Ch.6~Kunwari lang

308 12 20
                                    

Author's note : Hi guys :)) Ahahah. Ang tagal kong magtype. Tagal talaga. So ito na. Haha. and i like to tell you guys. Kung gusto nyong basahin ang part kung saan nag-usap usap ang lahat para sa DARE GAME na natalo si AIVAN basahin nyo ang "She's crazy in love" = SPECIAL CHAPTER by RakSer. Heheh. Ok guys. Gonna go read read read. ahahah. Ciao ^_~

***

May's POV

"Can you keep a secret, MyMay?"

"I love your Ate Yannie. I love her very much."

Mga salitang hindi ko makalimutan. I dont know how to react. I Dont know what should i feel. Magagalit ba ako? Pero bakit? Anong dahilan o karapatan kong magalit? At kanino? Kay Nathan dahil hindi nya ako mahal? O Sa ate ko dahil sya ang mahal ng lalakeng mahal ko? 

Galit ako. Oo, galit ako pero hindi kay ate o kay nathan o kanino man. Galit ako sa sarili ko. Galit ako sa puso ko. A basta galit ako.

Nandito ako ngayon sa napakagara naming sasakyan. At ang nagmamaneho ay ang sarili kong driver na si Mang Gulayat. Ang driver kasi ni ate ay si Mang David so akin na si Mang Gulayat.

Kung nakita nyo lang talaga ako kanina nang aminin sa akin ni Nathan na mahal nya ang ate ko siguradong maaawa kayo. ata.

Hayy. What should i do? Gusto kong gumalaw nang normal pero di ko magawa kasi talagang kinalakihan ko na atang gumalaw ayon sa nararamdaman ko.

Mahirap palqang magmahal ng hindi ka nasasaktan. Ang love parang paglalaro lang ng dutchball. Ang mga matatamaan ay ung mga masasaktan kaya out na sila sa game of love at matira ang matibay. Pero sa huli lahat matatamaan. Lahat masasaktan. At ang susunod na batch ay masasaktan at masasaktan din. At sadyang meron ung mga nakakalamang ang sakit.

O kaya ang love ay pwede ring paglalaro ng patintero. Maraming obstacles. Maraming epal. Panira. 

Kailan kaya mapuputol ang lubid na nagdudugtong sa love at hurt? Lubid kasi mahirap putulin.

"Miss May. Nandito na po tayo." MG (Mang Gulayat)

"Thank you po." Sabi ko sabay punas ng luha. Akala nyo nagbibiro ako. Nasaktan talaga ako noh. Di ko lang sinasabi na umiiyak ako.

Alangaing ngumiti sa akin si MG kaya nagtanong ako. "Bakit po?"

"A, miss kasi ung..."

"Ano po un?"

"Ung sipon nyo po kasi nahuhulog na. Sige po mauna na po ako." Nagmamadali na syang umalis.

Sipon?

-.-?

Teet!!!! 

Oww!!! Kakahiya!! Gosh! Buti nalang si MG ang nakakita. Hay naku. Nakakalungkot talaga. :( Makaakyat na nga sa kwarto ko. Hayy. Nakakapagod namang maglakad dito sa bahay ng matamlay. Mas nafifeel ko lang ang pagod at layo ng kwarto ko sa sobrang laki ng Mansion namin. Oops! Di ako nagyayabang a. hehe.

At pagkatapos ng matagal na 8 minutes narating ko rin ang hagdan.

AKYAT

AKYAT

AKYAT

AKYAT

AKYAT

AKYAT

AKYAT

Nakasalubong ko si Ate at mas nadepress ako. Huhuhuhuhuhuhu. Alam kong walang kasalanan si ate pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang ayaw ko syang makita o makausap man lang. Nakakatakot ang nararamdaman ko.

Wishing you'll love me too (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon