8: Kill For Food

16 0 0
                                    

"EUNICE!" Pagtwag sa akin ni kuya mula sa silid agad ko itong sinara saka yumuko para hindi ako makakuha ng atensyon ng iba.

Hinubad ko ang sapatos ko pati ang mga medyas saka ko isinabit sa leeg ko para di ako makalikha ng ingay.

Hindi lamang ang silid namin ang sarado marami pa o halos lahat?

I mean siguro sa takot na mamatay!

Dahan dahan akong bumababa sa hagdan para maiwasan ang pagkuha nila ng atensyon-

Natigilan ako ng makarinig ako ng takbuhan sa kabilang parte ng building!

Salamat sa katahimikan ay nagawa kong mapakinggan ang lahat.

Maingat at mabilis akong bumaba!

Shit! Yung adrenaline rush ko!

Nang makababa ako sa unang palapag ay nanatili padin akong nakayuko- ayun ang canteen!

Halos pagapang akong nagtungo dun para lamang makaiwas sa hunter shit na yan!

Mula dito ay kitang kita ko ang napakalaking LED Screen na nagpapakita ng mga pangalan na may mga numero- parang ranking sa isang mobile game!

Nasa number 1 si Niccolo Blanche Dreixton na may 10,945 kills putcha! Anung klaseng tao yan?!

Mabilis akong tumakbo para matawid ang may kalakihang gap sa gitna ng twin building.

Dahan dahan akong sumilip upang makita ko ang paligid.

Mula dito ay kitang kita ko ang mga taong tila nabubugnot na sa pag aabang ng bibiktimahin!

Nanlaki ang mga mata ko saka pilit na sinisiksik ang sarili ko dahil alam kong nakita ako ng isa.

Gamit ang imagination ko ay tinantya ko sya saka ko iniwan ang mga sapatos ko bago ako mabilis na nagtungo sa dulo at sumandal nun.

"MAY PREY DITO SA FIELD!!!" Malakas nyang sigaw sa lahat ng kasama nya.

Shit! Kung kailan namang malapita na ako oh?!

Rinig na rinig ko ang paghahanapan nila kaya nagmadali akong gumapang.

Sakto naman dahil bukas ang pinto.

"Congrats. You made it to your death." Natitigilan akong napatingala sa may ari ng tinig- sya! Sya yun! Sya yung Dreixton! Ngumisi sya sa akin.

Ngumisi din ako bago ko inikot ang mga paa ko para mapatid sya!

"Look gutom na ako!" Sabi ko saka tumayo para makipagsabayan sa sampung lalaking kanina lamang ay kumakain!

Asar naman oh!

Panay ako block saka ganti- ilan nadin ang nasipa ko at tumilapon.

Ilang suntok nadin ang pinakawalan ko at tumama sa mukha ng ilan dahilan upang mkatulog sila.

Itong klase ng adrenaline rush na never ko pang naranasan sa dati kong eskwelahan!

Kinuha ko ang isang lamesa saka buong lakas na ibinalibag ko sa kanila saka ako nagtungo sa counter- at fuck walang staff pero maraming pagkaing nakalatag.

Kumuha ako ng mga tinapay at ilang ham.

"And you think you can escape?"

Nakangisi akong humarap sa taong may hawak sa patalim na kasalukuyang nakatutok sa akin.

Binitawan ko ang dala ko saka gamit ang kamay ko ay inilayo ko ito sa leeg ko saka ko sya mabilisang sinuntom sa ilong bago mabilis na umalis sa canteen dala ang mga kinuha ko.

U N D E R C O V E R    A G E N TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon