The first pain
Andrea's Pov
"Ilang linggo ka ba Doon Apo?".marahang tanong Ni Lola sakin habang tinutulungan akong mag empake ng mga damit ko na dadalhin ko sa Cebu.
"Isang linggo Lang Po kami doon Lola, anniversary kase ng mga magulang ng kaibigan ni sir na si Tyler". Sabi ko habang tinutupi ang dress ko na binigay Ni sir.
Ng matapos kong ipasok lahat Ng damit ko sa bagahe ay isinara ko na iyon at umupo sa dulo Ng kama ko.
Napabuntong hininga Naman si lola kapagkuwan ay niyakap ako.
"Mag iingat ka don Apo ah?, Wala ako don para alagaan ka, sigurado Naman ako na aalagaan ka ni Alex Doon habang Wala ako ". Malambing na Sabi Ni lola, ngumiti Naman ako at niyakap siya pabalik.
Nakilala niya Ang pilyo Kung boss nung minsan na nagkasakit ako, bigla nalang pumunta dito sir Alex dahi inalam niya Kung bakit ako absent nung araw nayon.
Nagulat nalang ako paggising ko na nasa harapan ko na si Alex, nagalit pa siya bat daw Hindi ko siya tinawagan para ipaalam na may sakit ako.
" Kayo din Lola , alagaan niyo Ang sarili niyo kumain kayo sa tamang oras at wag ninyong pagurin Yung sarili niyo". Marahang Sabi ko, bumitaw Naman siya sa yakap.
"Oh sige na, baka malate ka pa". Kinuha ko na Ang bagahe ko at lumabas na, nagulat ako Ng paglabas ko sa gate ay may nakaparadang Ferrari sa harapan ko.
Nakita ko pa Ang mga tsismosa Kong mga kapitbahay na nagbubulungan dahil sa nakaparadang kotse sa harap Ng bahay namin.
Napailing nalang ako, Mula sa kapitbahay ko ay tumuon Ang tingin ko sa taong lumabas Ng kotse at Hindi na ako nagtaka Ng Makita si Alex na naka shades at nakasuot Ng ripped jeans at gray na v neck t-shirt na hapit sa katawan niya.
Dahil sa pagtitig ko sa kaniya ay Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya at nakapamulsang tinignan ako.
"You're drooling, ganon na ba talaga ako ka gwapo para paglawayan mo?".ngumingising Sabi niya, inirapan ko Naman siya at hinawakan Ang gilid Ng labi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin ng Wala akong makapa na basa sa gilid Ng labi ko.
"Sinungaling, at sinong nagsabing gwapo ka?, Mas gwapo pa nga sayo si Shawn eh.".nalukot Ang mukha niya sa sinabi ko at sumama Ang tingin sakin.
"Anong Sabi mo?".matalim Ang matang tanong niya, umakto Naman akong nagulat at napatakip sa bibig.
"Halah..ay..sorry, Hindi Yun Ang ibig Kong sabihin".kinagat ko pa Ang labi ko at umaktong nag iwas Ng tingin.
Mula sa gilid Ng Mata ko nakita ko Kung paano kumuyom yung kamao Niya, halos magkulay itim Yung Mata niya sa galit at nagtatagis din Ang kaniyang bagang.
Imbis na matakot muntik pa akong matawa Kaya kinagat ko Ang labi ko para pigilan iyon.
"Gusto mo ba siya Andrea?". Nanggigigil na tanong niya, habang Yung Mata niya sobrang talim na parang hinahamon niya ako Ng away.
Mas Lalo akong nag enjoy na inisin siya.
"Sino ba Naman Ang Hindi magkaka gusto sa kaniya, he has everything, gwapo, mabait, at higit sa lahat! Masara---" Hindi ko na natuloy Ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinablot Ang bewang ko at nanlaki Ang Mata ko Ng bigla niyang nilakumos Ng halik ang labi ko!.
Napaungol ako sa klase Ng paghalik niya, para niya akong pinaparusahan sa pamamagitan Ng halik.
Mula sa marahas ay dahan dahan na bumagal Ang paghalik niya hanggang sa napuno na iyon Ng pagsuyo.