CHAPTER SEVEN

9 3 0
                                    

Nakaramdam ako ng galit nang marinig ko ang boses ni Ezly sa kabilang linya. Pero kahit gustong-gusto ko na siyang murahin at sigawan ay hindi ako umimik at hinintay lang na magsalita siya.

"Oh? Ba't hindi ka nagsasalita?", nang-aasar ang tono ng pananalita niya.

Tumaas ang kilay ko. "Anong kailangan mo?", iritadong tanong ko sa kanya.

"Kinakamusta lang kita.", painosenteng sagot niya making me snort. "You know? It was a bad idea trying to fool us."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What are you talking about?" Napatingin ako kay Malver na naglalakad palapit sa akin at may dalang plato na may lamang brownies.

"Oh, please.", sarkastiko siyang natawa. "Don't act as if wala kang alam. What you did was such a bad attempt at trying to stay hidden."

Inilapag ni Malver sa mesa ang hawak niyang plato saka ako inalok ng ginawang brownies ni Nanay. Pero dahil galit ako, hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pakikipag-usap.

"What--will you just go straight to the point?!", napataas ang boses ko dahil sa galit.

Malakas siyang natawa dahil marahil sa galit na bumabalot sa bawat salitang binitawan ko.

"Relax, Jacky.", tumatawa pa ring saad niya. "In fairness, ang gwapo ni Mr. Garcia, a. Marc. Silverio. Garcia. What a lovely name!"

Natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan ni Malver. Malalaki ang matang napabaling ako kay Malver. Nang makita niya ang reaksiyon ko ay nagtatanong ang mga matang tumaas ang kilay niya.

"Surprised, are we?", may bahid ng ngiting tanong niya.

Umiwas ako ng tingin nang marinig ko ulit na nagsalita si Ezly. "Don't you fvcking include him! Wala siyang kinalaman dito!", malakas na sigaw ko. 

"Jacky, before you trust someone, better know them well.", malambing na sabi niya.

"Yeah, right.", I scoffed. "It's sounds like a joke coming from you."

"I'm not talking about me. I'm talking about Mr. Garcia.", masaya ang himig ng pananalita niya. "You should know him."

Napatingin ako kay Malver na nakatingin pa din sa akin. Umiwas ulit ako ng tingin pero hindi din umimik.

"For the mean time, I'm gonna teach you a lesson." Nawala siya ng ilang segundo sa kabilang linya bago ako nakarinig ng sigaw.

"Dalhin niyo dito si Tito!", sigaw ni Ezly.

Nakarinig ako ng kadena na tila hinihila sa sahig dahilan para kabahan ako. Makalipas ang ilang segundo ay nakarinig naman ako ng metal na ipinukpok sa kung anong bagay. Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang sigaw ni Daddy na puno ng sakit.

"D-daddy...", naaalarmang sambit ko.

Narinig ko ulit ang sigaw ni Daddy. Kumirot ang puso ko habang paulit-ulit na naririnig ang sigaw niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Namumuo na ang luha sa mga mata ko habang nakikinig lang at walang magawa para tulungan si Daddy.

Tumigil ang paghinga ko nang marinig ko ang napakalakas na sigaw ni Daddy. Kasabay ng pagsigaw niya ang kalampag ng kadenang parang nagpupumiglas.

"L-lucky... anak..."

Mabilis na pumatak ang mga luha ko dahil sa pagtawag sa akin ni Daddy. Kahit mahina lang ang pakakasabi niya sa mga salitang iyon ay bumaon ang mga ito sa kaluluwa ko.

"Daddy?", napahagulhol ako habang tinatawag si Daddy. "D-daddy?! Daddy!"

"Sorry, Jacky.", dinig kong saad ni Ezly. "He's gone."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

L U C K YWhere stories live. Discover now