"Samuel, kanina mo pa tinititigan 'yang video ni Athena. Ikaw ang nagpapadami ng views ng youtube video niya, eh," sabi ng kaibigan kong si Caleb sa akin. Oo! Kanina ko pa pinapanuod ang vlog nitong si Athena, paano ba naman kasi ay ginaya na naman ang content ko. Kinokopya niya lang ako! How she became a famous vlogger here in the Philippines kung wala namang originality ang bawat content niya?
"Sa tingin mo ba natutuwa ako? Kinopya na naman ni JustAthena ang last video content ko!" reklamo ko at padabog kong ibinalik ang cellphone niya sa kanya. "Ano bang espesyal sa babae na iyon? Bakit madalas i-compare ng mga tao yung video naming dalawa? My content is far way better than her, mas magaling din ako sa pag-e-edit ng video, at higit sa lahat ay magaling akong magsalita sa harap ng camera. Hindi kagaya niya, puro pagpapabebe lang naman ang alam."
"Dude, una ay halos magkasing-edaran lang kayong dalawa ni JustAthena may iba nga na nila-love team kayong dalawa, eh. Pangalawa halos magkasing dami kayo ng subscribers sa youtube, the last time I checked your both accounts, parehas kayong may mahigit 400,000 subscribers. Pangatlo, magkalaban ang school natin at school nila, Northford University and West University are already rivals bago pa tayo pumasok dito sa Northford. Pang-apat ay halos parehas nga ang content ninyong dalawa so madalas kayong i-compare ng mga tao." he explained to me. That's the point! Lahat ng ayoko sa isang babae ay nasa kanya.
"Bakit hindi ninyo i-try na mag-collab na dalawa? It will be a'boom video,' trust me. Try ninyo gumawa ng 24 hours magjowa challenge or kahit—"
"Hindi ka ba nandidiri sa mga idea mo? Bakit ako makikipag-collab sa gaya-gaya na 'yon?" kahit pa si Athena na lang ang natitirang vlogger sa Pilipinas ay hinding-hindi ako makikipag-collab sa kanya. I rather do all my videos alone than to be with her.
"Bakit? Maganda naman si Athena, ah. Ang kalog niya pa, kaya nga isa siya sa mga rising youtuber na inaabangan ng mga tao." hindi ko alam kung kanino ba talaga kampi itong si Caleb, I am his bestfriend pero hindi niya kinaayawan si Athena kagaya nang pagkaayaw ko sa babaeng iyon.
"Maganda? Bulag ka ba? Anong grado ng mata mo? Magpatingin ka na mukhang malabo na." tumayo ako at iniwan siyang nakaupo sa bleacher. Naiinis lang ako kapag pinag-uusapan ang Athena na iyon. Tutal malapit na rin ang sunod na klase ay aagahan ko na lang ang pasok.
* * *
Kinagabihan, I am editing my Pass or Collab video dahil iyon ang sunod na i-a-upload ko. Tandang-tanda ko pa yung isinagot ko nung si JustAthena ang vlogger na tinanong sa akin kung gusto ko siyng maka-collab.
"Pass. JustAthena is a great vlogger pero feeling ko hindi compatible yung sense of humor naming dalawa. Yeah, she's outgoing and funny but iba yung trip niya sa trip ko. Sorry to JustAthena fans, opinyon ko lang naman ito."
Never akong makikipag-collab sa kanya. Syempre kahit inis na inis ako sa kanya ay hindi ko naman sisiraan o lalaitin si Athena sa vlog ko dahil paniguradong maba-bash lang ako. Pero totoo yung sagot ko na pass akong maka-collab siya, I don't want to have a collaboration video sa taong wala namang originality ang mga video.
I am in the middle of my editing nung biglang may nag-message sa gmail ko. I check my gmail account para basahin ang laman nito.
It's from Funslide Waterpark, ang Funslide Waterpark ay isang bagong tayo na waterpark sa Bulacan and they are asking youtubers para i-promote ang waterpark nila. They are asking me since last week pero hindi ko pa maibigay yung sagot ko dahil na rin marami-raming ginagawa sa school.
Magandang araw SamuelTV, gusto ka sana naming paunlakan na pumunta at i-promote ang Funslide Waterpark kasama ang iba pang vlogger. All expenses will be shouldered by our management from food, travel, and activities. It will be a month-long promotion in your vlog and sana ay mapaunlakan mo ang aming kahilingan. We will wait for your reply, SamuelTV. Thank you and God bless!
Nag-isip muna ako kung may gagawin ako for the next month pero mukhang maluwag naman ang schedule kung kaya't pumayag na rin ako sa kahilingan ng Funslide Waterpark.
BINABASA MO ANG
Pass or Collab (Short Story)
Short StoryThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...