Chapter Six: Priya

0 1 0
                                    

Napakasama naman ng ugali nung lalaking ‘yon, ako na nga yung nag iinitiate makipag-kaibigan siya pa yung masungit? Akala mo naman kagwapuhan, pag nakita ko ulit ‘yon tsaka nalaman ko pangalan papabugbog ko kila Kiefer ‘yon eh pero joke lang siyempre.

Nakita ko naman nga ulit si Sungit pero gabi na, natanaw ko lang siya nung nasa terrace ako. Parang napakalungkot ng buhay ng taong iyon? Kaya siguro masungit. Biruin niyo parang ako lang ang layo ng tanaw, nakatulala, nakaearphones at tila walang pakialam na may nakatingin sa kaniya.

Parang gusto ko siyang puntahan, parang gusto ko siya samahan, parang makakasundo ko siya kung hindi nga lang siya masungit at masama ugali. Bakit ko ba siya pinoproblema? Ang dami kong dapat problemahin dadagdag pa siya?

“Priya!!! Yung mga aso napakain mo na ba?”

“Opo Tita!”

“Sige matulog ka na, yung labahin mo bukas ah agahan mo gumising”

“Opo”
See? Ganiyan ang buhay ko simula ng mawala si Papa, miski phone wala ako, ang sad ‘no? Nakayanan ko naman eh pero hanggang kailan ko kaya kakayanin yung ganitong buhay? Madalas late ako sa school lalo na kung umaga yung klase ko, kailangan ko pa kasi magluto at magpakain ng mga aso kaya minsan parang gusto ko ng tumigil sa pag-aaral. Pahirap kasi ng pahirap habang tumatanda ako.

Compound 5615Where stories live. Discover now