DAY 2

39 2 0
                                    

©[Cavaneer]©

Pagkagising ko, walang tao sa tabi ko. Pero nasa kwarto ako ni AD.

Anyare kagabi?

Ano ngayon? Wednesday.

Buti nalang.

Free day namin pag Wednesday.

Tinotoxic kasi kami ng major tuwing Mondays and Fridays.

Tumayo na ako.

Binuksan ko yung phone ko.

May 61 missed calls and 89 messages.

Hala! Puro galing kay manang!

Tinawagan ko agad siya.

"Neng?"

"Manang. Nakay AD po ako. Wag ka pong magalala."

"Papatayin mo ako sa pagaalala anak eh."

"Sorry po talaga nang."

"Kailan ka uuwi?"

"Hindi ko po alam. Pero kasama ko lang po si AD palagi.

"Sige anak. Magingat ka lagi."

"Opo manang."

Binaba na namin yung call.

"You're awake."

"Good morning. Aga mo magising."

"Haha. Oo. Ako pa."

Morning person nga pala siya.

"Let's eat. Bumili ako ng coco crunch."

"Weh?! Thank you!"

Favorite ko ang coco crunch kaya!

Tumawa siya ng mahina tapos umupo na kami sa hapag kainan.

Pangdalawang tao lang yung mesa. Kasi naman magisa lang siya dito.

"Sorry I crashed."

"Okay lang noh. It's nice to have some company. Nakakasawa nang magisa."

"You can always stay at my house."

"I'll keep that in mind."

"Date tayo, babes." Sabi ko sa kanya.

"San tayo pupunta?" Tanong niya.

"Basta. Surprise ko yun sayo. Kunin muna natin si baby ko sa bahay and para makapagpalit nadin ako ng damit."

"Sige. After mo magbreakfast."

Nginitian ko siya.

"Magasikaso ka na para derederetso na tayo."

"Yes ma'am." Nagsalute pa siya.

Natawa naman ako.

Isa si AD sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Yun bang lahat ng bagay tungkol sakin alam niya yet hindi niya ako hinuhusgahan. Eh kung ibang tao nga hindi ka kilala pero kung makahusga wagas wagasan eh.

Naalala ko yung paguusap nila ni Rex kahapon.

Burn na burn si Rex eh.

Haha. Buti nga.

And syempre kunwaring tulog na tulog ako. Una, para marinig ko yung sasabihin ni Rex at kasi ang sarap ng feeling na kinakarga.

Hihi.

Maya maya, lumabas na si AD, fresh na fresh. Wet look! So hooot! = ̄ω ̄=

"Tara na?"

"Paano tong hugasin?"

23 Days To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon