Youtube fan festival.
This event is one of the biggest event na kung saan nagsasama-sama ang mga kilalang vlogger para mag-perform sa mga tao. Maraming mga fans ng mga vlogger ang dumadalo rito for vlogging tips and performances.
Malapit na ang performance ko at malakas na kumakabog ang aking dibdib. Naputol ang aking kaba nug biglang tumawag si Mars sa akin. "Hello, Mars,"
"Hello, Samuel! Gusto ko lang sana ikaw na i-congratulate dahil you reached 500,000 subscribers this morning! Bigtime ka na! Anyway, pinapasabi lang ni boss na sobrang thank you sa inyo dahil ang dami nang pumupunta sa Funslide Waterpark dahil sa inyo. It's a successful promotion... nga pala, kumusta na kayo ni Athena?" sabi ni Mars sa kabilang linya.
Wow, it's been a month simula nung ginawa ko ang apology video ko and wala akong natanggap na kahit anong feedback mula kay Athena. Naging hati rin ang opinyon ng mga fans sa ginawa ko dahil bakit daw kailangan ko pang i-public... iyon na lang din naman kasi ang nakikita kong paraan para makita ni Athena na nagsisisi talaga ako sa aking mga nagawa noon.
Speaking of Athena, hindi ko pa rin siya nakikita kahit na ksama siya sa line up ng mga vlogger na magpe-perform dito sa Youtube Fan Fest. Napapaisip tuloy ako kung dadalo ba siya o hindi siya pupunta dahil nandito ako.
"Ganoon pa rin, Mars, naghihintay din ako ng tamang oras para makapag-sorry sa kanya. But maybe, hindi na ako kakausapin no'n. Ang g*go ko rin naman kasi, eh." paliwanag ko sa kanya.
"Magkakaayos din kayo, good luck sa performance mo! Pasensya ka na at hindi ako makakapunta at makakanuod. Ang busy sa waterpark! Kasalanan ninyo 'to! Masyado ninyong ginalingan sa pagpo-promote." Napatawa ako sa sinabi ni Mars. Nagkumustahan pa kami ng ilang minuto bago ko in-end ang call. Kahit papaano ay napagaan ni Mars ang loob oo.
Masaya rin ako na dinarayo na ang Waterpark na aming pinromote, hindi nasayang ang lahat nang paghihirap na ginawa namin.
"SamuelTV!" sigaw nung stage manager na nandito. "Ikaw na ang next, be ready."
Saglit akong nag-perform para sa mga fans, naghanda ako ng dalawang kanta sa kanila at isang dance prod. Nakakapagod man pero ang makita silang nakangiti ang nakapawi sa pagod na nararamdaman ko. As a public figure, isa ito sa mga nagiging rason para mahalin pa namin ang aming trabaho, marami kaming napapasaya at napapangiti.
Dali-dali akong bumaba sa backstage at doon ko nakita si Athena, nakatayo at nakatingin sa akin. I don't know kung dapat ko siyang lapitan dahil baka galt pa siya sa akin pero si Athena na ang naglakad tungo sa aking direksyon.
"Ang galing mong kumanta," that's the first sentence na sinabi niya sa akin after a long time. She's smiling na parang hindi na siya apektado sa nangyari.
"Wala nga ako sa tono, eh," napakamot ako sa ulo na ikinatawa niya. "Athena... about doon sa—"
"Napanuod ko na yung video mo. Tapos na, apology accepted. At isa pa, kinukulit din ako ng kaibigan mo na makipag-ayos na ako sa'yo. Araw-araw yata siyang nagpapadala ng bulaklak sa bahay para sabihing patawarin na kita." Si Caleb talaga, sinabi ko nang labas siya sa issue na 'to, eh. Pero natuwa naman ako dahil maging siya ay gumawa ng paraan para magkaayos kaming dalawa ni Athena.
"I know naging judgmental ako. I judged you without knowing the real you. I am sorry for that." I said.
"I will admit, nasaktan din naman ako pero okay na 'yon. Ramdam ko naman na sincere ka sa pagso-sorry mo." she smile widely. "So kailan tayo ulit magko-collab?"
Nabigla ako sa kanyang tanong.
"Napanuod ko yung pass or collab mong video. I'll definitely want to do a collab video with you, again." She smiled.
And this time masasabi kong okay na lahat. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ito.
END.
![](https://img.wattpad.com/cover/198405648-288-k916811.jpg)
BINABASA MO ANG
Pass or Collab (Short Story)
Short StoryThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...