Chapter V: Close

3 0 0
                                    

Habang naglalakad sa pasilyo si Tyler, iniisip niya ang kinwento ng nurse na pinagtanungan niya noong nakaraan at nabigla na lamang siya ng may bumato sa ulo niya, hindi naman ito masakit, ng makita niya ito ay-

"Papel?" Pinulot niya ito at binuklat. Nakita niya na may nakasulat sa papel.

'Hehehehe.' At may nakadrawing na peace sign. Ito ang nakalagay sa papel.

Tumingin siya sa likod niya at doon nakita siya ang babaeng hindi maalis-alis sa isip niya. Si Zahlia.

"Zahlia right? Bat mo ako binato?" Sabi niya rito.

"Sa pagkakaalam ko'y Blythe ang pagpapakilala ko sayo pero oo Zahlia nga! Ikaw anong pangalan mo?" Tanong nito na may napakalaking ngiti sa mga labi.

"My name is Kalen Aziel Tyler, you can call me Kalen." Sagot nito.

"Sige! Hi! Tyler!" Natatawang sabi nito.

"Crazy, call me Kalen."

"Sige okay kuyang Tyler! HIHIHI"

Matapos magsalita nito ay aalis na sana si Tyler to go back to his room but Zahlia called her again and pointed the children who are playing in the playground.

"Tyler! Tara laro tayo!" Sigaw sa kanya ni Zahlia.

"Fuck! Don't shout woman! Magkatabi lang tayo." Sigaw nito pabalik.

"Fuck? Ano yon? Nakakain ba yon? Masarap ba yon? Maluluto ba yon? Tara gawin natin Tyler!" Masayang masaya at dere-deretsong salita ni Zahlia.

Hindi inaasahan yon ni Tyler kaya naman ay sa gulat napamulahan siya ng mukha dahil sa narinig kay Zahlia.

"Uy Tyler! Ba't namumula ka? Ano na tara! Gagawin pa natin yung FUCK na sinasabi mo! Ituturo mo naman hindi ba? Yehey! May bago na naman akong matututunan!"

Hindi malaman ni Tyler kung ano ang gagawin. Hindi niya ito mapatigil. Bubod ng bubod si Zahlia ng salitang 'fuck' sa pagaakalang maganda ang ibig sabihin nito. Naiinis si Tyler dahil sa paulit-ulit na pagbanggit ni Zahlia noon ay unti-unting nabubuo sa isip niya ang-

"Aishhh!!! Stop saying that woman! Oo na masarap yon! I'll teach you so don't you ever dare as others about it okay?"

Hindi kayang makita ni Tyler na malungkot si Zahlia kaya naman ay sinabi na lamang niya na oo at ituturo niya ito kay Zahlia.

"YEHEYYY!!! Salamat Tyler!" "Tuturuan na ako ng fuck, tuturuan na ako ng fuck~~~" Pakanta kanta pa niya itong sinasabi. Napasapo na lamang si Tyler ng ulo dahil sa nakikita sa babae.

Matapos ang araw na iyon ay hindi na tinigilan ni Zahlia si Tyler. Lagi siyang nagpapaturo ng mga bagong bagay kay Tyler. At dahil sa hindi malamang dahilan ay hindi matanggihan ni Tyler ang mga pakiusap ni Zahlia. May mga pagkakataon pang –

"Tyler! Tyler! Bumangon ka na diyan! Magdidilig tayo ng halaman! Tyler!" Pag gising sa kanya ni Zahlia.

Dahil inaantok pa ay napamura ito dahil hindi ito sanay na may gumigising sa kaniya ng maaga.

"Putangna! Ang ingay! Shut up!" Sigaw niya.

"Putangna? Ano yon Tyler?" Nagtatakang tanong ni Zahlia.

"Ano? Ah ano.. Ah! Oo! Kakanin yun! Alam mo yung puto? Yung putangna naman may ahmm.. Palaman! May palaman yon na hmmm.. Maanghang yun! Yon! Yun na nga!."

May ibang pagkakataon pa ngang nabigyan ng gantimpala si Tyler na gawin o kainin ang kahit ano mang gusto niya kaya naman ay ang-

"Thank you for bringing me this Bren. Kamusta dude? Tara sa kwarto ko."

Habang naglalakad sila patungo sa kwarto ni Tyler ay nagulat sila na pagbukas ng pinto ay nandoon sa loob si Zahlia.

"Ehem! You didn't mention na may napakagandang dilag pala rito sa shelter. I should visit more often dude." "Hi miss, ako nga pala si Brennon, Bren for short. I'm Kalen's friend." At nilapitan nito si Zahlia at hinawakan ang kamay nito at hinalikan.

"Hands off Brendita-"

"Tyler! May friends ka pala? Hi! Ako si Blythe! Nice meeting you!" Ginaya niya ang ginawa ni Bren hinalikan rin niya ang kamay ni Bren.

"Hihihi may natutunan na naman ako Tyler! Ganun pala magpakilala?" Tila sabi nito sa sarili.

"Get out Zahlia and that's not what you do to introduce yourself, just say your name." Sabi ni Tyler.

"Hanla! Ayoko! Gusto ko sumama sa inyo! Ano bang gagawin niyo? OMO!" "Ano yang hawak mo Bren?!" tanong ni Zahlia.

Hindi makapaniwala si Tyler sa nangyayari. Ang kaibigan niya ayun kayakap ang puno sa park. At ang babae na siyang binabantayan niya ay ayun nasa lapag sa damuhan gumagawa ng 'grass angel'.

An hour before ng nalaman ni Zahlia na alak ang dala ni Bren ay nagulat na lamang sila at nabuksan ito ni Zahlia. Tinungga niya ito at hindi nakaimik ang mga lalake. Nakatingin na lamang sila kay Zahlia habang tinutungga nito ang alak.

"Ang sarap naman nito Bren! Dala ka uli sa susunod ha!"

At ayan na nga po ang nangyari. Dahil sa maagang pagkalasing ni Zahlia ay marami pa ang natira sa alak na siyang nilagok naman ng damuhong si Bren. Nagbabantay ngayong disoras ng gabi ng mga batang napakawalan sa hawla si Tyler.

"Tyler! See oh! Grass Angel! So *hik* beautiful!" Sinisinok na si Zahlia sa pagkalasing.

At si Bren naman ay-

"NO! Help Tyler! Tulungan mo akong bunutin ang broccoli na ito! Masyado na siyang lumalaki! Ayoko ng broccoli! Magmadali ka Tyler! Tatalunin natin ang masamang kutong lupa na ito! HAHAHAHA!"

Nagulat na lamang na nakalapit na pala si Zahlia sa kanya, at sinabi nito ang mga katagang mas nakapagpagulo ng isip niya-

"Tyler! Hihihi! Ano ba yung palaging tumitibok na puso?! Tyler may sakit ata ako sa puso hindi sa utak. Basta nandyan ka hindi na mapakali ito HAHA! Patingin na ako kay Papa Doc bukas!"


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

Disclaimer: This is Fiction. Whatever is in here, doesn't have a connection to our Non-Fiction world.

Devil in Disguise [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon