Chapter Two:Priya

0 0 0
                                    

Ang sarap naman ng buhay ko nakikinig lang ng music habang nakatanaw sa malayo, day dreaming at its finest. Now this is rest, mabuti nalang wala sila Tita ngayon pwede akong mag pahinga bago ko gawin mga inutos niya.

“Iya!!!!!”

Anak ng! Muntik ko ng mabuga yung iniinom ko sa lakas ng boses ng tumawag sakin, daig pa yung nakamegaphone sa sobrang lakas eh.

“Anong problema mo?! Ang aga aga nambubulabog ka ah!”

“Hehe sorry na, sama ka?”

“Saan na naman?”

“Gala tayo wala pa namang pasok eh.”

“Ayoko marami pa kong gagawin tiyaka baka mamaya pag dating nila Tita wala ako baka mawalan pa ko ng bahay.”

“KJ bahala ka diyan.”

“K.”

Gustong gusto ko sumama pero mahirap na baka mapalayas pa ko pag nahuli ako sa galaan o kaya kung maabutan nilang wala ako sa bahay. Hindi naman ako preso pero parang ganun din hahahaha, bawal akong mamasyal kasama mga kaibigan ko.

Ang routine ng buhay ko ay school-bahay, bahay-school, depende nalang kung may iuutos sakin doon lang maiiba routine ko. Yung gala? Takas puwede pa pero ingat na ingat akong hindi ako mahuli.

Feeling ko kalahati ng buhay ko magiging ganiyan, nagbago lang naman takbo ng buhay ko nang mamatay si Papa. Simula ng mawala siya kinuha na ako nila Tito, miss na miss ko na si Papa. Walang araw ang lumipas na hindi ko siya naiisip, sana kasama ko pa siya, sana nakakasama ko pa si Mama.

Anyway, enough drama, tapos na kanta ng mga bebe ko so back to work na ang Yaya niyo. Ang hirap ng buhay kapag nakikitira ka lang sa kamag-anak niyo tapos medyo hindi pa maganda yung trato sa’yo, parang mapapasabi ka nalang na sana naging palaboy nalang ako.

By the way how rude,hindi pa pala ako nagpapakilala. I’m Priya A. Fernales, but you can call me Pri or Iya para sa mga close ko. Soon to be Engineer ang Lola niyo guys, kailangan ko nga lang malampasan ang high school na pinaglaruan nila at dinagdagan ng 2 years.

Sana maging madali lang para sa akin at sa mga kaibigan ko yung buhay high school, sabi nila pahirap daw ng pahirap hanggang sa mag college ka eh. Sana walang maging problema.

Compound 5615Where stories live. Discover now