Chapter Four: Sharmaine

1 1 0
                                    

Chubby.

Pangit.

Ampon.

Ano pa ba? Parang para sa akin iyan na yung mga bagay na masakit marinig lalo na kung galing sa sarili mong ama. Hindi ko alam kung anak niya ba talaga ako eh, nihindi ko kasi naramdamang mahal niya ako.

Puro masasakit na salita nalang yung naririnig ko mula sa kanila simula bata ako, kailan ko kaya maririnig na proud siya sa akin? Ginagawa ko naman lahat para magkaroon ng mataas na grades ah. Tinatry ko naman yung best ko para mapansin niya ko, hindi naman ako nagrerebelde pero bakit kulang pa rin?

Bakit hindi pa rin sapat lahat ng effort na ginagawa ko? Ano pa bang kailangan kong gawin? Minsan naiisip ko, magpakamatay nalang kaya ako? Pag nangyari ba ‘yun mamahalin na niya ko? Kasi kung oo tara! Game na ako.

Pero bukod diyan problema ko rin yung magiging buhay ko sa high school, feel ko kasi mas makakarinig ako ng masasakit na salita mula sa Tatay ko eh. Parang gusto ko nalang maglaho, as in now na po please.

“Shar ano iniisip mo?”

“Wala, hindi pa ba tayo aalis? Sino pa bang kulang?”

“Si Soul”

“Jusko kahit kailan napakatagal talaga niya.”

Masaya. Abnormal. Plastik. Iyan siguro best words para idescribe yung samahan naming hahahahaha. Masaya kasi ganoon naman talaga kami eh kahit na abnormal kami, palaging nag-aaway to the point na kami-kami rin nag paplastikan masaya kami. Pamilya kami.

Pero kulang ang pamilya naming kapag wala si Iya, siya kasi yung pinakakalog sa tropa eh ang kaso ayun bawal siya palagi gumala. Alam niyo sobrang talino niyan ni Iya, palagi kayang top 1 yan nung elementary kami. Bonus na yung maganda siya tsaka maputi, sobrang sipag sa school works lalong lalo na sa gawaing bahay.

Si Iya yung may gandang hindi ka agad magsasawa kahit buong araw mong titigan although nakakasilaw puti niyang babaeng iyan hahaha, I swear pag naarawan yan jusko kitang kita mo agad na siya yun. Tila siga nga lang kung minsan yan, puro lalaki kasi kapatid niyan eh kaya siguro akala mo lalaki din. Mabait naman si Pat, sobra, pero masamang magalit yan nako makakarinig ka ng mga salitang never mo pang narinig mula sa kaniya.
Si Rence, abnormal, sinto-sinto, loko-loko, ugok hmm… Meron pa ba? Hahahaha charot! Siya yung malokong iba kung sumeryoso, pag siya may problema sa amin mapapansin mo agad kasi palaging nakangiti yan eh or nakatawa, kaya pag may problema nakasimangot iyan at hindi makangiti kahit gaano man nakakatawa yung nangyayari sa kaniya. Kaya minsan mababother ka talaga lalo na kung kahit ni-isang salita wala kang maririnig mula sa kaniya nako kabahan ka na talaga.

Mahal ko sila at alam kong mahal din nila ako. Mahalaga sila sa akin kasi kahit papaano napupunan nila yung kulang na pagmamahal na pinupunan sana ng Tatay ko. Handa akong protektahan sila sa kahit na anong mangyari at sa kahit na sino pero hanggang saan ang tapang ko? Hanggang saan ang tibay ng loob ko na suungin lahat para sa lang sa barkadahang tinatawag kong pamilya?

Compound 5615Where stories live. Discover now