"MAMA!" PAGTAWAG ko kay mama "mama!"
Agad ko din syang nakita nakaupo sa harap ng limang pulis at umiiyak.
"Wag kayong mag aalala misis, we are already doing our best to find those missing kids." Tumang lang si mama kaya agad akong naupo sa tabi nya at yumakap.
"Ma, anung nangyari?"
"Ang kuya mo, kadarting lang dito. Kababa lang nya ng kotse ng bigla, bigla syang kunin ng mga armadong lalaki. Gustuhin ko mang sundan sila ay pinaputukan nila ako ng baril!'?" Saka nya inilahad ang binti na may sugat at balot ng gauze.
They also hurt my mother?!
"Chief!" Agad silang napatayo ng dumating si boss "kami nang bahala dito."
"Pero sir, alam naman naming marami na kayong-"
"They have my son." Mariing wika ni boss dahilan upang matigilan ang mga ito.
"W-we don't know sir."
"It's ok. Kaya ako na ang hahawak nito. My agency can handle it.."
"Sige po sir. Tawagan nyo nalang po kami kung may kailangan kayo." Sabi ng isang pulis.
Agad din silang nagpaalam paalis.
"Sandali, paano ang-"
"I can find him. But first i have to secure your safety." Ani ni boss.
"Anong-" nagtatakang napatingin sa akin si mama "eunice?"
"Ma, let's trust him.. please?"
Halata ang pagkabahala sa mukha ni mama pero agad din syang tumango.
"Eunice, ihatid mo sya sa 2nd base natin sa Makati. Helen is there waiting." Tumango ako bago inaaya si mama paakyat sa taas.
"Sino ba kasi ang lalaking yun?" Tanung ni mama ng kami nalang dalawa.
"Sya po ang may ari ng pinapasukan kong school. Tuwing hapon." Kiming sagot ko.
Napatango naman sya "so nawala ang anak nya?" Tumango ako "at sino si helen?"
"Head of security nya." Muling napatango si mama "teka ba't mga damit ko lang ang iniimpakr mo?"
"Ngayon ka na kasi aalis " sabi ko habang busy ako sa pagiimpake ng mga damit nya.
"Eh ikaw?!" Nahintatakutang tanubg nya
"Tutulong ako sa paghahanap kay kuya.."
"Pano kung pati ikaw mawala?"
Umiling ako "ma, alam nating dalawa na mas mahina sa akin si kuya. Ayokong magaya sya kay papa!"
Nakita ko naman agad ang pagluha ni mama "anak, ayoko namang dalawa kayong mawala!"
Napakagat ako sa aking labi "pangako hindi. Hindi ako mawawala kasi in the first place hindi naman ako tanga, ma. Di naman ako shunga para gumitna kapag may nagbabarilan o di kaya'y may nagpapatayan. Dun lang ako sa opis ni boss para mag abang ng balita tapos tatawagan kita." I'm sorry mama...
"Sige.. pangako yan ha?"
"Pangako.." pasensya na ma... Pero pangako, ibabalik ko sayo si kuya ng buo at buhay..
Hindi na nagtagal pa sila bossing sa bahay at agad nasilang umalis nang makasakay si mama at matapos ang ilang paalala.
Huminga ako ng malalim bago ako nagtungo sa kwarto ni kuya at kumuha ng ilang damit nya pati gadgets nya ay kumuha din ako.
Natural na techie si kuya at hindi yun halata sa kursong kinuha nya.
Nang matapos akong manguha ng mga gamit nya ay agad akong nagtungo sa akinh silid upang magimpake.
Iniangat ko ang aking kama saka lumantad ang iba't ibang armas na aakalain mong mga simpleng gamit lang. Gaya ng payong na isang hidden riffle. Ang baston na isang hidden sword. Ang beaded bracelet na isang mini bombs. Magnetic cards it had hidden blades on it's tips. Ang mga makakapal na mga libro na may mga nakaipit na mga baril at bala. Saka isang set ng arnis, na pwedeng ma-assemble para maging bow at long stick.
Oo, alam kong weird yun. Ganun talaga!
Kinuha ko ang bag ko saka inilagay ang mga kasya pati ang maleta na galing sa agency ay nilagyan ko din ng mga damit at mga personal kong gamit.
Ngayong araw ako mamasyal at magkukunwaring naliligaw sa gubat kung nasaan nakadestino ang eskwelahan-
Hehehe parang Hell University lang.
Well ganun talaga ang kailangan kong palabasin sa kanila para hindi ako magmukhang kahina-hinala.
Nang matapos ko ang pagiimpake ay agad akong lumabas at nagtungo sa sasakyan ni kuya buti nalang at naiwan ang susi nang kunin sya.
Nang maipasok ko ang mga gamit ko ay agad na akong nagdrive papalayo.
Mariin akong napakapit sa manibela sa sobrang galit na nararamdaman ko.
They messed with a wrong person..
And tgey shouldn't have done that in the first place!
BINABASA MO ANG
U N D E R C O V E R A G E N T
MaceraEunice Montemayor is a simple 17 years old girl, not until her beloved father died in the middle of a secret mission. Neither one of them knows her father is also a secret agent and not just an ordinary math teacher. Her father trained her secretly...