"Dude totoo ba na inimbitahan ka ng Funslide Waterpark para sa promotion ng place nila? Just wow! Isama mo naman ako, that's the biggest waterpark dito sa Pilipinas," napatango-tango ako sa sinabi ni Caleb noong makaupo na kaming dalawa sa aming upuan. Masyadong maaga pa for our next class kung kaya't may time pa na makapagkwentuhan kaming dalawa.
"Yup, wala rin akong gagastusin dahil sasagutin nila lahat and they are offering a huge amount of money sa pagba-vlog ko," kwento ko sa kanya. Noong marinig ko nga ang pera na in-offer nila sa akin ay napa-oo na talaga ako, pambayad ko ron ng tuition iyon for next sem. "At isa pa it will be a month long promotion so bale gagawa ako ng isang video every week patungkol sa Funslide Waterpark and may makakasama rin akong ibang vlogger. Pero sabi nila ay iba-iba raw kami ng schedule kaya 'di ko alam kung sino makakasama ko kapag pupunta roon,"
"Tuwing kailan ba schedule mo? Sama naman ako!" he insisted.
"Every sunday, iyon lang kasi ang pinakalibre kong araw kung kaya't tuwing suday ay pupunta ako sa Funslide Waterpark to do a video," kwento ko sa kanya.
"Dude you know that I am not available every sunday! May cousin's hangout kami no'n!" Exactly! Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit pinili ko ang schedule na sunday dahil hindi siya makakasama. Hindi naman sa ayokong kasama 'tong bestfriend ko pero baka parang isang bata siya roon na magliwaliw sa swimming pool, nakakahita sa management ng waterpark. "Sino namang mga vlogger ang makakasama mo?"
"Ewan ko." I am cool with other youtuber, huwag lang talaga si JustAthena na manggagaya ng content.
"Paano kung si Athena 'yan?"
"Why would they invite her? Hindi naman siya ganoon ka-funny para maimbitahan ng Funslide Waterpark. She's not even famous, maraming hindi nakakakilala sa kanya." I explained. Kung sino Athena lang din ang makakasama ko, huwag na! Magba-backout na lang ako. Makasama ko na ang ibang youtuber, 'wag lang siya.
Our professor came kung kaya't napatigil na kaming dalawa ni Caleb sa kwentuhan.
* * *
Sunday. Ito na ang araw na kailangan pumunta ako sa Funslide Waterpark para simulan ang paggawa ng promotional video, nakapirma na rin ako ng kontrata sa kanila at naibigay na rin nila sa akin ang kalahati ng pera, ibibigay naman daw nila ang kalahati after the promotion kung kaya nag-agree na ako.
Hindi naging problema ang pagpunta ko sa Funslide Waterpark dahil may shuttle sila na sumundo mula sa aming bahay. Sobrang hassle free, so far, I like the way how this waterpark treat us. I mean, maalaga sila sa mga kinuha nilang youtuber.
"Good morning, SamuelTV, or should I call you Samuel na lang?" tanong ni Mars, siya ang magma-manage ng mga activities na gagawin namin sa waterpark every week.
"Samuel na lang po," magalang kong sabi dahil mas matanda siya sa akin. I am just 18 years old and Mars is already 24.
"Okay, Samuel, for the first week ay ita-try ninyo ang lahat ng mga activities dito sa funslide waterpark. Zipline, pool, wave pool, and the slides of course pati na rin yung mga billiards and videoke namin," he explained to me while I am listing all the activities that he said. Kailangan ko rin naman mag-isip ng magiging flow ng video ko. "So ishu-shoot natin siya today and dapat by friday ay ma-upload na ang video. Keri ba, Samuel?"
"Kaya po!"
Pagkarating namin sa Funslide Watepark ay napa-wow talaga ako sa laki at ganda ng lugar. I mean, ang laki na niya tingnan sa mga picture pero mas malaki pa siya kapag nakita mo ng personal, ang ganda rin ng interior designs nila at ang lively ng atmosphere sa lugar.
Nag-take ako ng ilang pictures para may ilagay ako sa IG story ko bago ako sumunod kay Mars papunta sa lounge area nila kung saan mami-meet ko ang makakasama ko in every vlog, may isa raw akong youtuber na makakasama and natutuwa si Mars dahil baka close na daw kaming dalawa. I just wish it is AlbertoG dahil naka-collab ko na siya last year.
Pagkarating namin sa lounge area ay may isang babae na nakaupo habang nagbabasa ng magazine. "Hello! Sorry kung na-late kami, traffic sa EDSA eh. By the way this is SamuelTV, siya yung makaka-collab mo for this promotion. And Samuel this is..."
Ibinaba nung babae ang magazine na kanyang binabasa at tuluyan ko nang nakita ang kanyang mukha. Bilugan ang kanyang mata at malalim ang kanyang dimples, she's also smiling widely at mestiza ang kulay ng kanyang balat.
"... JustAthena or you can call her Athena." pagpapatuloy ni Mars.
What the hell!?
BINABASA MO ANG
Pass or Collab (Short Story)
Short StoryThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...