Chapter Five:Maveric

0 1 0
                                    

  Feel ko ako na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Biruin niyo ang pangit ko na, bobo pa, hindi pa talented, so ano na pinanganak lang ako para mag hugas ng pinggan ganoon ba?

Nakatira ako sa compound 5615 and sheez wala akong kaibigan ni-isa, hindi ko alam kung anong problema sa akin eh. Okay naman ako, sa tingin ko ah pero bakit parang walang gustong kumausap sa akin? Ganoon ako kaweird? Wow thanks.

“Pst!”

“Pssst!!” Sino ba yung sitsit ng sitsit na ‘yon? Aso ba ako para sitsitan niya?

“Hooooy!”

“Bingi ka ba?!”

“Are you deaf?!”

Babae siya, tignan ninyo nakakabastos din sa aming mga lalaki pag ginaganiyan kami. Kung hindi lang siya babae sinapak ko na siguro siya. Hindi pa rin ako lumilingon sa kung sinong babae man yung tumatawag sakin.

“Anak ng! WHAT THE HECK IS YOUR PROBLEM MISS?!”

“Grabe hahahahaha galit agad Kuya?”

“What the heck is your problem? Kanina ka pa sitsit ng sitsit aso ba ako?”

“Wow hindi ka naman pala bingi eh, sana kanina ka pa lumingon ‘di ba?”

“Bakit ako lilingon eh hindi naman kita kilala?”

“Kaya ka nga lilingon para makilala kita eh, bago ka ba dito? Ngayon lang kita nakita eh.”

“Wala kang pakialam.”

Ahh ngayon alam ko na kung bakit wala akong kakilala or kaibigan dito hahaha, ayoko nga palang nakikipag socialize, masaya na pala ako sa bahay with my books and computer games. Akmang aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan braso ko, sana pala hindi nalang ako lumabas.

“I’m Priya, nice to meet you?”

Hindi na ako sumagot umalis nalang ako bahala siya diyan. Hindi ako lumilingon hanggang sa alam kong malayo na ako sa kaniya, infairness maganda siya. Parang dahil sa kaniya gusto ko ng lumabas palagi pag ganitong oras ah.

Priya.

Compound 5615Where stories live. Discover now