10: Deal with the Devil

15 0 0
                                    

SA WAKAS AY nakorner ko na din sya kaya agad ko syang kinubabawan at inundayan ng saksak.

"Fuck!" Anas nya bago kinuha ang mga kamay ko gamit ang isa nyang kamay saka gamit ang isa ay niyakap nya ako sa bewang bago inihiga sa sahig ng canteen.

Atska ako kinubabawan.

"How dare you making fun of me?" Sinalubong ko ang masamang tingin nya "you'll goinh to pay for that."

"Edi fine. Bitawan mo ako!"

Ngumisi sya bago ibinaba ang mukha sa leeg ko dahilan para mapatili ako ng malakas.

NAKATULALANG  naglakad ako patungong pinto ng classroom "cheese" ani ko matapos kumatok ng dalawa.

Agad namang bumakas ang pinto para makapasok ako.

Ibinaba ko ang bag ni Vince na pinadala nila sa akin para malagyan ng pagkain bago ako naupo kasama nila.

"KAINAN NA!!!" Malakas na sabi ni Gio pero wala ni isang tumugon o sumunod sa kanya "problema?" Tinignan nya kaming lahat bago muling dumako sa akin ang kanyang paningin sa ikalawang beses "m-may chi-chikinini ka?! Arooo!" Savi nya ng batukan sya ni Liza "bakit?!"

"Sinung gumawa nyan?" Tanung ni Maricor na nakatutok ang mga mata sa leeg ko.

"Si-si-si" putsa! Ni hindi ko masabi!!!!

"Si?"

"Yung demonyong hayop na yun!!!"

"Ahmmm.. earth to eunice, maraming demonyo dito.. pugad nga nila to eh." Pilosopong sabi ni Gio

"Yung hayop na yun!" Nanggigil kong wika "yung nagpakalunod nang bumaha ng kagwapuhan at kakisigan! Putsa! Bakit ko ba sya pinupuri?! Eh minanyak nya ako ako!"

"Ah hello. Eunice.. sinung sya?"tanung nung bagong dating

Tinignan ko sya ng naiiyak "si dreixton.." saka ko inayos ang buhok ko para maipakita ang tatlong hickey na ginawa nya!

Laglag panga naman sila bukod sa mga bago.

"Even we would like to beat him up, natatakot kami. Baka mamaya mamatay kami ng maaga." Sabi nung lalaking bago.

Yumuko ako saka naiyak kasi for the first time, may nang manyak sa akin ng ganun!

Maraming nagpapansin sa akin, maraming nagpapalipad hangin, maraming nanliligaw pero ni minsan wala pang bumastos sa akin ng ganun!!!!

"Oi.. tahan na.." sabi ni Liza "alam kong masama ang loob mo but in the other thought.. maganda ang senyales ng marka na yan.."

"Anong maganda?" Tanung ng isang bago "binastos sya, tapos maganda?"

"Leanne, maganda." Ani ni rowena, napatingin ako sa kanya at laking pagtataka ko ng makita ko ang malaking ngiti sa mga labi nya.

"At bakit?" Nakataas na kilay nung tinawag nyang leanne.

"Sa tagal namin dito, wala pang nabibigyan ng Hickey ang kahit sinong Alpha." Panimula ni rowena "at ang sabi ng principal. Ang hickey daw na galing sa isang alpha ay magiging immunity laban sa predators or it'll be a sign of the Alpha's affection to a girl. Whoever it is. Kapag meron nun ang babae automatic na may relationship na sila."

"WHOA WHOA WHOA!" Sabi ko "what the hell?"

"Eh panu kung ginawa lang?" Tanung nung lalaking bago.

"May witness ba sa ginawa ni Dreixton?" Tumango ako.

"Then it's official, he's owning you. Girl kaloka kakaumpisa mo palang!" Parang kinikilig nyang wika.

"Para kang tanga rowena!" Paninita ni Liza "eh panu kung pag initan sya ni Queen Keone?"

Napatawa naman naman si Rowena "Dreixton, won't mark a girl who can't fight." Napatingin sya sa akin "at isa pa, si Eunice lang ang nakaharap ni Dreixton na buhay hanggang ngayon!"

Napatingin ang lahat sa akin "bakit pati ba babae pinapatulan nila?" Tanung nung lalaking bago

"Yep. Walang gender dito. Ang mahalaga ay makpatay sila at dagdag points." Paliwanag ni david

"Eh ba't kayo?" Tnung nung mukhang nerd na bago

Bumuntong hininga sila "even though we want to. Wala din naman. Kahit makapatay kamo, ang ranggo namin ay mananatiling 'pain' o 'prey' gaya nyo. Kahit ila g prey ang mapatay natin walang mangyayari." Dagdag pa ni david "atska. Mas ok na tong, takot lang kaming mabawasan ang maramdaman namin kesa makaramdam kami ng konsensya." Napailing sya "di ko kaya."

Napatango lang kami saka ako umayos ng upo. "Pano matatanggal ang hickey na to?"

Nagkatinginan sila "bakit? We can use that for tomorrow!" Sabi ni Angelika

"What?" Tanung ko

"That hickey cn stay on your skin within 2-3 days." Sabi ni Leanne "bakit wala ka pa bang experience sa ganyan?"

Ngumuso ako saka umiling "wala pa kasi akong boyfriend..."

"Gosh!" Ani nung mukhang nerd "ako nga may boyfriend na. Ikaw pa kaya?? Ang ganda mo kaya."

Umiling ako "sakit lang sila sa ulo, gaya ng kuya ko." Sabi ko "tsaka hello, bata pa kaya ako. 16 lang ako kaya-"

"WHAT THE HELL??" Sabay sabay nilang turan kaya natigilan ako.

"16?!"

Tumango tango ako- paktay nawala na yung facadé ko!!!

"Ang bata mo pa para.." di na natuloy ni leanne ang sasabihin.

"God. I felt so betrayed!" Pag iinarte ni Gio "tapos umaasa kami sayo para makakain?! Tangna guys we should do somethong! Wag tayong umasa kay nene!"

Binato ko sya ng tinapay sa mukha para natahimik.

"Salamat!" Sabi nya saka tinanggalan ng balot para kainin.

"Okay lang naman sa akon eh.. ang totoo nga nyan-"

"WAAAAAAHHHHH!! EUNICE SI ENZO TOOOO!"

Nagkatinginan kami bago ko binuksan ang pinto para papasukin si kuya "bakit?" Tinulak nya ako para maisara at mailock ang pinto.

"Shhh.." inakay nya ako paupo "walang maingay-"

"ENZO MY LOVEEEE!!!" Napapikit si kuya at napakapit sa akin.

"Wag mo akong ibibigay sa kanya, baby.." napangiwi ako sa inaakto ni kuya, habang ang mga kasama ko naman ay nagpipigil tumawa.

"AS YOUR QUEEN SERENITY, I WANT MY ENZO BE PRESENTED TO ME AS SOON AS POSSIBLE KUNG HINDI-" mukhang kinilabutan silang lahat "IMAMASSACRE KO KAYONG LAHAT!!!!"

"Serenity.." nanlaki ang mga mata namin ng makarinig ng panibagong boses "your too loud. Let the guy leave.'

"Tsk! Akin na sya Kellan! Akin na sya! I already marked his neck!"

Nanlalaki ang mga mata ko saka napatingin kay kuya na ngayon ay masama ang pagkakatingin sa leeg ko.

Agad ko naman itong tinakpan pero ang hudyo-

"SINONG ANAK NG ANIMAL ANG GUMAWA NYAN SAYO!!!!"

U N D E R C O V E R    A G E N TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon