DAY 16

42 1 0
                                    

©[Cavaneer]©

Hindi naman talaga ako umalis.

Nasa labas lang ako ng room niya magdamag.

Hindi parin umaalis si Telle.

Ano yun, sila na ulit?

Pucha. Nakakabaliw.

Wag nang mainlove, dangerous, nakakabaliw, nakakapuyat, nakakabaliw.

Hay nako.

"Sorry, baby AJ ha? Wala akong magawa para maalala ka niya."

"You don't need to apologize, mommy. Maalala din niya ako."

"Madidischarge na siya mamaya."

"I'll move out na po."

"No. You'll stay in that place."

"But mommy.."

"He needs you, AJ.  More so now."

"Ni hindi po niya ako kilala."

"Then make him fall for you. Isipin mo kung paano ka nafall sa kanya. Ganoon mo din siya pahulugin sayo."

Napangiti ako. "Okay tita. I will. Gagawin ko lahat para mahalin niya ako ulit."

Call me desperate pero sobrang mahal ko siya.

°•°•°•°•°•°•°•°•°

Nauna ako umuwi.

Inayos ko yung bahay.

Nagluto din ako ng favorite niya - Adobo.

"AJ, we're home."

Si tita, tulak tulak si AD sa wheelchair, nafracture kasi yung leg niya.

Binuhat namin si AD sa kama.

"Iwan ko na kayo ha? Bye mga anak."

Niyakap niya si AD.

Tapos ako.

"Be strong, okay, baby?"

Tumango ako. "Yes mommy. Bye po."

Umalis na si tita.

Sumandok ako sa plate ng kanin tapos sa separate na bowl, nilagay ko yung adobo.

Sinerve ko yun sa kanya.

Sumandok ako ng konti tapos tinapat sa bibig niya. "Kain na."

Hesitantly, binuka niya yung bibig niya tapos sinubo yung pagkain.

"Ikaw nagluto?"

Tumango ako. "Hindi ba masarap?" Kinuha ko yung tray. "Sorry."

Kinuha niya yung tray. "Sino may sabing hindi masarap? Subuan mo nalang ako." Nginitian niya ako.

Nginitian niya ako?

Nginitian niya ako!

Oh my glob!

"Ang weird mo, paano kita naging girlfriend?"

"Hoy, wag ka. Swerte ka kaya sakin."

Parang nagulat siya.

Tapos napahawak siya sa sintido.

"Aray!"

Inalis ko yung tray sa lap niya tapos ako nagmassage ng sintido niya.

"Masakit pa?"

Umiling siya.

"Tulog ka kaya muna? Maya ka nalang kumain."

23 Days To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon