"The famous brand model and tv personality, Jacky Elcathina, has arrived to the Philippines from the United States after her long awaited interview in Tonight with Jimmy Fallon.", nakangiting basa ng aking manager sa dyaryong hawak nito.
"Sikat na sikat ka na! Hindi lang Pilipinas ang nagmamahal sa'yo, pati na din ang US. Congratulations on your success Miss Jacky!", pagbati naman sa akin ng aking Boss.
"Obviously, sisikat talaga ako.", saad ko sabay irap. "My parent's names are famous in the big screen. Both of them are good actors. Nadamay lang ako dahil anak nila ako. Sa tingin mo sisikat ako kung hindi 'Elcathina' ang apelyido ko? Hindi.", iritableng sagot ko sa boss at manager ko.
I never liked the idea of being a celebrity. I mean, who likes flaunting their private life to the public? Well, most celebrities do, but I don't. As much as possible I like to keep it low-key. But this media men and paparazzis follow me everywhere. And when I say everywhere, I mean everywhere. Kulang na lang pati sa loob ng penthouse ko may nakakabit na camera para lahat na talaga ng ginagawa ko alam nila.
"Miss Jacky, baka nakakalimutan niyo na kung bakit kayo pumayag na pumasok sa showbiz.", walang emosyong sabi ng boss ko.
"How can I forget?", iritableng tanong ko. "E halos araw-araw niyo sa'kin ipinapaalala ang bagay na yan. If it wasn't for that stupid bet, I could've been living a low-key life right now.", inirapan ko ang boss ko.
"At kung hindi ka naman pumayag, alam mo ang mangyayari. Alam kong mahal mo ang mga magulang mo. And what you're doing now, is what a loving daughter would do.", kalmado ngunit walang emosyong sabat ng manager ko.
Sasagot pa sana ako ng biglang may kumatok at dire-diretsong pumasok sa opisina ng boss ko.
"Miss Jacky, itinatanong ng Mommy niyo kung magpapa-schedule na siya ng presscon para sa bago niyong teleserye pati na rin ang matagumpay niyong interview sa America.", nakangiting imporma sa akin ng sekretarya ni Mommy.
Nginitian ko ito pabalik pero imbes na sumagot ay bumaling ako sa boss at manager ko saka tinaasan sila ng kilay ko. Nakuha naman agad ng manager ko ang gusto kong ipahiwatig kaya't ito na ang kumausap sa sekretarya ni Mommy.
"Sa biyernes na lang siya magpapa-interview. Magpapahinga muna siya.", pagkasabi niyon ay nagpasalamat ito at umalis na din ang sekretarya.
Nang maisara ang pinto ay tumayo ako at kinuha ang aking handbag at akmang aalis na ng biglang magsalita ang boss ko.
"And where are you going, Jacky?", iritableng tanong ng boss ko.
Umirap muna ako bago bumaling rito na may matamis na ngiti. "I'm going home. You did say that it's my rest week, so, yeah. Bye."
Tumalikod ako at lumabas sa opisina ng boss ko pero bago pa ako makalabas ay nakita kong napailing-iling sila sa inaasta ko. Napangiti ako dahil d'on.
Malapad ang ngiti ko habang lulan ng elevator. Nang makalabas ako sa Calixto Entertainment Building ay agad akong sumakay sa aking Mustang. Pinaharurot ko iyon papunta sa building kung nasaan ang penthouse ko.
Nang mai-park ko ang sasakyan ko ay lumabas na ako at sumakay sa elevator na magdadala sa akin sa penthouse ko. Nang tumigil ang elevator ay agad akong lumabas at pumasok sa bahay ko.
Pagkapasok ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom nang mag-ingay ang cellphone ko. Inabot ko ito sa countertop at tinignan ang caller ID saka sinagot.
"Hey, Ezly. Wattup?", tanong ko rito habang naglalakad papunta sa kwarto ko.
"Nothing much. Just the usual boring life I have. By the way, I bumped into your "worst enemy" a few minutes ago, and I'm telling you, she got worse than before. She, literally, looks like a zombie from Walking Dead.", kwento nito na halata ang pagkadisgusto sa tono ng pananalita.