Three

1K 99 12
                                    

Kung suswertihin ka nga naman talaga, bakit si Athena pa!? Ang dami kong kaibigang vlogger na um-agree rin dito sa promotion na ito pero bakit si Athena pa ang kailangang makasama ko in every video? Ibig sabihin ba nito ay every sunday ay makakasama ko siya?

Pwede pa bang mag-backout? Sh*t, I already signed a contract and nakapagbayad na ang waterpark sa akin. Wala na talagang atrasan 'to. "Hello! I am Athena," inabot niya ang kamay niya sa akin habang nakangiti.

Wala man lang siyang ideya na ayoko na ayoko sa kanya. I bet the smile on her face is fake, pakitang-tao lang 'to. Sa bagay, yung mga content niya nga sa vlog niya ay hindi rin naman original. "I am Samuel. It's nice meeting you," kinamayan ko siya to introduced myself

"I watched your vlogs and sobrang informative ng mga videos mo, I like how you put some facts in your videos. Sobrang helpful." sabi niya. Oo nga, ginaya mo pa nga 'diba?

"Thank you. I also watched your vlogs. Sobrang nakakatawa ka. My bestfriend is a big fan of yours by the way." sabi ko naman sa kanya.

I excused myself and entered in CR. Ilang beses akong naghilamos para lang mag-sink in sa akin na si JustAthena ang makaka-collab ko para sa promotion na 'to. Kung alam ko lang na siya ang makakasama ko ay hindi ko tatanggapin ang project na 'to... joke lang, tatanggapin ko pa rin, ang laki kaya ng bayad nila.

I looked at my reflection in the mirror. "Okay, trabaho lang 'to Samuel. Isang buwan lang 'to." I motivated myself bago lumabas.

Nagbihis na rin ako ng pang-swimming para mag-ready sa mga activities na gagawin namin, nagsuot ako ng boardshort at rash guard para maiwasan na ring umitim. Habang naglalakad ako pabalik sa lounge area ay may ilang nagpa-picture sa akin dahil kilala raw nila ako so I humbly accept their request.

Pagkabalik ko sa lounge area ay nandoon na si Mars at maging si Athena, she smiled to me as soon as he saw me at itinuro niya ang upuan sa tabi niya. I gladly accepted it at kumain kami ng breakfast na magkakasama.

After breakfast ay sumabak na kami sa paggawa ng video ni Athena.

The first thing we shoot ay sa labas ng Funslide waterpark para sa intro namin. This video will be upload sa youtube channel ng waterpark na ito pero kaming dalawa ni Athena ang mag-e-edit ng video... so basically ay hindi lang pala every sunday kami magkakasama. Pero isa-suggest ko na magkanya-kanyang edit na lang kami and compile na lang naming dalawa.

"Hey guys! This is your boy SamuelTV," I introduced myself sa harap ng camera.

"And I am your resident kalog sa balat ng youtube, JustAthena!" pagpapakilala niya sa kanyang sarili and that's the most corny intro that I heard in my entire life. "So today, nandito kami sa Funslide Waterpark located at Bulacan para i-try ang mga activities na mayroon sila. Are you excited, Samuel?" She asked me.

Wow, hindi ako na-inform na puro adlibs ang gagawin namin dito. Sa mga video ko kasi ay gumagawa ako ng magiging flow ng video pero eto, shoot agad, walang usap-usap sa dapat mangyari sa vlog. This will be a disastrous vlog, I can feel it. Bakit ba siya ang kailangang maka-collab ko?

"Of course! Sino ba namang hindi mae-excite? Etong Funslide Waterpark ang pinakamalaking waterpark dito sa Pinas so excited na ako sa mga activities na mayroon sila dito. How about you? Ano bang activity ang nilu-look forward mong gawin natin?" tanong ko sa kanya.

"Basta kasama naman kita , kehet ene pe yen," she started with her corny humor and I fake my laughed. That's not even funny. "Charot lang! Syempre yung mga slides! Never pa akong nakapunta sa waterpark kaya excited ako dito, excited ako sa mga waterslide pero at the same time takot akong ma-fall," she looked to me.

Wala akong choice kun'di sakyan siya dahil this is a collab video and kailangan kong ipakita na may chemistry kaming dalawa as a team (yuck.) "Ba't natatakot kang ma-fall sasaluhin naman kita," we both laughed.

"Uy pere keng sire," she did the pabebe face and napatawa talaga ako. "Kaka-meet lang natin, Samuel, ha! 'Wag mo akong paandaran ng mga ganyan. Kapag ako niligawan mo mag-ye-yes talaga ako." Natawa maging ang mga tao behind the camera sa sinabi niya. Okay, I will admit, hindi siya ganoong ka-corny dahil ang benta ng humor nitong si Athena.

Ginawa naming dalawa ni Athena ang maraming activities dito sa waterpark and honestly nag-enjoy ako. Hindi dahil kasama ko si Athena, ha! Nag-enjoy ako sa mga ginawa naming dalawa. This waterpark have a lot to offer, ang daming activities and hindi siya nakaka-bored.

Hapon na nung natapos kaming mag-shoot ni Athena, we did an outro bago namin in-end ang video.

"Sa wakas natapos din." Umupo ako sa isa sa mga upuan.

"Huy pasensya na, Samuel, ha." umupo siya sa katabing upuan na inuupuan ko.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Nung nasa lounge area tayo, I saw you that you're plotting a flow for this video and hindi man lang nasunod 'yon. Sanay kasi ako na walang script kapag gumagawa ako ng video... genuine reactions." She explained and I am thankful that she said sorry dahil na-offend talaga ako. "Sorry din sa mga biglaang hirit ko, alam kong waley siya."

"No you're actually funny. I had fun, honestly." sabi ko sa kanya.

"Chat mo na lang ako kapag ie-edit na nating dalawa yung video. Kailangan ko nang umuwi, hinahanap na ako ng aking butihing ina." She packed her things and naglakad na paalis.

Hindi naman din pala ganoon kasama na makasama si Athena sa iisang video.

Pass or Collab (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon