(A/N: Dedicated ito sa kanya kasi ang galing nyang magsulat ^_^ Idol!! Ang galing nyo po )
***
May's POV
"O, Lil' sis. Bakit ang saya saya mo ngayon? Anong meron? Narape mo na ba si Nathan? O baka naman napikot mo na? Mag-ingat ka doon. Nakuuuuu papatayi------"
"Ate. Pag masaya ba ibig sabihin nirape ko na ung lalakeng gusto ko? At teke nga. Bakit ko pa sya pipikutin kung gusto nya talaga ako? Sa ganda kong ito. Malamang na baka tumutulo pa ang laway ng MyNathan ko kapag nakikita nya ako. Alam mo ate----------"
"Mang David tara na po kasi lumalakas na ang hangin dito. Sarap pa namang tadyakan ang dahilan kung bakit." Si ate na nakatalikod na sa akin at palabas na.
"Ate!! Nagsasalita pa ako e. Sa ganda kong ito tinatalikuran mo lang?" Ako.
Nilingon nya ako. "Who are you. I dont know you." Naglakad na sya paalis.
Umagapay naman ako sa kanya. "Maganda naman talaga ako e. Diba Mang David at Mang Gulayat?" Baling ko sa dalawang matandang driver. Ngumiti naman ang mga ito sa akin at tumango.
"Fine fine. Maganda ka.. M--magan--da. Ehem. Nahihirapan akong sabihin e."
I pouted my lips. "Ate naman e."
Ngumiti sya sa akin at inakbayan ako. Pinisil nya ang pisngi ko. "Oo na. Tara na nga. See you in school my lil sis. Kailangan ko na kasing pumasok agad at baka excited na ang Paolo ng buhay ko na makita ang napakaganda nyang girlfriend. And Thats me." Sabi ni ate at sumakay na.
Ngumingiti akong kumaway sa papaalis na sasakyan. Ewan ko ba kung bakit hindi kami nagsasabay na pumasok ni ate. Ang mahal kaya ng gasolina ngayon. Hayy. Mga mayayaman nga naman.
Pasakay na ako ng napakaganda at gara naming sasakyan ng biglang tumunog ang phone ko.
I'm broken
Do you hear me
I'm blinded
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. At Napangiti ako sa nakita ko. Nag-ayos pa ako kahit awag lang sya. Haha.
MyNathan calling...
Cause you are everything I see
I'm dancing, alone
I'm prayi---
"Hello?" Ako. At pinacute ko ang boses ko.
Goodmorning My beautiful girlfriend. Wag ka ng magpapahatid kay Mang Gulayat. Nathan
"Why would i---------"
I'll fetch you. Im on the road now. Bye. Sabi nya at naputol na ang linya.
"Susunduin ako ni Nathan." Napangiti ako. Binalingan ko si Mang Gulayat. "Hindi na po ako magpapahatid. Susunduin po ako ni Nathan." Masiglang sabi ko at nag-abang sa may gate ng mansion.
Hindi nagtagal ay natanaw ko ang kotse ni Nathan. Hinintay ko iyon hanggang sa tumigil ang sasakyan sa harapan ko. At Bumaba ang pinakagwapong lalakeng nakita ko. I almost drool over him when he went out of his epensive car. He's wearing shades and that made him hot.
(O////O) Napahawak ako sa pisngi ko. What am i thinking? Pervert may. Hayy.
He smiled when he saw me. Nilapitan nya ako. At syempre ako naman si maganda hindi gumalaw, hinintay ko syang makalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Wishing you'll love me too (On hold)
Teen FictionNaranasan mo na ba ung magmahal sa lalakeng may mahal nang iba? Ok lang sana... Pero…. Pano kung may gusto sya doon sa taong pinakamalapit sayo? Sa ate mo.. Ok lang ba yon? Hindi ba masakit ? Ung ikaw ang laging second choice. Ung ikaw ang laging na...