DAY 20

29 1 0
                                    

@[AD]@

4 yung flight namin which means 1-2 palang nandun ka na sa airport.

"Why are you so anxious?"

"Wala lang, feeling ko may masamang mangyayari eh."

I held her hand.

"Sabing wag nang magoverthink eh. Here. Eat." I gave her the box of Ferrero.

"Thanks."

°•°•°•°•°•°•°•°•°•

"MOMMY!"

Niyakap ni Azzy si tita.

"Where's daddy?"

"Nasa office, baby. Tara na? Magpahinga muna kayo tapos kakain tayo dinner sa labas."

"Okay ma."

I'll let you in on a little secret. Naaalala ko na si Azzy. Hindi man lahat lahat pero naaalala ko na siya. Naalala ko na kung bakit ko siya mahal.

Napapailing nalang ako pag naalala ko.

"AD." Naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko.

I squeezed her hand and smiled.

Kung may isang bagay akong pinagpapasalamat, yun eh yung hindi ako iniwan ni Azzy.

Even after the time that I was pushing her away, she still stayed.

Nakarating kami sa bahay nila dito sa New York.

"Iwan ko na kayo ha? I'll be back to fetch you guys for dinner. Be ready by 5, okay?"

"Okay po." Sabay kami ni Azzy.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

"Mga bata, are you ready?"

"Just a minute, ma!" Nagbibihis palang siya. Psh. Tulog mantika talaga.

"Iwan ka na namin ni Alex!" Banta ni tita habang tumatawa.

"Eeeeeeh! Wait lang maaaa! Saka hindi naman ako iiwan ni AD eh!"

Tinignan ako ni tita as if in question.

"It's true, tita." I shrugged.

"Ayan na, I'm ready. Sheesh!"

She was wearing a dress na pinatungan ng maong na jacket.

[Alam niyo na kung saan makikita yung picture]

"Let's go. Your dad's waiting."

Lumabas na kami ng bahay tapos naglakad papuntang restaurant.

Oo, lakad. Kasi sobrang traffic sa NY.

There were two things I noticed when we walked in the restaurant.

1. Ang ganda ng ambiance.

2. Ang  putla ni tito.

Alam kong naturally pale siya since foreigner nga siya pero... mas maputla talaga siya ngayon.

And I'm not imagining things.

"Daddy!" Binitawan ni Azzy yung kamay ko tapos niyakap si tito.

He's a lot weaker as well.

"Hi tito."

Tinanguan ako ni tito and gave me a weak smile. "Alex"

Umupo na kaming lahat.

May food na nakaserve sa table.

"Let's eat." Tita said after saying a short prayer.

Sumandok na kami sa kanya-kanyang plates.

°•°•°•°•°•°•°•°•

"Daddy..." Kanina pa umiiyak si Azzy.

Habang kumakain kami, bigla nalang bumagsak si tito.

Ngayon, nasa ICU si tito and isa lang pwedeng pumasok.

Lumabas si tita.

“Mommy.” Niyakap ni Azzy si tita.

“Sorry baby..”

Yun lang. Alam na namin…

Wala na si tito.

°•°•°•°•°•°•°•°•

“Last year pa siya nadiagnose ng cancer. We didn’t tell you kasi alam naming magaalala ka. That’s why we’re here sa NY, para maipagamot siya. But the chemo and meds didn’t work on your dad. Mas pinapalala pa nga nito yung sakit ng dad mo.Then last week, the doctor found that the tumor grew bigger. Yun na yung sign na malapit nang….” Huminto si tita tapos naiyak na din.

Kaya pala.

Kaya pala biglang pinatawag kami dito sa NY.

Kaya pala nangangayayat si tito.

Kaya pala mas naging mahina siya.

“Sorry anak.”
Tumango lang si Azzy.

“So kailan po tayo babalik ng Pilipinas?”

“Kung gusto niyong magstay muna dito ni Alex, okay lang.”

“Ayoko po. Ikaw, AD?”

Umiling ako.

“Okay then, uuwi na tayo bukas. Bibili lang ako ng tickets para sa flight natin. Kayo bahala kung gusto niyong mag lakad lakad muna. Here.” Inabutan niya kami ng credit card. “Mag shopping kayo o ano.”

Umalis na si tita.

“Gusto mo maglakwatsa?” Tanong ko kay Azzy. “Ice cream?”

Ngumiti siya tapos tumango.

Bumili kami sa convenience store ng dalawang pint ng Haagen Dazs. Tapos nag shopping din siya. Andaming binili. Dresses, shoes, lahat na.

Tapos umuwi na din kami.

Andun na si tita, nakaupo sa may couch, umiiyak habang hawak hawak ang isang picture frame.

Pinunasan agad niya yung mga luha niya tapos pinilit ngumiti.

"Are you guys hungry?"

Umiling kami ni Azzy.

Niyakap nito si tita.

"Wag ka na malungkot, mom. Nandito naman ako eh. Si Alex. Si manang."

Tumango si tita. "I know that, baby. It just seems too soon." Tinignan ako ni tita. "Ikaw, wag mong uunahan si Cavs ha?"

Natatawang tumango ako. "Okay po."

°•^•°•°•°•°•°•°•°•

Yes, crappy, I know.

Who threw that shoe?

Hahaha.

Kainis.

-aryll™

Finished: November 17, 2014 6:49PM

23 Days To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon