CHAPTER 2 MOMO

4.1K 126 7
                                    

"By the way, i'm Claude. Youngest brother of Charlie. Anyway, dalawa lang naman kami and ahead lang siya ng one year sa akin. So, you are? What's your name, beautiful?" Nakangiti at mukhang walang ipinagkaiba itong Claude sa kuya niyang si Charlie.

Maaliwalas din ang mukha at smiling face din. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ahm..L-Lhevyrose po," nahihiya at naiilang kong sagot sa kaniya. Hindi man lang kasi magdamit!

"Drop the po, okay? Wala pa naman akong puti at wrinkles no? Feeling ko tumatanda ako eh," ngiting-ngiti pa rin niyang sagot kaya naman naglalabasan ang magkabila niyang dimple na kagaya rin ng kay Charlie.

Magkahawig na magkahawig at hindi maipagkakailang magkapatid nga sila. Ang akala ko pa nga kanina ay si Charlie na siya noong una kong makita! Kaya pakiramdam ko kanina ay aatakehin na ako sa nerbiyos!

"A-amo ko po kayo eh."

"It's fine with me, okay. Let's go to the kitchen. I'll introduce you to Nanay Lydia na siyang makakasama mo dito." Tinalikuran na niya kami at nag-umpisang maglakad papasok ng mansion.

"Ahm, Claude?" tawag naman sa kanya ni Cail na nasa aking likuran.

"Cail! Oopss! Sorry I almost forgot about you, baby." Mabilis siyang bumalik kay Cail.

"Tss. Stop calling me baby. I'll go ahead."

"Iyon na nga lang, bawal pa rin? Sayang talaga. Sana noon pa ako umuwi dito eh. Tsk," naiiling niyang sagot kay Cail. May gusto ba siya kay Cail? Eh 'di ba kapatid niya si Charlie? Eh 'di pinsan niya rin si Rick na asawa ni Cail.

"Tss. Sige na, bye. Lhevy, una na 'ko. If you need anything, just call me."

"S-salamat ha. Ingat ka." Kumindat lang siya sa akin bago nagpatuloy sa paglabas ng mansion.

"Take care, baby," malakas ding pahabol ni Claude kay Cail pero hindi na siya nito pinansin pa kaya bumaling na siya sa akin.

"Let's go. Have you eaten? Maybe you're hungry." Bigla siyang umakbay sa akin. Nagulat ako kaya bigla akong napalayo sa kaniya!

"Ooopss! Hey, sorry. D-don't mind that. Sorry, I'm just used to being like this with my friends and with anyone. But that's all. No malice ha. Hindi ako mapagsamantalang tao," kaagad niyang paliwanag sa akin na may kasama pang pagtaas ng dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

"S-sorry din. N-nagulat lang ako. H-hindi kasi ako sanay eh."

"Yeah, i'm sorry. Hindi na mauulit."
Tumango ako sa kaniya.

"Don't be shy to me, a'right? Anyway, Charlie and I are the only ones living here plus an old maid so we still need another maid here para may makakatulong si Nanay Lydia. I've only been here in Pinas for a week dahil si daddy ang pumalit sa akin sa Canada para sa negosyo namin doon. Doon talaga ako nakatira but for now, dito na muna. If you ask me, wala na kaming mommy 'cause she's already married to someone else. If you ask me too, I don't have a girlfriend dahil ang gusto ko sana ay si Cail ang kaso, naunahan ako ng pinsan ko. You know him, Rick? So, I'm already 25 but still single. Tsk. It's hard to find a deserving woman. So, how old are you? Are you married? Do you have children? Hindi na kasi ako humingi ng application form mo tutal ay kaibigan mo naman si Cail kaya tiwala naman ako sa iyo ha?" dire-diretso at napakahaba niyang sinabi. Hindi rin siya madaldal no? Kalalaking tao. Mukhang mas malala pa ito sa kuya niya.

Wildly And Desperately [EXCLUSIVE ON DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon