7: Danger

19 0 0
                                    

NASA KALAGITNAAN ako ng mahimbing na pagtulog nang may maramdaman akong humatak sa braso ko saka nagturok ng kung ano sa pulso ko dahilan upang tuluyan akong magising.

Kitang kita ko si mang ed na may hawak na isang malaking syringe habang nakangisi ng malaki.

"Wag kang mag alala, binigyan lang kita ng ID." Wika nya kaya agad akong napatingin sa wrist ko upang tignan "ito nga pala.." sabi nya saka ibinigay sa akin ang mga uniform "yan lang ang susuotin mo dito, mula lunes hanggang linggo."

Napanganga ako! What???

Dress ang uniform nya, at may naka broid na isang crest na kulay pula.

Meron ding maliit na metal chain na nagdurugtong sa magkabilang dulo ng vest.

"Ilagay nyo na ang mga uniform sa lalagyan pati ang mga sapatos."

Nanlalaki ang mga mata ko sa dami ng pares ng mga ito.

"Anyway, if you think that you can escape?" Tumawa sya nang nanguuyam "wala pang nakakatakas dito kahit pa ang pinaka demonyo! Hahahaha!" Nagsipagtwanan silang lahat hanggang sa makalabas.

Napapailing akong humiga.

"Tomorrow, is a new day."

---

MAAGA AKONG gumising para makapag handa.

Kahapon bago umalis ang grupo ni mang edgardo at ilang lalaking naka astronaut suit ay may hinagis syang envelope na may naglalaman ng eskedyul ko at ng mapa ng eskwelahan.

Dumungaw ako sa bintana ng makarinig ng mga pagtili at pagsigaw, gaya kahapon sa akin ay wala ni isang tumulong.

Napailing nalang ako bago nagtungo sa banyo upang maligo. Napapikit pa ako ng makaramdam ng sakit sa aking pulso.

Fuck that bastard...

Nang matapos ako ay agad akong nagtungo sa close para maghanap ng damit.

Now, i have to know kung para saan tong lintek na to? Bakit ba kasi hindi ko natanung kanina???

Naka uniporme akong naglakad at kitang kita ko ang pagkaladkad nila sa mga bagong salta.

Pilit kong inaalam ang mga itsura nila at gamit ang salamin ko ay nakakuha ako ng ilang backgrounds nila.

Nice..

Nag-jog ako pababa saka naglibot!

Maraming building sa paligid, sa tingin ko ay may dorm para sa babae at para sa lalaki- i guess dahil dun dinadala ang mga lalaki.

Tapos may isa pang building sa harap na may nakasulat na "STUDENT COUNCIL HIERARCHY"-- daming alam!

Naglakad pa ako saka ko nakita ang isang fountain, tapos sa likod nun ay isang twin building na may pitong palapag.

Saka sa gilid ay may building din na may nakalagay na pantry.

Naglakad ako patungo sa sa likod ng fountain at tumambad sa akin ang isang malawak na lupain na natatabunan ng carabao grass..

Pumaikot ako saka ko lang nakita ang dalawang building sa likod ng Student Council building. Naglakad pa ako ng kaunti para mas makita ang view-

"Watch where you going." Agad akong natigilan sa gulat saka nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa aking likuran.

Isang nasa 5'10 or 5'11 ft male species na may dirty blonde na buhok at may napakagwapong itsura na tila hinango sa isang nobela na puno ng mga naggagwapuhang lalaki.

U N D E R C O V E R    A G E N TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon