CHAPTER TWO

25 7 1
                                    

"T-tita?", di makapaniwalang tanong ni Ezly na sumunod pala sa akin.

Tumingin lang ito saglit kay Ezly saka sinampal ako ulit. Nagpupuyos ito sa galit habang nakatingin ng masama sa akin. Nanatili akong walang emosyon kahit mahapdi na ang pisngi ko dahil sa lakas ng sampal niya.

"Tita, tama na po.", nagmamakaawang sabi ni Ezly saka humarang sa harapan ko.

"Get out of the way, Ezly.", matalim ang boses na sabi ni Mommy.

"Ezly, move.", bulong ko kay Ezly. "I can handle it. I can handle her."

Walang nagawa si Ezly kundi ang tumayo sa gilid at manuod. "What do you want, Mom?", sikmat ko kay Mommy habang walang emosyong nakatitig sa mata niya.

Mapakla itong natawa. "Kilala mo pa pala kung sino ang nanay mo.", tumitig din ito sa akin at halata ang galit sa mga mata nito.

"Paano kita makakalimutan? E, ikaw ang naglagay sa akin sa impyernong ito para lang manatili sayo ang karangyaang gusto mo.", nang-uuyam akong ngumiti. "Kaya ka iniwan ni Daddy dahil dyan sa pagkamakasarili mo. Hindi ako ang dahilan ng hiwalayan niyo, ikaw.", dinuro ko siya saka matalim na tinitigan.

Nalukot ang pagmumukha nito. "Wala ka na talagang respeto, ano?", sabi nito saka malakas na tinampal ang daliri kong nakaduro sa kanya at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Respeto? Sayo?", napailing-iling ako saka mahinang natawa. "Siguro noon, meron pa. Pero ngayon? Bakit ka maghahangad ng respeto sa taong hindi mo kayang respetuhin?"

Mas humigpit ang kapit nito sa mga balikat ko. Sa sobrang lakas ng hawak niya, pakiramdam ko ay bumaon na ang mga kuko niya sa balat ko. Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa balikat ko nang magpumaglas siya at nakalmot niya ng kaunti ang mukha ko. Akmang sasampalin niya na naman ako nang masangga ko ang kamay niya. "How dare you!"

Impit itong napasigaw ng lakasan ko ang diin at hawak sa palapulsuhan niya. Nakatingin lang ako sa kamay niya habang dahan-dahang humihigpit ang hawak ko.

"No.", tumingin ako sa mga mata niya saka binaon ang may kahabaan kong kuko sa balat niya. "How. Dare. You." May diin ang bawat salitang binitawan ko.

Sapilitan nitong binawi ang hawak ko sa palapulsuhan niya saka hinilot-hilot iyon. Bumaling ito sa akin habang halata ang sakit at galit sa mukha.

"You are going to regret disrespecting me. I will tell the press what you did. You will fall."

"Go on. Be my guest.", mahina akong natawa saka nang-uuyam na naman na ngumiti. "Tignan natin kung sino sa atin ang maghihirap kapag hindi na ako artista.", nanghahamon na sagot ko habang nakakrus sa harap ng dibdib ko ang mga braso ko.

Matamis akong ngumiti nang mas manggalaiti pa ito sa galit. Tumalim ang mga mata nito saka nagdadabog na lumabas ng bahay ko. Ako naman ay parang nauupos na kandilang napaupo sa hamba ng pinto ng kusina. Nanatili kaming walang imik ni Ezly habang pinapakalma ko ang sarili ko. Bumuntong hininga ako ng ilang ulit habang nakatingin sa pintong nilabasan ni Mommy. Nang maramdamang kalmado na ako ay bumaling ako kay Ezly.

"Honeybee, are you okay?", nag-aalalang tanong ni Ezly.

"Y-yeah.", balik tanong ko rito.

Aminin ko man o hindi, alam kong kahinaan ko pa rin ang galit na mukha ni Mommy. Pero kapag naging mahina at matatakutin ako ay gagamitin niya iyon para mapasunod ako sa mga balak niya. Kailangan kong magpanggap na matapang para sa kapakanan ng mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ako makakapayag na malagay sa panganib ang buhay ng mga mahal ko sa buhay.

"You sure?", nag-aalala pa ring tanong ni Ezly bago pumasok sa powder room.

Tumango ako kahit hindi ako nakikita ni Ezly saka tumayo at lumipat ng upo sa sofa sa sala. Isinandal ko ang katawan sa likod ng sofa at ipinikit ang mga mata. Dumilat lang ako nang makarinig ng mga yapak na papalapit sa akin. Nakita ko si Ezly na may dalang First Aid Kit. Nang makalapit ay inilagay nito ang dala sa center table at umupo sa tabi ko.

L U C K YWhere stories live. Discover now