Yuri's POV
Pagkatapos ng Math session ay lunch na kaya pumunta ako sa canteen at kumain.
" Yuri " Tawag ng pamilyar na boses.
Agad akong lumingon at nakita ko ang bestfriend ko na si Mark. Mark is been my classmate since Elementary at Junior HighSchool kahit na magkaiba kami nang course na kinuha ay hindi niya ako binibigo tuwing lunch at pag-uwi namin.
Si Mark ay may malachinitong mata. Perfect lips. Perfect nose. Malakandila na kamay at Perfect biseps. Kahit na di ko pa nakikita ang abs niya ay sigurado akong maglalaway ka talaga.
" O. I though mamaya pa ang lunch mo? " Salubong kong sabi sa kanya.
" Napaaga eh, Tinatamad si Mr. Lim " Aniya.
" Okay " Yun lng ang nasabi ko.
" Kain muna tayo! " Sabi niya.Habang kumakain kami ay di ko mawala ang tingin ko sa lalaking malapit sa exit door. He look so familiar. Hindi matanggal ang titig niya sa'kin kagaya nung kanina sa plaza.
" Sinong tinitignan mo? " Takang tanong ni Mark.
" Ahh, Wala " Sabi ko pero nakatingin parj doon sa lalaki.
" Siya ba? " Turo ni Mark sa tamang lalaki na tinitignan ko.
" Si Samuel Montero yan " Pagpapakilala niya sa akin kahit pangalan lang.
" Classmate ko yan, siguro sa tatlong subject namin? " Aniya.Samuel Montero?
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami sa isa't isa para makapunta na sa next session.
Malumanay ang next session kasi hapon na at biernes ngayon kaya masyadong tahimik sa loob ng room.
Sa paglingon-lingon ko ay may nahagilap ang mga mata ko isang lalaki na malapit sa bintana ng pinakagilid ng room. Na recognize ko agad ko sino.
" Samuel? " Bulong ko pero parang narinig nang lahat dahil sa sobrang tahimik. Napalingon ang mga kaklase ko, Si Ms. Montez at pati narin si Samuel.
" Meron kabang sinabi, Ms. Perez? " Tanong ni Ms. Montez
" Wala po " Bumuntong hininga nalang ng wala nang dinugtong na tanong si Ms.Montez.Pero sa ingay nang ginawa ko ay nakatitig na si Samuel sa'kin buong session.
Kahit sa pagligpit ng mga gamit niya pagkatapos ng session ay nakatingin parin siya sa akin. So Mysterious. Dahil sa pagtitig niya ako nalang ang nag-iwas ng tingin.
Lumabas na ako ng classroom tinignan ko kung naroon pa siya pero bigo ako.
" Stalking? " Sabi nung lalaki nasa likod ko.
Nilingon ko ito at nagulat sa nakita. For the first time nagsalita narin siya at may ngiti pa. Yung ngiting parang nakakita ka nang langit.
" Hah? Anong pinagsasabi mo? " Tanong ko.
" You're stalking me " Aniya.
" No, I'm not Samuel " Sabi ko.Nagulat siya sa pagbanggit ko ng pangalan niya.
" How did you know my name? " Tanong niya.
" My bestfrie- "
" Malalaman mo talaga ang lahat basta stalker ka " Pagpuputol niya na may halong tawa.Tsk. Ang assuming naman ng lalaking ito.
" FYI, sinabi sa'kin ng kaibigan ko, no " Pagpapaliwanag ko.
" At sino naman yun? " Tanong niya.
" Si Mark Villa Costa " Sabi ko.
" Si Mark? " Tanong ni ulit.
" Yes, magkaklase diba kayo sa tatlong class ninyo? I'm sure kilala niyo na ang isa't isa " Sabi ko.
" Yes, but we're not close yet. Nagiging close lang kami kung sa basketball " Aniya.
" Oh okay " Tugon ko " I have to go, my next subject pa kasi ako. Ikaw? Saan ka pupunta? " Dugtong ko.
" Wait, before you go may I know your name first? Eh kasi ikaw kilala mo na ako, eh ako- "
" Shhh, I'm Yuri Perez " Pagpuputol ko sa kanya.
YOU ARE READING
MISTAKE [Completed]
Short StoryAng ibang tao ay di alam ang totoo. Minsan mali pala ang ginawa nilang umibig sa taong di nila kilala ng husto. Pero naisip niya na ang maling nagawa niya ay ang dahilan sa kanya sa tunay na tinadhana.