwesto ni Lisa sabay halik sa pisngi nito, unti unti kumirot ang dibdib ko gustong tumulo ng mga luha ko. Tiningnan ko ang babae habang nagtatawanan sila ni Lisa maganda ito, maputi at matangkad masasabi kong bagay silang dalawa. Yumuko ako at hindi na sila tiningnan pakiramdam ko sinasaksak ng libo libong kutsilyo ang dibdib ko sa tagpong nakikita ko, ako dapat ang kasama nya, ako dapat ang nasa tabi nya naramdaman kong may pumatak na luha sa mga mata ko patago ko itong pinahid. Ang tanga ko kasi nasa akin na pinakawalan ko pa at ang mas masakit isang taong walang kwenta ang pinalit ko sa kanya ito na ata yung karmang sinasabi nila. Maya maya nagpaalam na din silang dalawa samantalang kami bumalik sa kanya kanya naming trabaho.

ALMOST (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon