Naglalakad ako mag-isa dito sa plaza ng aming school.
Walang ibang iniisip kundi...
" Wala bang magmamahal sa akin? "
Punta doon. Punta dito. Pero hindi ko mawari ay ang isang lalaki na nasa ilalim ng pine tree at nakatingin sa akin.
Tumingin ako sa kanya pero hindi siya natinag sa pagtitig ko. Pupuntahan ko na sana nang nadapa ako...
" Ayy, Nadapa " Sigaw nang isang babae sabay tawa.
Tumingin ako sa babaeng iyon at nang nakita niya ako na tumingin sa kanya ay agad itong tumalikod at tumakbo palayo.
" Shut up, You Bitch " Sigaw ko pero useless kasi wala na siya.
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili.
Tumingin ako sa lalaking nasa pine tree pero wala na ito.
Sino kaya yun?
Bumalik ako sa room namin dahil paparating na ang next subject namin.
The most I hated subject.. MATH!
Yes, hindi kami magkasundo ng numbers kaya tuwing may paquiz si Sir Romwaldez palagi ako mababa sa score.
" Okay, get your book and open it on page. 101 " Aniya sabay sulat sa board.
" Polynomial? " Bulong ko sa sarili ko.
Nag-expalin si Sir Romwaldez kung ano ang polynomial. And obviously, nagpaquiz na naman siya.
Hindi ko naintindihan ang mga inexplain ni Sir kay 5/15.
" Okay, this quiz will serve as your attendance " Aniya.
Tinatawag na ni Sir Romwaldez ang mga pangalan namin para ibigay ang Score.
" Andrea Monteberde " Tawag niya sa classmate kong babae tapos na kasi ang mga lalaki.
" 13, Sir " Sabi ni AndreaSi Andrea ang pinakamaganda dito sa buong campus lahat ng lalaki ay nahuhumaling sa kanya. Maganda, Matalino, Famous, at Anak Mayaman pero aanhin namin yan kung kasing itim ng buhok niya ang budhi niya.
Pero hindi parin mawala sa akin isip... Malapit na ako. Shit! Paano to?
" Yuri Perez " Tawag ni Sir Romwaldez.
" Sir... 5 " Sabi ko.
" What the? Seriously? " Tinig ko ang sabi ni Andrea.
" Ms. Perez? What will I do to you. Halos lahat ng quiz natin ikaw ang pinakababa. Kilatisin mo naman ang mga numbers " Aniya pero may frustration sa sinabi niya.
" Sorry, Sir " Yun lang ang nasabi ko.Shit! Nakakahiya nato... Kanina nadapa ako ngayon nadapa naman sa quiz. Like what the?
Hahay Buhay ! Buti nalang masaya pamilya ko.
YOU ARE READING
MISTAKE [Completed]
Short StoryAng ibang tao ay di alam ang totoo. Minsan mali pala ang ginawa nilang umibig sa taong di nila kilala ng husto. Pero naisip niya na ang maling nagawa niya ay ang dahilan sa kanya sa tunay na tinadhana.