Chapter One

1 1 0
                                    

Lost. Wonderer. Mess.
How could you save someone who doesn’t want to be saved? How can you open up when they don’t seem to care?

I grew up hating everyone around me, hating the world and life as it is. Hindi naman ako ganito dati pero siguro dahil na rin ‘yon sa mga pinagdaanan ko.

Hindi ko naman kasi alam na ganito pala kastruggle is real ang life, mas pipiliin ko kung hindi nalang ako pinanganak. Yung mga tao sa paligid mo tila Pinya na lahat ng mata ay nakatingin sa’yo, lahat nakamasid at nagbabantay sa bawat galaw mo. One wrong move and you’re dead.

“Parang ang lalim ng iniisip mo ah?”

“Ha hindi hahahaha”

“Ano na naman ba ‘yan?”

“Wala, doon ka na nga!”

I tend to push people away, kahit gustuhin nilang tulungan ako sa problema ko hindi nila magawa kasi pinalalayo ko sila. Kung hindi sila ang lalayo eh ako naman.

“Alam mong hindi ako aalis hangga’t hindi ka nag-oopen up ‘di ba?”

“Mari bakit ganoon?” She’s Marinella Geronimo-Carter, best friend ko.

“Anong bakit ganoon? Ang alin?”

“Ang life! Nakakastress, dagdag pa na malapit OJT na natin. Kaya ko pa ba?”

“Sus! Kaya mo iyan, ikaw pa ba? Fighter ka ata!”

“Salamat ah?”

“Ikaw pa ba? Alam mong nandito lang ako palagi para tulungan ka ‘di ba? Magsabi ka lang kasi”

“Sige”

Malapit na ang struggle, mas malaking struggle. OJT. Kakayanin ko pa ba? Hindi ko na talaga alam. Hindi ko alam kung tama pa ba yung tinatahak kong landas. Gustong gusto ko ng sumuko pero iniisip ko lang na ang layo ko na sa pinagsimulan ko, ang dami ng isinakripisyo ng pamilya ko para makarating ako kung nasaan man ako. Para sa kanila kakayanin ko ‘to.

Compound 5615Where stories live. Discover now