part 7 (Kiliti )

6 0 0
                                        

Kiliti

Andrea's Pov

Mag dadalawang buwan na akong nagtatrabaho sa Mondragon's Empire, pero ganon parin si sir napakapilyo at sungit padin.

Nagagalit siya sa tuwing hahawak Ang Isa sa mga kaibigan niya sakin, at nag iiba agad Ang mood, bipolar talaga.

Natigil ako Ng magring Ang itercom, sinagot ko iyon.

"Yeah, sir Alex?". Tinatamad na tanong ko. Nasanay nadin akong tinatawag siyang ganon, minsan nga tinawag ko siyang sir eh nagalit siya binantaan niya pa ako na sa oras na tatawagin ko siyang ganon hahalikan niya ako.

Eh ako pa ba Ang mag iinarte? Siyempre mas sinige ko Ang pagtawag Ng ganon sa kaniya, Pero Ng mapansin niya yun, iba na Naman ang binanta niya Sabi niya ipapakita daw niya sakin Ang tinatawag Kung 'banana' kaya natakot ako..

Char Lang..ako? Matatakot?...

Pero siyempre dalagang pilipina na dyosa muna ko sa Mga oras na iyon kaya tinawag ko nalang siyang 'sir Alex' akala ko aayaw siya pero Hindi pala dahil sexy daw sa pandinig niya Yung may sir.

Baliw talaga.

"Come here , and make me a coffee". Tipid na Sabi niya, at dahil nga sa Ang tipid niyang magsalita ay ginawan ko Ng paraan para mapahaba Ang aming usapan.

"Anong klaseng kape sir Alex?, Matamis ba? Oh maalat?". Kung nakikita ko Lang Ang itsura niya malamang nakakunot nanaman Ang noo niya.

"Bakit Naman magiging maalat yon? May kape bang maalat?". Gulong Sabi niya.

"Wala ..akin nalang iyon,". Masungit na Sabi ko sa kaniya, narinig ko namang tumawa siya.

"Anong nakakatawa?, Napasokan na Naman ba yang utak mo Ng hangin ? Hah? Alex?". Imbis na sagutin ako umandar na Naman yung kamanyakan niya.

"Ang sarap talaga sa tenga pag ikaw na ang babanggit Ng pangalan ko, para akong nasa ere sa sarap". Malanding Sabi niya, napairap Naman akon sa hangin.

"Pwede ba ALEX?, tigilan mo ako sa kalandian mong yan, eh kung ihulog Kaya Kita Mula dito sa eight floor Ng sa ganon feel na feel mo na talagang nasa ere ka".masungit Kong Sabi sa kaniya na ikinatawa Lang niya ulit, nasanay na talaga akong pagsalitaan siya Ng ganito.

Hindi Naman Kasi siya nagagalit, parang ikinakatuwa pa nga niya pag sinusungitan ko siya, Kaya nasanay narin ako.

Magsasalita pa Sana siya pero binabaan ko na siya at saka ako pumasok sa opisina niya.

Naabutan ko Naman siya dun na parang baliw na nakangisi habang tinitigan ako, tinaasan ko siya Ng kilay pero mas ngumisi Lang siya.

Para siyang hari na nakasandal sa swivel Niya habang Yung dalawa niyang kamay ay nakalagay sa likod Ng ulo niya, ngumingisi siya don na parang may kapilyuhan na namang naisip.

Inirapan ko siya ulit at pumasok na ako sa kusina Ng office niya, ipinagtimpla ko siya Ng black coffee.

Kahit Naman gusto ko siyang lasunin Hindi pwede dahil walang magsu sweldo sa akin Hindi pwede yun.kailang ko Ng pera para mabuhay kami Ni Lola.

Agad akong lumabas pagkatapos Kong magtimpla at naabutan ko siya doong may kinakalikot sa telepono niya, Ng bumaling siya Ng tingin sa akin ay bigla siyang ngumiti Ng nakaloloko.

Napailing nalang ako dahil sa ka abnormalan Niya, Ng makalapit na ako sa lamesa niya ay inilagay ko Doon Ang isang tasa na kape.

"Ito Na Po Mahal na Hari". Nang uuyam na Sabi ko at saka siya inismiran, kinuha naman niya yon at tinignan ako habang dahan dahang sumimsim Ng kape niya.

The Broken PromisesStories to obsess over. Discover now