DAY 1

38 1 0
                                    

@{AD}@

Maaga akong gumising dahil sa dalawang rason.

Una: kasi 7 AM ang class namin.

Pangalawa: Kasi susunduin ko pa yung girlfriend ko.

[GUMULONG GULONG SI AD SA KAMA SA SOBRANG KILIG]

Hoy miss author, ang bakla naman ng pagsasabi mo nun!

[Bakit hindi ba yun yung ginagawa mo?] *death glare*

Yun nga. Huhu. Wag mo kong patayin. Magiging kami pa ni Azzy.

Nagdrive na ako papuntang bahay niya.

First time kong magsusundo ng babae.

Ewan. Lakas ng tama ko sa babaeng yun eh.

Kita niyo namang payag akong maging rebound lang.

Rebound.

Oo na, para akong tanga.

Kung bakit hindi nalang kasi ako naging first boyfriend niya? Eh lagi akong nandito para sa kanya.

Tinawagan ko siya.

Nakailang ring din bago niya sagutin.

"Hello?" Mukhang kakagising lang niya ah?

Nako.

"I'm here."

"Ha?! AD! Ang aga mo!" Sumilip siya sa bintana.

"Maaga ba? Okay lang. Antayin nalang kita."

"Bumaba ka muna and mag breakfast. Bibilisan ko nalang."

"Opo."

"Ikaw talaga. Sige na."

Binaba na niya yung call tapos pumasok ako ng bahay nila.

"Good morning manang."

"Alex! Ikaw pala. Kain na."

May bacon, hotdog, itlog at kanin sa mesa.

Pati yung cereal ni Azzy nakahanda din.

Oo. 20 na siya pero nagce-cereal parin.

Haha. Hulaan niyo pa kung anong cereal?

Malamang coco crunch.

Hahahaha.

"Good morning!"

"Kain na at baka malate pa kayo."

"Yes manang."

Kumain na kami.

After kumain, sumakay na kami sa sasakyan ko.

°^°^°^°

"Ready?"

Tumango siya. "Ready."

Nakaholding hands kaming pumasok sa school.

Syempre, maraming bulungan.

I don't even know if it's considered whispering kasi parang sinisigaw na nila eh.

"May bago na si Cavaneer? Diba sila ni Rex?"

"Baka third party?"

Squineeze ni Azzy yung kamay ko.

"Wait lang ha?"

23 Days To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon