Chapter Eight:Priya

1 1 0
                                    

Pag pasok palang namin ng campus kita na agad kung sino yung mga grade 7, paano takbo rito takbo doon ang ginagawa ng mga batang ‘to. Mga akala mo ngayon lang nakapasok sa school eh.

Pero parang gusto ko ng bumalik sa bahay namin ah? Parang hihimatayin ata ako knowing na unti-unti ko ng mararating yung mga pangarap ko sa buhay, mga pangarap namin ni Mama kasama si Papa.

At dahil abnormal si Kalyn at si Kiefer hindi namin sila classmate, mga adik kasi nagpa-late ng enroll ayan tuloy sa ibang section napunta. Ang sarap dagukan eh.

VII-Excellence

Isang taon kong magiging bahay yung magiging room namin, isang taon kong magiging kapatid yung mga classmate ko at isang taon kong magiging magulang yung magiging adviser namin. Kaya ko ‘to dahil alam kong palagi kong kasama si Papa lalo na sa school. Ano namang masamang mangyayari sa isang taon di ba?

“Oh paano mga bugok kita kita nalang mamaya ah?” Paalam ko kay Kalyn at Kiefer.

“Oo na kami na ibang section"

“Kasi pahuli pa hahahaha”

Mag katabi lang naman yung room naming puwedeng mangapitbahay pag walang teacher or recess. Pag pasok ko palang ng room nakita ko na agad siya. Siya as in siya talaga! Ilang beses ko pang kinurap mata ko para masiguradong hindi ako nananaginip pero totoo eh, nandito siya. Ang malala pa niyan classmate ko siya.

Si Kuyang rude.

Evil smile on.

Parang masayang mapagtripan siya hahahahaha, but then I suddenly remember that night na nakita ko siya that I felt like I wanted to come near him. Ang misteryoso nga naman kasi ng itsura, first day palang ang itsura akala mo pang isang taon na yung pagod niya. Humahanap na sila ng mauupuan ng nag decide akong umupo sa tabi niya.

“Hi”

Snob.

“Hiiii!!!!”

Snob pa din, mapapasabak ako dito ah? Pero kaya ko iyan!

“Pst!!!”

Chineck ko naman ulit yung hininga ko baka mamaya mabaho pala pero hindi nag toothbrush naman ako, napakafresh kaya ng hinga ko. Inamoy ko rin sarili ko *sniff* naligo naman ako ah? Bakit ba ayaw niya ‘kong kausapin?

Hoy Iya anong ginagawa mo diyan?”

“Hehe dito ko uupo”

“Luh bida-bida ka”

Naupo naman sila sa kabilang row, biruin mo ‘yon buong araw kong makikita pagmumukha ng mga yan hahaha nakakaumay ah? Binaling ko na ulit atensyon ko kay Mr. Rude, hindi pa rin siya umiimik hanggang sa…

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggg!!!!!!!

Hinayupak na! Bell na! Jusko hindi ko man lang nakausap tong lalaking ‘to, humanda ka sa akin Mr. Rude hindi matatapos ang araw na ‘to ng hindi kita nakikilala hahahaha.

Compound 5615Where stories live. Discover now