Part 6 (heart beat )

2 0 0
                                    


Heart beat

Andrea's Pov

Kanina ko pa inaaabangan Ang paglabas ni sir Sana naman hindi muna siya lalabas dahil nakoh..tatalon talaga ako palabas Ng Mondragon's Empire.

Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari kanina.sariwa pa sa utak ko Ang pagkagat ko sa daliri Ni sir.

Nakoh Naman..bakit Kasi kinagat ko Sana pinayagan ko nalang siyang halikan ako..

Ako pa talaga Ang tumanggi sa biyayang may kapal??

Grasya nanga Ang lumalapit tinanggihan ko pa.

Nakatingin Lang ako sa kawalan.at napakurap Ng may biglang pumitik say harap Ng mukha ko. Napatingin ako at nagitla Ng Makita sila Shawn kasama Ang dalawang lalaki, si Tyler Yung Isa sa kanila pero Yung Isa ngayon ko Lang nakita.

Seriously? Bakit sa tuwing nakikita ko si Shawn may bago na naman siyang mga alalay.

" Ay kayo pala sir..ano pong kailangan ninyo?". Magalang Kung tanong. Tumawa Naman siya. Hindi ba siya mauubusan Ng energy?. 

"Ikaw Naman..Andrea wag mo na akong tawaging sir..". Sabi niya . Kahit nagulat ay ngumiti nalang ako at tumango.

"Nasaan  nga pala Ang ulupong mong boss?"...tanong niya na nagpalaki Ng mata ko!..bigla akong namula Ng maalala ko ang ginawa ko.

"Oh ..bakit namumula si Ms secretary?". Tanong niya at tinignan ako Ng nakaloloko. Napakagat labi ako at tumungo narinig ko Naman Ang pagtawa niya.

"May nangyari ba??.. may ginawa ba kayong ng ulupong naming kaibigan hah? Andrea...??"..he said using his teasing tone that make me blush..

Oh diba napapa English nalang ako sa pagkapahiya?..huhuhuhu...

"A-h ano bang sinasabi mo Shawn?!..h-hindi noh!". Namumula Kong sigaw sa kaniya . Halata namang nagulat siya pero Maya maya Lang ay tumawa na siya.

"Shut up Lopez.. you're such an ass..!". Sigaw bigla ng kasama nilang ngayon ko Lang nakita. Nakatakip siya sa magkabila niyang tenga habang tinitignan ng masama si Shawn.

Tinawanan Lang siya Ni Shawn at umaktong nag zizipline.

"Sorry fafa Tyron...". Maarteng sigaw ni Shawn gamit ang pambata na pangbabae niyang Boses. Napaawang naman Ang bibig ko sa gulat.

Futa..para talaga siyang bakla. Magsasalita Sana ako Ng may magsalita sa likod nila.

"Ano na naman ba ang ginagawa niyo dito?". Napabaling Ang tingin ko doon at nakita ang isang matangkad na lalaki. Napaawang Ang bibig ko sa gulat sa nakita.

Ang nasa harapan ko ay kamukhang kamukha Ni sir ang pinagkaiba Lang nila ay brown ang kulay Ng mata niya samantalang kay sir naman ay berde.

" Oh..Xander pare..! Buhay kapa pala akala ko inilibing kana sa Tagal mong hindi nagpakita". Salubong Ni Shawn dito. Nag iwas Naman Ng tingin Ang kamukha Ni sir at Kita ko Kong pàano lumungkot Ang ekspresyon nito.

"Busy Kasi ako sa kakahanap Ng nawawala kong dyamante eh..". Malungkot na Sabi niya at nagulat ako Ng magsimula nang pumula Ang paligid Ng  mata niya tanda na maiiyak na ito.

" Oh pare wag ka ditong magdrama.. wag Kang mag alala mahahanap mo din Ang Mahal mo".pag aalo Ni Sawn dito, ngumiti Naman siya at pinahid Ang luhang tumulo sa Mata Niya saka ngumiti Ng mapait.

" Sana nga dahil Hindi ko talaga mapapatawad Ang sarili ko pag may masamang mangyari sa mag ina ko". Seryoso niyang Sabi. At bumaling sa akin. Ngumiti siya at naglahad Ng kamay.

The Broken PromisesWhere stories live. Discover now