Chapter Three

1.9K 92 2
                                    


NAKIKINIG lang sa mga nag-uusap si Andrea habang kumakain. Hindi na siya nakikialam dahil ang papel lang naman niya ay sumunod sa ipapagawa sa kanya ni Martin. Pilit niyang binabalewala ang kakaibang nararamdaman niya habang minsang magkatagpo ang paningin nila ni Rafael. Marami siyang nakakasalamuhang guwapong lalaki na katulad nito pero hindi ganoon ang nararamdaman niya na para bang may puwang na kaagad ito sa puso niya. Hindi niya ito kilala maliban sa pangalan nito.

Hindi pa natapos ang pag-uusap ng tatlong lalaki ay nagpaalam na siya. Tutal naipakilala na siya ni Martin at nasabi kung ano ang magiging papel niya sa ipapagawa nitong gusali sa Cuyo Island. Dumeretso na siya sa lumang entablado sa likod ng malaking gusali. Doon siya madalas nagsasanay ng fire dancing. Natuto siya ng fire dancing magmula noong nagpaturo siya kay Alexa, ang dating nagtatanghal sa resort ni Martin na nasa Japan na. Kasama pa rin naman niya sa pagtatanghal ang dating kasama ni Alexa. Minsan ay sumasama siya sa mga ito'ng nagtatanghal sa ibang resort at minsan na silang nakarating sa Cebu.

Habang nagpapahinga ay nagbabad muna siya sa Facebook sa kanyang cellphone. Kagagawa lang ng kanyang Facebook account at wala pa siya masyadong status. Iilan lamang ang friends niya. Nitong nakaraang araw lang ay nakuha ni Martin ang result ng pina-research nito sa NBI. Dinala nito roon ang litrato niya para ma-identify ang kanyang pagkakakilanlan pero walang nakitang identity kaugnay ng kanyang litrato. Maari raw na hindi siya nakarehistro sa bansa. Puwede ring hindi siya Filipino citizen. Naisip niyang sumuko na lang at maghintay kung kailan kusang babalik ang alaala niya. Nagtanong-tanong na rin kasi si Martin sa lahat ng resort sa Palawan kung may nakakakilala sa kanya sa pamamagitan ng litrato. Wala rin itong nakuhang sagot.

Pagkatapos ng practice ay tumambay si Andrea sa beach front bar. Doon na siya inabot ng dilim. Nakaluklok siya sa stool chair sa harap ng counter. Nag-order siya ng cocktail. Naramdaman niya'ng may umupo sa katabi niyang stool sa gawing kaliwa. Sumiksik sa ilong niya ang matapang nitong pabango na mayroong masculine scent.

"May available ba kayong cocktail mixed with rum?" tanong ng lalaki sa bartender.

Pumanting ang tainga ni Andrea nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki. Hindi siya nakatiis, lumingon siya sa kanyang kaliwa. Tama ang naisip niya, si Rafael iyon, suot ay pulang T-shirt at bughaw na pantalong maong.

"Available po ang blue Hawaiian at strawberry daiquiri, sir," sapagkuwan ay sagot ng bartender.

"Give me a round of blue Hawaiian, please," sabi naman ni Rafael sa bartender.

Kumislot si Andrea nang bumaling sa kanya ang tingin ng lalaki. Hindi na niya nabawi ang tingin.

"Hi!" nakangiting bati nito sa kanya.

Lumilitaw ang munting biloy nito sa magkabilang pisngi. Naging uneasy siya. Bumuntong-hininga siya. Hindi puwedeng ganoon siya palagi kapag kaharap ito baka isipin nito'ng na-love at first sight siya rito.

"Hello," mahinang sagot niya. Ibinaling niya ang tingin sa kanyang inumin.

"Are you a Filipina? Or a half-blood?" tanong nito pagkuwan.

Isa lamang si Rafael sa maraming taong nagtatanong ng ganoon sa kanya pero hindi niya alam ang isasagot.

"I don't know," matipid niyang sagot.

"Why? Where you come from?" natatawang tanong nito.

"Would you ask me anything except about my identity?" naiinis nang sabi niya. Nabuburyong na kasi siya sa kakaisip kung paano sagutin ang mga tanong na hindi niya alam ang sagot.

Mariing kumunot ang noo ni Rafael. "I'm sorry. I'm just asking," sabi nito.

Bigla siyang nakonsensiya sa inasal niya. Hindi dapat ganoon ang ipinakita niya sa isang professional na lalaking katulad ni Rafael. Inisang lagok niya ang kanyang inumin. Saka siya tumayo.

"Excuse me, I have to go," sabi niya saka siya lumisan.

Naglakad siya patungo sa dalampasigan.

"Hey! Andrea!" narinig niyang tawag sa kanya ng lalaki. Nahimigan niya ang boses ni Rafael.

Hindi niya inaasahang susundan siya nito.

"Are you okay? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" sabi nito nang huminto ito sa kanyang harapan.

Napilitan siyang huminto at tumingin dito nang deretso. "Nothing. I just want to be alone," sagot niya.

"Don't get me wrong. Gusto ko lang namang makipagkaibigan," wika nito.

"That was men first move to get girl's attention. Offering friendship was just part of flirting, right?" kastigo niya.

"What? What are you talking about?" natatawang sabi nito.

"Of course, you could deny it."

"Okay. Ayaw mong magpaligaw, tama? Kaya siguro pinapangunahan mo ako."

"You're right."

"Fine. I understand. Of course I'm just a man. It's my nature to entertain woman. Pero para sa akin, you're not just a girl. Pamilyar ka sa akin at magaan ang pakiramdam ko sa 'yo. Na-curious ako kaya natukso akong makilala ka pa nang lubusan."

Gusto rin niyang sabihin na pareho sila ng nararamdaman ni Rafael pero wala siyang lakas ng loob. Iniisip niya na baka normal lang iyon, pero imposible rin dahil iyon pa lamang ang pagkakataong nagkakilala sila.

Hindi na siya nakapagsalita nang mamataan niya si Cale, na patungo sa kinaroroonan nila. Si Cale ang maituturing niyang best friend. Palagi itong nariyan sa tuwing kailangan niya at pinapasaya siya sa tuwing nalulungkot siya. Binata pa si Cale at tantiya niya'y mas bata sa kanya. Ayaw nito na may nagpi-flirt na lalaki sa kanya.

"Andrea! Let's eat!" pasigaw na sabi sa kanya ni Cale.

Walang imik na iniwan niya si Rafael.

You're Still the One (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon